14: Emperor

4264 Words
HERSHEY Pinagpatung-patong ko ang mga files sa mesa ko mula sa drawer ko. Eto talaga 'yong mga kailangan e. Hindi ko nga lang alam kung eto 'yong kailangan. PA.! PI! RIM! PAM! PAM! Mabilis kong sinagot ang tawag ni Lady Hyzelle dahil hindi ko naman iyon pwedeng i-decline. "Hello, Lady?" Aniko "Hershey, kumusta na 'yong files na pinapareview ko sa'yo?" Hanggang ngayon, nag-aalala pa rin siya. Sino ba namang hindi mag-aalala kung alam niyang wala sa mabuting kamay ang anak niya. And yezz, alam na nila kung nasaan si Ms. Hera dahil siyempre, sinabi ni Rashé. Hindi naman makakatiis iyon. "Okay na po. Tapos ko na po." Sagot ko. "Kumusta? Anong nakita mo?" "Sorry po pero masyado silang tago. Puro peke lang naman po ito." Aniko dahilan para mag-hysterical ma siya. "ANG ANAK KO!" Dinig ko na ang paghikbi niya. Maya-maya pa'y nag-hung up na siya. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko at nagtungo sa kusina. Ms. Hera, 'wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ka. Hinding-hindi ka mapapahamak hanggat nandiyan siya. Kumuha ako ng Koko Krunch at hinaluan ng milk para gawing pananghalian ko. Ako lang ngayon ang mag-isa sa unit dahil wala silang pake sa'kin. Char.. Ito kasi ang gusto nila. Planado na lahat 'to. Tsaka para one call away lang ako mula kay Ms. Hera. Matapos kong kumain, may dinial muna ako sa phone ko bago naligo. "Kuya." Panimula ko "Hmm?" Sana tinext ko na lang siya. Mukhang wala siyang gana, e. "Nakita mo na ba siya jan?" Tanong ko "Ny." "Huh? Anong Ny?" "Not yet." Hay naku! Ano pa bang aasahan ko sa'yo? "Sige ba-bye! Basta kapag naki–*Tut*" Ay, ang sama naman talaga, oh! Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko, binabaan na ako? Mg ghad! Nakakayamot siya talaga. Matapos kong mag-ayos, lumabas muna ako ng unit ko dahil sobrang boring dito. Naisipan kong pong pumunta kina Ralshé para kausapin siya. Madaldal din siya kaya nagkakasundo kami. Pagdating ko roon, dumiretso ako sa lungga niya, sa library. Nagdiri-diretso lang ako ng lakad hanggang sa mamataan ko na siya sa may pinakadulong bahagi nito habang nagbabasa at nakataas pa ang mga paa. "Ralshé." Pag-agaw ko ng atensiyon niya. "Oh my gosh! Ate Shey!" Tumayo siya at naghila ng upuan para sa akin. "Ano? Kumusta na?" "Peke 'yong mga files." Diniretso ko na siya. "Anong peke?" "Basta no'ng nabasa ko 'yong files, napagtanto kong puro kasinungalingan lang ang nandoon." Paliwanag ko. "Kung alam mo namang peke, bakit po pa rin pinrint?" Oo nga noh. Bakit ko pa ba iyon pinrint? "Siyempre, para kapag pumunta 'yong mommy mo sa unit, makikita niya na sinunod ko nga talaga 'yong sinabi niya." Bahagya siyang natawa sa palusot ko. Magsisimula na sana akong magkwento nang may maalala ako. Hindi ba dapat nasa school pa 'to? "Teka. Hindi ba dapat nasa school ka pa? Ba't ang aga mo ata?" Tumingin muna siya sa akin bago isara ang libro niya. "Ganto kasi iyon, ang boring kasi sa school-" "Naku! Masama ang magcut ng classes Ralshé! Hindi maganda 'yan." Pamumutol ko sa kwento niya. "Hindi. Ganto kasi. Pwede bang mamaya ka na magsalita?" Itinaas niya ang kamay niya simbolo na dapat tumahimik muna ako. "Ganto, no'ng mga unang classes ko, wala namang problema. Masaya, puro solving, tatanungin ako para pahiyain ako pero nakakasagot naman ako kaya sila ang napapahiya. Kaso, Wednesday ngayon hindi ba? E ang Wednesday, P. E. namin, which means magkakaroon kami ng Physical Activities na siya namang ayaw ko. Ayaw kong masyadong magalaw. Buti pa kasi sana wala nang ganoon e. E inaabangan ko nga 'yong Computer namin kaso nga lang pang-Thursday naman iyon kaya umabsent muna ako. Tsaka for your information, hindi naman akp nagcut kasi 'yon na rin naman 'yong last subject namin, bali in-excuse ko lang sarili ko dahil nga kunwari nahihilo ako kahit ang totoo ayokong dumalo ng P. E. namin." Kwento niya. " Gano'n ba? Pero kahit na. Dapat hindi mo pa rin ginawa iyon. Kahit ba ayaw mo ng gano'n, kailangan mo pa ring attendan lahat ng classes mo. Baka kasi mamaya, paghinalaan ka ng mga classmates mo at mga usisero't usisera sa tabi-tabi dahil tuwing Wednesday mo lang hindi nakukumpleto ang classes mo. Naku Ralshé, sinasabi ko sa'yo, kapag dumating talaga sa point na gano'n at malaman pa ng nga magulang mo ang mga pinaggagagawa mo, hindi ko alam kung makakaangal pa ba ako. Tsaka 'wag mong kalimutan 'yong magiging reaksiyon ng ate mo kapag nalaman na niya kung ano ang ginawa mo. Baka mamaya makulong ka na naman niyan sa kwarto mo. Tsk. Naku! Naku! Naku! Dapat magtanda ka nang bata ka!" Pangaral ko sa kanya. "Oo na. Oo na. Ako na naman ang talo. Oh, so, ano nang mangyayari?" Tanong nito. "Huh?" Medyo slow ako sa part na 'yon pero slow din naman siya dun. "I mean, ganto na lang tayo? Tutunganga? Magkukwentuhan?" Pinaningkitan ko naman siya ng mata. Medyo hindi ko pa rin kasi gets, e. "So, ano bang balak mong gawin?" Tanong ko. Pinagkrus naman niya ang kanyang braso at sumandal sa swivel chair niya sabay tingin sa akin ng You-Know-What-I-Mean look. Pero medyo hindi ko pa rin talaga... gets.. "Wait. Wait." Pinilit kong kalikutin ang utak ko para maalala ko kung ano nga 'yong mga pinaggagagawa namin hanggang sa isang ideya ang pumasok sa aking isipan. "Ano? Gets?" Nginitian ko rin siya at saka binitbit ang aking bag. "Taralets!" HERA "MASASAPAK NA TALAGA KITANG HINAYUPAK KA!" Halos mabingi ako sa sigaw nitong si Veilar. E sa sobrang sakit pa rin talaga ng braso ko, anong magagawa niya? Nakakainis siya. Akala ba niya nakakatuwa siya? "E ang sakit pa rin, e." Ang hapdi pa rin talaga ng braso ko kahit mag-iisang oras na 'yong bandage rito Napahawak na lang siya sa kanyang noo sa inis siguro dahil sa inaasta ko. "Para kang bata." Tanging sabi niya bago umalis sa harapan ko at umakyat na sa taas. Tiningnan ko ang oras. Simula na ng Self Defense Class at hindi ko alam sa kasama ko kung bakit hindi siya umattend. Kung ako ang tatanungin, ipapakita ko lang 'yong braso kong tinusok ng arrow no'ng babaeng nakakasuklam na ang sarap ilublob sa kumunoy at masasagot na ang tanong nila. Makalipas ang ilang minuto, muli siyang bumaba at inihagis sa akin ang jacket ko. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko "I-to-tour kita." Iniharap ko naman sa kanya 'yong braso ko. "Sa tingin mo kaya kong-" "Oh ghad! Ang arte mo naman." So naiirita na siya kahit gano'n lang ginawa ko? "E kung ikaw kaya tusukin ng arrow, hindi ka maiiyak? Ano? Manhid ka ba?" Tinarayan ko na ang boses ko kasi kanina pa ako naiinis sa inaasta niya. "Hay naku. Kung ayaw mong sumama sa akin, bahala ka. Sagutin mo mag-isa 'yong mga tanong sa isip mo." Kinuha niyang muli ang pamaypay niya na nakalagay sa desk bago naglakad pero hindi pa man din siya nakakarami ng hakbang, tinawag ko na siya. "Stop." Maawtoridad kong tugon. Tumugil naman siya at dahan-dahang humarap sa akin. "Tara na." Isinuot ko na ang aking jacket kahit sobrang hapdi pa rin talaga ng braso ko. KAPAG AKO NAKA RECOVER SASAPAKIN TALAGA KITA NG BONGGANG-BONGGA! Bubuksan na sana niya ang pinto nang muli na naman siyang magsalita. "'yong Strama, dala mo?" "Strama? For what?" "Maraming psycho ang nagkalat sa paligid kaya mas makabubuti kung dadalhin mo ang Strama." Paliwanag nito. "Psycho?" paninigurado ko She didn't answer me and clicked her tongue instead. Wala na rin naman akong nagawa at mabilis na kinuha ang Strama mula sa taas. Nang makabalik na ako'y saka lang kami lumabas. "This is the hallway." Ino'nahan ko na siya kasi baka mamaya sabihin niya na hallway ito kahit alam naman niyang alam ko na hallway 'to. "Tss." Puro tss o kaya naman tch lang ang sagot niya. Una naming tinungo ang Cafeteria. "So this is-" "Cafeteria." Pamumutol ko sa sinasabi niya. Napairap na lang siya at nagsimula nang maglakad. "Kung mapapansin mo, walang sinuman ang nandito bukod sa mga staff dahil halos 50% ng mga tao rito, e nasa kani-kanyang dorm. Hindi rin ito masyadong dinadagsa ng mga tao dahil may uuwian naman sila at halos lahat ng pagkain, e nasa ref naman nila." "E ano pang purpose nito kung wala rin namang nagpupunta rito?" "Imagine a school without a canteen. Sa tingin mo, anong sasabihin ng iba?" Hindi na ako sumagot pa. Oo nga naman. Palabas na sana ako kasi mukha namang wala na siyang ikukwento nang maglakad siyang muli sa ibang direksyon naman. May secret door ba rito? Huminto kami sa harap ng isang malaking pinto at binuksan iyon. Tumambad naman sa amin ang napakahabang hallway. Tinungo namin ang kahabaan ng hallway dahilan para makita ko ang mga nakasabit na naglalakihang pictures ng mga admins ata nila. "Wow naman. Ang lakas maka-Boss Baby, ah." Hindi na naman siya nagreact. Huminto kaming muli sa iaang pintuan na may nakaukit sa itaas nito na 'HE' s Office' "Wait. HE? You mean, office ito ni Lee Miongwa?" "If you're in front of her or any other people, don't ever call her that." Pangaral na naman niya. "Bakit na naman? Dapat bang Ms. Miongwa?" Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at saka tiningnan ang pintuan. "HE doesn't stand for Home Economics. HE stands for Head Empress." Napangiwi naman ako sa narinig ko. "Naks! May pa-empress-empress pa silang nalalaman, ah." At naks din dahil medyo hindi na rin mahapdi itong braso ko. Naks sa antibiotic na nilagay niya, ah. "What is an empire without an empress?" Natigil ako sa sinabi niya. "So, Bellona talaga ito?" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. "Iba-iba 'yong side mo, noh? Minsan, madaling utuin, minsan naman mahirap paniwalain." "Napunto mo inday!" Hininaan ko lang ang pagkasabi ko noon dahil baka mamaya, marinig niya pa at tuluyan na niya akong masapak or worst mabaril. "Huh?" Halaman. "Wala. Oh, so, anong gagawin natin dito? Tutunganga lang? Hihintayin hanggang sa bumukas 'yong pinto?" "Kung 'yan ang gusto mo." Aniya but I think, namimilosopo siya. "Hindi ako nagbibiro." "Me either." "Naiinis na ako." "Sa tingin mo ikaw lang?" I stamped my foot and faced her. "I love punching people." Pagbabanta ko pero natawa lang siya roon. "And I love shooting people with my beloved gun." Itinaas niya ang kanyang baril at kinasa iyon sa harap ko dahilan upang matakot ako.. Ng kaunti. "Relax." I looked back as I heard a teasing voice and saw a guy wearing a dragon necklace. He's familiar to me but I cannot recall his name. Who is he again? Aron? Ron? Tyron? Veilar sighed. "Nice to meet you. I'm Veilar." "I'm Atrhon." He chuckled Atrhon nga pala. "Wait. Hindi pa ba kayo magkakilala?" Sa pagkakaalam ko, matagal na si Veilar dito dahil sa asta niya at si Atrhon naman, no'ng tano'ngin niya ako kung hindi ko siya kilala, it seems na nasa centuries na rin siyang nag-aaral dito. "Of course not." Iiling-iling na tugon ni Veilar. "Kung gano'n, ba't pa kayo nagpapakilala?" tanong ko ngunit walang nag-abalang sumagot. Okay. Sige. Ganyan kayo, ah. Naglakad patungo sa amin si Atrhon at akmang aakbayan si Veilar nang bigla siyang lumayo. "Wag ka na ngang magpaka-dalagang pilipina, para namang 'di tayo nag-" "I think wala jan ngayon si HE Miongwa kaya tara na. Itutuloy ko na ang pag-to-tour sa' yo" Pamumutol niya kay Dragon "Sabay ako sa iny-" "Una sa lahat, kailangan huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino." Paalala niya "Kahit sa'yo?" Paninigurado ko "Siyempre naman. Mukha ba siyang katiwa-tiwala?" Tatawa-tawang sambit ni Atrhon "And wala ka dapat kakausapin na kahit na sino maliban sa akin." Pagpapatuloy niya "Kahit ako?" Singit na naman ni Dragon Ipinasok naman ni Veilar ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at inilabas mula rito ang isang revolver. "Nangangati na 'yong kamay kong paputukin 'to." Nakangiti niyang sinulyapan si Dragon saka ibinalik muli ang paningin sa aming dinadaanan. "Nagbibiro lang naman." Dinig kong bulong niya. Huminto kami sa harapan ng dalawang dambuhalang pintuan. "Labas na ba 'to ng Soner?" "Nah! Stop calling it Soner because this is Bellona." Ani Veilar. "Never forget the name of our hero, Hera." Bellona. Ang nagpasunog sa Ceres. "Anong gagawin natin dito?" "Ready your Strama." Paalala niya Mabilis ko namang kinuha ang Strama nang nagtataka. Strama? For what ba? Naunang maglakad si Dragon patungo sa harapan ng pinto at siya na rin mismo nagbukas nito. "Welcome to the Kingdom of Sonerya!" Agad na bumungad sa akung paningin ang dambuhalang chandelier sa ibabaw ng isang napakalaking hallway. Muli na naman naming naagaw ang atensiyon ng halos lahat ng estudyanteng naglalakad sa daan. "Naks! May pa-kingdom kingdom pa silang nalalaman." Tatawa-tawa kong sabi. "Kingdom is not just the kingdom you know." Tugon ni Veilar at nagpahuli sa akin. Si Dragon ang nasa unahan, ako ang nasa gitna a si Veilar ang nasa hulihan. Para tuloy kaming naglalaro ng Tren-Tren-Put-Put nito. "The Damas." Maya-maya lang, may isang grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa aming daan at ang nakaagaw talaga ng aking atensiyon ay ang nasa harapan na leader ata nila. And what did he say? Damas? Hindi naman kami mukhang board, ah. "Tsk. Ang mga asungot." Muling natawa si Veilar bago pumwesto sa aking harapan at kinasa ang kanyang baril. "Anong nangyayari? Susugurin ba nila tayo?" Nag-aalala na ako dahil baka madagdagan na naman ang sugat ko. "Just push the button on your ballpen and you're safe. Haha." The next thing I saw, lahat na sila nagkakagulo. Walo laban sa dalawa. Tig-apat sila. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at sa muling pagbukas ko nito, nakahandusay na sila. "It's fun, isn't it?" Ngiting-ngiti si Dragon habang hinahawi ang buhok na sumasagabal sa kanyang mata. "Tsk. Soners are always losers." Ang harsh naman ni Veilar. Tsk. Buti na lang talaga at nandito sila at kung wala, baka nasa harapan ko na si Saint Peter. Pero, honestly, ang galing talaga nila. "Naks! Ang galing niyo naman!" Puri ko sa kanila. "Masanay ka na, babe." Nagulat ako sa sinagot sa akin ni Dragon. Aba! Ang kapal naman! Pumantay si Veilar sa akin sa paglalakad. "This is the Kingdom of Sonerya, the kingdom of the assholes." "Assholes?" "Remember the girl who stabbed you with an arrow?" Tanong niya "Of course! I will never forget her!" Muling bumalik ang galit ko. Natatawa siyang umiling. "She is Mazela Miriana, the queen of this kingdom. And the ugly man, who pinned you on the wall, he is Zion Rio, the king and the most asshole of them all." "Nice names!" Halos sumigaw na ako. "Hindi bagay sa kanila." Then I shifted my mood into a tired one. "Haha. That's why I like you." Muling kumunot ang noo ko sa narinig. Habang naglalakad, may naalala akong nagpatigil sa akin. "Wait. Nabanggit sa akin ni Maya na ang mga may posisyon lang ang pwedeng magkwento ng history ng imperyong ito." Humarap ako sa kanilang dalawa. "Sabihin niyo, anong posisyon niyo rito?" Natigilan si Veilar sa tanong ko pero nanatili naman si Dragon sa kanyang super cool na aura. "You know what Hera babe-" "Stop calling me that way." Pamumutol ko sa kanya. Kung si Mr. Dale nga na kilalang kilala ko na, hindi ako pumapayag na tawagin niya akong ganyan, paano pa kaya siya na na tatlong araw ko pa lang nakikita? "The truth is.." After several seconds, nakapagsalita na rin siya. "We are the head of Damarya." Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Head? Does it mean that Veilar and Atrhon are the king and queen of the what-so-called Damas? "You're right." Nagulat ako kay Dragon. Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Telepathic ba siya? "Kami nga babe." Mamamangha na sana ako pero thanks to him, bumalik sa pagbusangot ang mukha ko. "How many times do I have to tell you-" "Even when you're crying you're beautiful too~" Sinubukan kong itaas ang aking Strama upang takutin siya at mukhang effective naman sa kanya. "Stop that." Pag-aawat sa amin ni Queen Veilar. Tama. Queen dapat ang tawag ko sa kanya dahil ayokong mabugbog. Kailangan kong bumawi sa kanya sa tatlong araw na pagbibigay ko sa kanya ng sakit ng ulo lalo na noong nasugatan ako. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa mapadpad na naman kami sa harapan ng pintuan. Wait. Bakit puro pintuan ito? Binuksan ni Queen Veilar ang pintuan at nauna nang lumabas. "Halos magkapareo lang ang kaharian natin sa kaharian nila. Ang nagkaiba lang ay ang simbolo ng bawat isa. Sa Damarya, ang simbolo ay espada samantalang cresset naman sa Sonerya." Paliwanag niya. Hindi na ako natagalan sa pag-si-sink in ng mga sinabi niya sa utak ko dahil madali naman akong makagets. Ang talino ko kaya. "1 + 1" Hindi ko na nilingon pa si Dragon dahil wala namang kwenta ang mga lumalabas sa bibig niya. "So, nasaan na tayo ngayon? Nasa Damarya na ba ulit tayo?" "Nope. Nasa Imperial Hall tayo ngayon." Sagot niya. "Imperial?" "Yes. Sa Bellona, kailangan may katungkulan ka para igalang. Kung wala kang posisyon, anytime pwede ka nang mamaalam sa mundo. Ang mga kasama lamang sa Royal hierarchy ang igagalang. Ngayon, nasa puder tayo ng mga Seniors, o ang mga nasa Imperial Hierarchy." Pagpapatuloy niya "Wait. Imperial? Royal? Hindi ba't pareo lang iyon?" "Nope again." This time, si Dragon na ang sumagot sa akin. "Sa Royal Hierarchy, ang kabilang lang doon ay ang kingdom leaders at knights samantalang sa Imperial Hierarchy, ang kabilang naman doon ay ang Seniors, Head Empress, Empress at ang Emperor." "Naks! May pa-ganyan-ganyan pa sila." Ibinaling ko ang aking paningin kay Dragon. "Ang arte naman ng may pakana nito." Hindi ako nakangiti kundi nakangiwi. May takot din akong nararamdaman dahil alam kong nanganganib ang buhay ko. "Sana pala hindi na lang ako pumayag na makapasok dito." Puno'ng-luno ng pagsisisi at takot ang boses ko "Nope for the nth time! Kung hindi ka nakapasok dito, hindi magtatagpo ang landas natin." Napairap na lamang ako sa narinig. "Pero teka, Head Empress tsaka Empress. Ano namang pinagkaiba noon?" Mahirap talaga kapag dumaloy na naman sa akin ang curious blood ko. "Kung sa mga ordinaryong university lang, ang Headmistress ang katumbas ng Head Empress. Kaya malaki pa rin ang pagkakaiba ng Empress sa Head Empress. Ang Head Empress lang din ang tanging kapantay ng Emperor sa posisyon." Muling kinasa ni Veilar ang kanyang baril sa hindi malamang kadahilanan. "Hmmm.. Pero saan tayo papunta ngayon?" "Sa Admins' Office." Salitan lang sila sa pagsagot sa mga tanong ko. Para tuloy kaming nasa reality show. Ako ang guest at silang dalawa ang hosts. Admins' Office. Ang opisinang noong Monday ko pa hinahanap. "At kung magtatanong ka ulit kung ako ang gagawin natin, simple lang, mag-fi-fill-up ka lang ng form para ipasa kay Senior Yula." Si Dragon man na ang sumagot sa itatanong ko sana. Nang makarating na kami sa Admins' Office, may ibinigay si Veilar sa akin na isang papel. Halos wala namang nakasulat kundi ang tatlong letra sa pinakagitna ng papel. Name of Knight: – "Knight? Hindi ba't kasama ang knights sa Royal Hierarchy?" Paninigurado ko. "Yes." Maikling sagot ni Reyna Veilar. "You mean, masasali na ako sa Royal Hierarchy?!" Halos mapatalon na ako sa tuwa dahil magiging safe na ako. No worries dahil kaming tatlo lang naman ang nandito sa loob. Dali-dali kong nilagay ang name ko at ibinigay kay Queen Veilar ang papel ko. "HAHA! Igagalang na nila ako." Medyo may kayabangan kong tugon. Bahagya ko namang nasilayan ang ngiti ni Queen sa kanyang labi. Ang cute pala niya kapag nakangiti. Congrats naman sa ngipin niyang gumraduate na muli sa tikom nilang bahay. "Taralets!" Sinundan namin si Dragon patungo sa office ni Senior Yula. Gaya ng ginagawa namin sa tuwing papasok sa office ni lolo, kunatok din siya ng tatlong beses at hinintay na mag-buzz ang alarm bago kami pumasok. "Good day Senior Yula." Bati nilang dalawa at sumunod naman ako sa kanila. Kung pagbabatayan ang looks, mukha na siyang senior citizen. Dahil ba isa siya sa mga Seniors? Halos magkakasing-edaran lang pala ang mga nasa Imperial Hierarchy. Humakbang si Dragon patungi sa table ni Senior Yula at ibinigay ang papel na sinulatan ko. Ibinaling naman sa akin ng isa sa mga seniors ang kanyang paningin sabay sulyap muli sa papel. "Hera Micolah, the Asia's Superstar will now be part of the Royal Hierarchy." Nakangiti niyang tugon. "Congratulations. Ngayon lang kami nagkaroon ng estudyanteng malakas ang hatak sa kingdom heads." Sa tono ng pananalita niya, hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako o iniinsulto. "Just ignore her. Ganyan lang talaga siya." Bulong ni Queen Veilar sa tainga ko. Mabuti na lamang at malayu-layo kami kay Senior Yula dahil kung hindi, baka narinig na niya kami. Dahan-dahang inilagay ni Senior Yula ang papel sa kanyang drawer at muling tumingin sa amin habang nakapatong ang mga kamay sa desk. "Maganda ka Ms. Micolah. Hindi malabong makuha mo ang posisyon ng isang Empress." Hinawakan naman ni Queen Veilar ang aking braso. "Uhm-Aalis na po kami Senior Yula." Pagpapalam niya at tumango naman siya. Nauna na kaming dalawa sa paglabas. "Queen Veilar." Pagtawag ko. "Yuck. Bakit naman queen?" "'Di ba reyna ka? Edi dapat queen." "Pero hindi ko naman masyadong inilalagay 'yong sarili ko sa posisyon ko hindi tulad no'ng reyna ng mga Soner." Paliwanag niya kaya hindi na ako sumagot. Nang malayu-layo na ang nalalakad namin, may naalala na naman ako. "Wait. Ang sabi mo sa akin i-to-tour mo ako. E bakit parang wala pa sa kalahati 'yong nalilibot natin?" Bahagya siyang natawa sa tanong ko. "Hindi ka talaga maloloko." "Talaga. Ano? Tara na." Pag-aaya ko ngunit wala ni isa sa kanilang dalawa ang pumansin sa akin. "Hay. At sa tingin mo talaga na i-to-tour talaga kita? Luh. Asa ka." Napairap na lang ako sa kawalan dahil naloko na naman ako. In fairness, magaling manloko ang mga tao rito. Charr.. Padabog ko silang sinundan dahil baka maiwan na naman ako. Ayoko namang maligaw ulit dahil baka may makasalubong na naman akong hindi makatao at madagdagan itong sugat ko. Suntok lang naman ang alam kong pangself defense at bukod doon wala na. Hindi naman ako marunong mag-Kung Fu dahil hindi naman ako anak ni Jackie Chan at lalong hindi naman ako marunong mag-dance fight dahil wala naman ako sa Jumanji. Pero kahit na, hindi pa rin kaya. Strama lang ang dala ko at hindi ko pa nga alam kung paano gamitin ito, e. "Stop worrying." Sa isang iglap lang, nakaakbay na sa akin si Dragon pero mabilis kong naalis ang kanyang braso sa balikat ko. Kadiri kaya. Hindi naman porket gwapo siya at malakas ang hatak sa babae, pwede na niyang akbayan kahit sino. Remember, I have Relzé at loyal ako sa kanya. Nang makalabas na kami sa Imperial Hall, muling bumungad sa amin ang mga pakalat-kalat na estudyante at lecturers. Nakabalik na kami ngayon sa Damarya at gaya nga ng sinabi ni Veilar, Wednesday ngayon kaya day off ng lahat. Hindi ko pa nga natatanong sa kanya kung bakit Wesnesday ang day off at hindi Saturday o kaya Sunday pero napag-isip-isip ko na pagpahingahin muna ang mga utk nila dahil sa dami ng tanong ko kanina. Saka ayokong marinig 'yong boses ni Dragon. Ang bastos niya, e. Manyak. Ngunit sa dinami-dami ng estudyanteng pakalat-kalat sa hallway, isang lalaki ang nakaagaw ng atensiyon ko. Isang lalaking halos matakpan na ang buong mukha sa laki ng salaming suot niya at halos hindi na makakita sa kapal ng bangs na sumasagabal sa mukha niya. Si NERD! Dali-dali ko siyang pinuntahan at hinampas sa balikat niya dahilan para maagaw ko ang atensiyon ng lahat. Oops. May mali ba? Sorry. Ganito lang talaga ako kapag na-e-excite. Ang tagal kong walang na-bully, e. HAHA! Ang boring tuloy ng buhay ko. Wala akong mapagtrip-an. "NERD! Long time no see!" Muli ko siyang tinulak ng mahina sabay tapik muli sa balikat niya. Feeling close ako dahil close naman kami no'ng kinidnap niya ako. Narinig kong napamura si Veilar ngunit nang tingnan ko sila, halos manginig na ang mga tuhod nila. Ano bang problema? Masama ba 'yong ginawa ko? Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Nerd na ngayo'y titig na titig na sa akin. My gosh! Sanay naman na ako, e. Tsaka matagal ko nang alam na may crush siya sa akin. Kaya niya nga ako kinidnap, e. Ang saya kayang makita ulit 'yong target mo. Tsaka pagpipira-pirasuhin ko pa ang utak niya, hindi ba? Maya-maya pa'y narinig ko na ang sunud-sunod na pagkasa ng baril ng mga taong nakapaligid sa amin ngunit hindi naman nila naituloy ang pagputok noon dahil ino'nahan na sila ng mga bodyguard ko. Nice one VeiTrhon! Ngunit hindi pa nga ako nakakapang-asar ng maayos, e hinatak na ako ni Atrhon pabalik sa dorm namin ni Veilar. Nang makarating naman kami, agad niya akong itinulak sa sofa at pinagkrus ang mga braso niya. "Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon?" Tanong niya. "Bakit? Masama ba?" "OO MASAMA! SOBRANG SAMA!" Ngayon ko lang siya nakitang ganito simula noong nagkasama kami sa unit na ito. "Bakit ba?!" Nilakasan ko na rin ang boses ko dahio malakas na rin naman ang boses niya. Napasampal siya sa noo niya at saka umupo sa mesa sabay krua na naman ng braso niya. This time, titig na titig na siya sa akin pero iba pa rin talaga titig ni Nerd. Naku Relzé, sorry! Hindi ko naman siya pinupuri dahil nagugwapuhan ako sa kanya. Pinupuri ko siya kasi target ko siya. "Oh ano? Anong masama? Wala naman 'di ba?" Pambabasag ko sa katahimikan. "Akala mo lang wala." "E sabihin mo na nga para matahimik na ako-" "Because he is the Emperor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD