Nagmamadali akong lumabas ng cr at kinapa ang Strama. Fortunately, nasa pocket ko siya. Tinuruan na rin naman ako ni Veilar gumamit ng Strama. Isa lang siyang simpleng multifunction pen na pwede mong mabili sa kung saan-saan kung ihahalintulad sa ibang tactical pens. Stun pen siya with very high voltage na pwedeng ikamatay ng kung sinumang maswerte ang madidikitan ng ballpoint nito. Pwede mo ring hatakin ang lower cup nito at pindutin ang button para lumabas ang kutsilyo sa loob nito. Ang last but not the least, ang poisonous ink daw nito ang nagpapa-espesyal dito. Tinanong ko nga kung bakit naging special iyon e super common naman noon but hindi niya ako sinagot. Alamin ko na lang daw ang dahilan lalo na't mahilig naman ako sa mga dangerous na bagay. Hindi ko nga alam kung sino ang may pakana nito dahil wala pa namang ganitong lugar sa amin. Hindi pa ito sikat o kahit man lang alam ng mga nakatira sa loob ng Micolah Gates.
Habang naglalakad ako, may grupo naman ng kababaihan ang humarang sa akin at nasa pinakaunahan nila si Soup.
"Nice to see you again, Hera." Sarcastic niyang bati.
"Nice to see me? Edi ba kakakita pa lang natin kanina?" Pagmamaldita ko at pinagkrus ang mga baso. "Na-miss mo ba ako?"
"Well, yeah and I want to.." Nangilabot ako at biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maglabas ang isa sa mga kasama niya ng isang kutsilyo. "Kill you." Nasilayan ko sa kanyang labi ang isang ngisi bago niya kunin ang kutsilyo sa kaibigan niya.
Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako. Ayoko sanang isipin nila na takot ako kaya mas pinili kong manatili sa kinatatayuan ko. At para mabawasan ang takot na nararamdaman ko, kinapa ko sa bulsa ang aking Strama. Hindi ko pa naman na-t-try na gamitin ito dahil gaya nga ng sabi ni Veilar, sobrang delikado nito. Pero sa tingin ko may paggagamitan na ako.
Nang sobrang lapit na niya sa akin, bigla kong inilabas ang Strama ko at sinulatan ang mukha niya. Pasalamat talaga siya at hindi ko pinindot ang button kaya hindi ko siya nakuryente kahit galit na galit na ako.
"HAHAHAHAHA! Ano 'yon? Sinulatan mo lang ‘yong mukha ko? Huh! Good luck sa'yo sa gagawin ko!" Umakto siyang sasaksa’kin ako nang bigla ko siyang suntukin sa mukha dahilan para magdugo ang ilong niya. Hindi ko nga rin alam kung saan nanggaling ang lakas ko. Basta kapag sobra na ang galit ko nagiging ganito ako.
"LADY EINAH!" Sigaw no’ng mga kasama niya.
Inalalayan nila sa pag-upo ‘yong Einah s***h Soup na iyon bago humarap sa akin. Mga nasa pito sila at isa lang ako. Ayoko pa namang masama sa mga nino’no ko, noh?
"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo." Tugon no’ng isang babaeng may mataas na ponytail.
Aatras na sana ako kaso nga lang naisip ko na mga babae lang 'to. Kung hindi uubra ang lakas ko, pwes isip na lang ang gagamitin ko.
Ngumisi ako at saka tinuro ang simbolo sa collar ko. "Hindi niyo pa siguro alam na isa ako sa Knights?" Pagkasabi ko noon, bigla na lamang silang namutla dahilan para mas lalong lumawak ang ngisi ko. "Poor girls. Wala pang kamuang-muang sa mundo. Tsk. Tsk."
Kung akala ko, tatakbo na sila hindi pa pala dahil ‘yong babaeng may mataas na ponytail ay ngumisi rin na parang evil. "And? Akala mo matatakot kami? No. Kung papatayin ka namin ngayon, walang makakaalam. HAHA!"
Pasimple kong inilibot ang aking paningin upang magtingin-tingin ng CCTV's pero wala akong nakita kahit isa. Siguro hidden? Pero mas matagal na sila rito kaya mas alam nila ang pasikut-sikot sa paligid.
"Bye bye SUPERSTAR!" Nang iangat na niya ang kutsilyo, tinuro ko ang collar ng uniform ko na nagpatigil sa kanya.
"Don't you know how rich am I? Don't you know how many surveillance cameras have I kept just to protect myself? Oh! Poor girls.. Poor.. Poor... Girls~~" I stepped towards Ms. Ponytail ans smirked "Go ahead. Kill me and let's see what kind of punishment will our queen give to you."
Dahan-dahan silang umatras at maya-maya pa'y tumakbo na kasama si Soup. Tch. Poor girls nga. Puro lakas lang ginagamit.
Naglakad na ako patungo sa dorm namin nang mawala na sila sa paningin ko. Pag-uwi ko naman, nadatnan ko si Veilar na nanonood ng balita.
"Bakit naman ang tagal mo? Ano? May nakasalubong ka bang psycho?" bungad niya
"Yes. And mga nasa eight sila."
Naagaw ko ang atensyon niya at siguro akong magtatanong na naman siya.
"Eight? Paano mo sila natakasan?" Manghang-mangha na siya sa narinig niya.
Nagkibit-balikat naman ako at umupo sa tabi niya. "Poor girls. Ang bibilis paniwalain. Sinabi ko lang na may surveillance camera 'tong uniform ko dahil mayaman ako tapos nagsitakbuhan na. E, hindi man lang ba nila naisip na bagung-bago lang sa akin 'tong uniform ko tapos malalagyan ko na agad ng surveillance camera? Huh! Poor girls talaga. Hindi ginagamit ang utak."
Bahagya naman siyang natawa sa kwento ko at ibinalik na ang paningin sa balita. "May kilala ka ba sa isa sa kanila? Or familiar?"
Natigilan ako sa tanong niya. Isusumbong ko ba? Tama. Isusumbong ko siya. Halos mapatay na niya ako, e tapos hindi ko pa isusumbong? Ano siya? Sinuswerte? NO! NEVER! At hindi ako papayag ever na swertein siya.
"Yes." Sagot ko
"Sino naman? Nang maparusahan."
"Kilala mo si Einah? ‘yong isa sa mga Knight? ‘yong nagsuggest na Ocean dapat ang theme na hindi naman tinanggap dahil mas maganda ‘yong naisip ko? Siya. Siya ang may pakana. Siya ang leader no’ng grupo nilang matatakutin at madadaling paniwalain. Psh. Mga walang kwenta." This time, natawa na lang siya.
"Hindi na talaga nadala-dala iyon. Tsk. Ano? ‘yon lang ginawa mo? Tinakot mo lang tapos umalis na?"
"Siyempre naman no. Bago kasi 'yon, si Einah muna ang unang sumugod sa akin at sasaksa’kin sana ako ng kutsilyo e kaso nga lang mas mabilis ‘yong kamay ko at nasulatan ko na siya sa mukha ng Strama ko. E hindi pa siya nadala. Ang sabi niya hindi ko raw siya mapipigilan dahil lang sa ballpen kaya naman sasaksa’kin na sana niya ulit ako nang masapak ko naman siya kaya hhayun dugo ‘yong ilong niya. HAHA! Akala niya siguro porket marami sila at isa lang ako, makakaya na nila ako. Huh! MICOLAH KAYA AKO!" Super proud na ako sa sarili ko dahil nakalusot na naman ako sa mga demonyo.
"Tss. Hindi ko na pala siya kailangang parusahan." Tanging sabi niya.
"Huh? Look. Balak niya akong saktan-I mean patayin tapos wala kang gagawin? Bakit naman? Ang sabi mo kapag kabilang ka sa officials importante buhay mo? E how come naman na papalusutin mo siya sa ginawa niya?" Sunud-sunod kong tanong.
Inihilig naman niya ang ulo niya para magtama ang paningin naming dalawa. "Kasi ikaw na ang nagparusa sa kanya." Aniya at tumayo.
HUH?! Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin?
Magpapakabusangot na naman sana ako nang may bigla akong maalala patungkol sa sinabi niya na special ang ink na nandoon sa Strama.
–-
Tiningnan ko ang aking relo at nakitang 5:30 na. Mamayang six na kami mag-de-decorate hanggang twelve para bukas hayahay na. Four days pa lang ako rito sa Bellona pero abalang-abala na agad ako. Haysst. Pero walang-wala pa rin ito sa showbiz world.
Nagkasundo ang dalawang panig na ang Damarya sa theme at ang Sonerya naman sa invitation. Siyempre naman! Ang Seniors ang nag-utos, e kaya wala talaga silang magagawa. Saka ang Soners lang naman ang mahirap pakiusapan. Mababait naman kaming lahat na Damas.
Habang naghihintay ng oras, umakyat muna ako sa taas at saka naligo. Matapos maligo, nag-ayos na ako at chineck ang email but unfortunately wala pang bagong send maliban sa schedule na sinend sa akin ni Mr. Dale last nine days.
Maya-maya lang, kinatok na ako ni Veilar at bababa na raw kami. Agad ko namang sinuot ‘yong red jacket ko bago bumaba.
"Ang tagal naman." Pagpaparinig niya.
"E nag-ayos pa ako, e!" Sagot ko
"Wag ka nang mag-ayos, maayoa ka naman." Matapos niyang sabihin iyon, binuksan na niya ang pinto.
Minsan nga naiisip ko kung tomboy kaya si Veilar?
Pagdating namin sa Imperial Hall, nakahanda na ang lahat. Unting dikit at decor na lang okay na.
"Si Einah?" Tanong no’ng isang babaeng Maggie ang pangalan.
"Hindi ko nga rin nakita, e." Tugon naman ni Jake.
"Ikaw? Nakita mo?" Napalingon ako sa lalaking nagtanong sa akin. Ibinaba ko naman ang tingin ko sa ID niya at nakitang Xenon ang pangalan niya.
"Kanina. Paggala-gala siya. May kasama siyang pitong babae." Sagot ko.
"Oh tapos?" Mukhang nabitin siya sa sagot ko kaya nagtanong ulit siya.
"Tapos... Wala na. Unting away tapos tapos na."
"Ano? Nag-away kayo?" Halos lahat na naman ng atensyon nasa akin na.
Isa-isa ko silang tiningnan gaya ng ginawa ko kanina sa meeting room. Mga nasa twelve na ngayon ang pagkukwentuhan ko. Tsk. Famous talaga ako.
"Nakipagsagutan si Einah kanina kay Hera pero unfortunately hindi siya umubra sa kanya." Si Veilar na ang sumagot sa kanila. "After that umalis na siya na parang bata. May hinanakit siguro siya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng katapat sa pakikipagtalo."
Natawa na lamang sila sa paliwanag ni Veilar.
"Moody talaga 'yon kahit kailan." Ani Jack
"Parang bata amporkchop" Sabat naman ni Aaron.
Napailing-iling na lang sila at nagsimula nang magdecorate. Mga nasa isang oras pa lang kami, nanghingi na sila ng tubig sa Vending Machine nila na si Mario.
"Oh tubig!" Isa-isa niyang hinagisan ng tubig ang mga nanghihingi. "Tubig kayo jan!"
"Ang malas naman natin. Dapat ‘yong mga talunan ang mag-de-decorate at hindi tayo." Reklamo ni Nicky, tinutukoy ang Soners.
"Ba't Nicky pangalan mo?" Takang tanong ko nang mapadpad ang paningin ko sa ID niya.
"Well, kasinggwapo ko kasi si Nicky kaya hayun ‘yong nilagay ko sa form." Paliwanag niya na nagpangiwi sa akin.
We? Pwede palang maloko ang form?
"Dapat ikaw si Gina para match tayo. HAHA!" sabat niya na ikinabusangot ko.
Bakit kung makapagsalita sila parang close na close ko na sila? E hindi ba nila ako kilala? ISA AKONG ARTISTA MGA PUNGGOL!
"Gina daw, oh! Yieeeee! Kanta ka raw Everytime!" Halos mabilaukan na ako dahil sa sigaw ni Queron.
Gina? As in Georgina? ‘yong asawa ni Nicky Byrne ng Westlife? Kailan pa siya kumanta ng Everytime? Baka mamaya sabihin naman niya na mag-ballroom dance na ako at sumabay sa Take On Me?
"Ang engot mo talaga EQ! AHAHAHAHA! Hindi naman kasama sa WL si Gina kaya bakit siya kakanta ng Everytime tsaka sa A1 ‘yon? AHAHAHA!" Halos sumabog na ang mukha ni Yunabin sa katatawa dahil sa sinabi ni EQ... Well okay.. EQ na rin ang tawag ko sa kanya.
"OO NA! OO NA! At least master ko ‘yong---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil biglang sumingit si Leon.
"Ipagmamalaki mo na naman ‘yong skills mo sa pag-a-ano. HAHAHAHAHAHAHA!" Anito at nilaklak na ang tubig na hawak niya.
"Oh tama na ang pahinga. Ituloy na natin 'to at nasa kalahati pa lang tayo." Pag-a-awat sa amin ni Veilar.
Buti naman at tinapos na niya ang walang kakwenta-kwentang usapan.
8:30 na nang matapos namin ang pag-d-decorate. Nagsiuwian na ang lahat sa kani-kanilang dorm maging kami ni Veilar. Pero kagit na ganoon, hindi pa rin nagbabago ang plano sa isip ko.
Thirty minutes matapos makaakyat ni Veilar sa kanyang kwarto nang maisipan kong lumabas. Unang-una, sobrang boring sa loob. Balak ko sanang umuwi kaso nga lang gabi na. Baka mamaya kapag nakalabas nga ako sa delubyong imperyong ito, mapahamak naman ako. At least dito, alam ko naman na safe ako dahil isa na akong Knight at ang mga Knight ay dapat na iginagalang.
Pagkalabas ko, gaya kanina, wala nang tao. Baka nagsisitulugan na iyon. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa cafeteria hanggang doon sa higanteng pintuan jung saan makikota ang hallway.
"Gravaescious! Wala bang shortcut ito?" reklamo ko sa hangin havang tinutungo ang kahabaan ng hallway.
Nang mapadpad naman na ako sa dalawang naglalakihang pinto patungo sa Sonerya kingdom, mabilis ko iyong binuksan at lucky naman ako nang makitang walang paggala-galang tao. Alam kong magkaaway ang dalawang kingdoms but I don't care kung pumunta man ako rito dahil hindi nga nila ako pwedeng saktan. HAHA! Subukan nila akong saktan at magsusumbong ako kay Veilar.
Habang naglalakad ako, aksidente kong natapakan ang pisi na konektado sa bell-like button na pakulo ng mga loser. Maya-maya pa, isa-isa nang nagsilabasan ang mga Soner nang may dalang kutsilyo dahilan para kilabutan ako nang todo-todo.
"Hey!" Sinubukan kong lakasan ang boses ko para hindi nila maisip na takot ako. "For your information, hindi niyo 'ko p-pwedeng saktan dahil.. Isa akong Kgnight!" Tinuro ko ang logo sa collar ko ngunit laking gulat ko nang magsitawanan ang lahat.
"And?!" Bulyaw no’ng isang babaeng may makapal na kilay at hanggang kilay ko lang din.
"And?" Binalik ko sa kanya ang tanong niya with matching irap-irap pa.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! At sa tingin mo may mangyayari sa amin kung saktan man namin ang isa sa nga kaaway namin? AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Baguhan pa nga!" Tatawa-tawa namang ani no’ng lalaking may mataas na ponytail.
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niyang iyon at napaisip tuloy ako.
Para saan ba ang Knights? Hindi ba, sila ang tinatawag na tagapagligtas sa mga fairytale? Isa rin sila mga general pagdating sa chess. Tagapangalaga sila. Isa sila sa mga tagapagbantay ng hari at reyna at sila rin ang madalas kasama ng pawns kapag sumusugod sa kabilang kaharian. So, kung ganoon nga, ibig-sabihin, tama ang sinabi ni Veilar na hindi kami pwedeng saktan ng KAPWA namin ngunit pwede kaming patayin ng mga KALABAN namin. In short, pwede akong saktan ng Soners ngayon.
"Oh ano? Napag-isip-isip mo na ‘yong ginawa mo? AHAHAHAHAHAHAHA!" Halos mamula na sa katatawa ‘yong isang babaeng puno’ng-puno ng tattoo ang buong katawan. Such an asshole.
"Dapat kasi hindi sila nag-re-recruit ng bago para 'di mabawasan ‘yong tao nila." Hindi naman makatingin ng diretso sa akin ‘yong babaeng naka-bun ang buhok dahil tutok na tutok siya sa cellphone niya. As if naman na may signal dito. E hindi nga ako makatawag sa family ko. Sinungaling ‘yong mga tao rito.
"Paano ba ‘yan? Any last wishes?" Tatawa-tawang tugon no’ng babaeng nagsalita ng 'And?!'
Kinapa ko ang Strama ko sa aking bulsa para mabawasan naman ang aking kaba. Oo inaamin ko na magaling akong makipaglaban... Sa harap ng camera. Basta tulungan lang ako ng graphics at ka-double ko at magiging maganda na ‘yong kalalabasan no’ng mga galaw ko. Pero sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam kung makakayanan ko ito pero gagawin ko ang lahat para makaligtas ako. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob dahil matatalo ako. Marami pa akong pangarap sa buhay ko at ayoko pang mamatay ako. Oo doon din naman ang punta ko pero ayoko naman sa ganitong paraan pa ako mawawala sa mundong 'to.
Habang hindi pa sila lumalapit, tinanaw ko muna ang dalawang naglalakihang pinto sa entrance ng Sonerya at doon sa entrance ng Imperial hall. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko na matanaw pa ang entrance ng Sonerya sapagkat malayu-layo na rin ang nalakad ko kaya no choice ako kundi ang makapasok sa Imperial Hall. Ngunit ang tanging paraan lang para makapasok doon ay malagpasan ko ang mga paharang-harang sa daan ko.
Nang pasugod na ang isa sa kanila agad kong dinukot ang Strama ko at sinulatan ‘yong bandang eyelids niya dahilan para hindi siya makakita. Sunod namang sumugod ang babaeng may sobrang taas ng ponytail at ganoon din sana ang gagawin ko ngunit bigla naman niyang nahawakan ang ballpen ko dahilan para matadyakan niya ako sa sikmura ko. Napaupo ako sa sobrang lakas ng tadyak noya ngunit iyon din ang naging dahilan para may makapa akong bagay sa bulsa ko.
"Ang alcohol." Bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong tumayo kahit hirap na hirap na ako. Sakto namang pasugod na silang lahat nang dukutin ko ang alcohol ko at i-spray sa mga mata nila dahilan para hindi sila makakita pansamantala. Sa sobrang hapdi, hindi na nila namalayan na nakatakbo na ako at nakalabas sa asungot na lugar nila.
Mabilis kong isinara ang pinto at umupo muna sa isang tabi dahil sa sobrang pagod. Sana pala hindi na lang ako lumabas ng dorm ko. O kaya naman hinintay ko na bumabang muli si Veilar para maging bodyguard ko. Pero parang hindi naman tama iyon. Hindi naman sa lahat ng oras nandiyan sila, e. Para na kang ‘yong oras na 'to ngayon, wala siya.
"Masyado kasing antukin." Pagdadamdam ko sabay tusok no’ng Strama sa carpet kung saan ako nakaupo ngayon. Para tuloy akong bata. Nakakainis.
Dinukot ko naman ang alcohol ko at nginitian ito. "Thank you at nandiyan ka." Para naman akong baliw nito ngayon na kinakausap ang bagay.
Halos maubos na ang alcohol ko sa pagspray ko.
"Bakit kasi dalawa ‘yong mata nila?" Singhal ko sabay pasok muli no’ng alcohol sa bulsa ko.
Nang makaipon na ako ng unting lakas, tumayo na ako at naglakad patungo sa pinakamalapit na kwarto rito. Fortunately, nakakita akp ng pinto but unfortunately, naka-lock ito. Ito ‘yong kwarto kung saan ako nag-fill up ng form para makabilang sa Knights.
"Ba't naman naka-lock?" Tanong ko sa sarili at nagpatuloy sa paghahanap ng pinto.
Mga nasa pitong kwarto na ang nadaanan ko ngunit wala ni isa sa kanila ang nakabukas. Kapag naman kumakatok ako, walang nagbubukas. Tulog na kaya ‘yong mga tao rito at ako na lang ang gising?
Muli akong nakaramdam ng pagod kaya umupo muna ako sa isang bench. Naisipan kong dito na lang matulog ngunit napag-isip-isip ko rin na baka may mantrip sa aking Senior kaya 'wag na lang. Naghintay muli ako ng sampung minuto bago tumayo. Sa sobrang laki ba naman ng lugar na ito, sino ba naman ang hindi mapapagod kapag nilibot ito?
"Gusto ko nang umuwi." Pagmamaktol ko. "Mommy."
Tiningnan ko ang aking orasan. Fifteen minutes na lang at mag-t-ten na. Kaya pala inaantok na ako. Madalas akong napapagalitan ni direk kapag inaantok ako sa oras ng shoot. Kasalanan talaga nito ni mommy, e. Kung hindi niya sana ako sinanay na matulog ng maaga no’ng bata pa lang ako, edi sana hindi ako magkakaganito. Nakakainis siya, e.
"Hindi ko pa nadala ‘yong map. Kay malas ko naman."
Sinubukan kong maghanap ng dorm kaso nga lang wala akong nakita. Siguro may secret door dito na hindi ko pa natatagpuan. Sobrang laki kasi, e. Nakakairita na. Inaantok na ako kaya mukha na akong zombie na lasing nito.
Lumingon ako sa kanan ko at may nakita akong isang malaking pintuan. Nagmamadali akong naglakad patungo roon at sumandal muna.
"Bakit ba ang hina ng stamina ko?" Bulong ko na naman sa sarili.
"UGH! Pabagsak na ‘yong mata ko."
Kinapa ko ang doorknob pero wala akong nakapa. Medyo nabuhay tuloy ang dugo ko sa gulat. Paano nangyaring walang doorknob? Ano 'to? Pader lang na pinagmukhang pintuan? Prankster ba ‘yong engineer nito?
Kumatok ako nang paulit-ulit ngunit pangatlong katok ko pa lang nang may marinig na akong kaluskos. May nabuksan na bang bagong dimension? Inilibot ko ang nanliit kong mga mata at may nakita akong kwadrado sa tabi ng pinto. Inilapit ko ang aking mukha para mas luminaw ito. May mga numbers na mula one to nine at may okay sa pinakababa nito. Sinubukan kong i-recall ang tawag dito.
"Pin?" Paninigurado ko kahit wala naman akong kausap.
Sa sobrang antok, nawala na ako sa sarili at pinagkakatok na ang numbers na nandoon. Akala ko kasi kapag nabasag iyon bubukas ng kusa ang pinto pero hindi pala. Masyadong matibay ang pagkakagawa rito kaya kahit anong katok ko, hindi mabasag-basag ito.
"Kailan ka ba mababasag?" Tanong ko rito pero hindi siya sumagot.
Nang mapagod na ako sa kakakatok, sumandal muna ako sa pintuan at naghintay ng tawag ng kalikasan.
"Wala palang cr dito. HAHA." Nababaliw na nga ako.
Muli kong naisipan na sa sahig na lang matulog kaso nga lang malamig dito tsaka baka gapangan ako ng ipis kaya 'wag na lang.
Sakto namang pabagsak na ‘yong mga mata ko nang bigla akong bumagsak sa sahig.
" Aray... " Daing ko sa sobrang sakit ng pwet ko.
Bakit naman kasi bigla-bigla na lang binubuksan ‘yong pinto? UGH!
"Ba't ka nandito?" Isang malamig na boses ang narinig ko.
Nag-angat ako ng tingin at may nakitang nakatayo sa harap ko. Sobrang inaantok na ako kaya hindi ko na pinagkaabalahang linawan ang paningin ko sa kanya.
"Hahanapin ko si Sky tatanungin ko siya kung pa'no naging Emperor." Tinatamad kong sagot.
Bahagya namang natawa ‘yong kausap ko at maya-maya pa'y bigla na lang akong binuhat dahilan para luminaw ang mukha niya.
"Sky.." Bulong ko.
"Ang bigat mo." Reklamo niya
"'Don't you dare touch my legs. Isusumbong kita kay Relzé." Pagbabanta ko.
Naramdaman ko namang ibinaba niya ako at ngayo' y nakahiga na ako sa sahig. Aba! Pinilosopo nga ako!
"Hoy ikaw." Sinubukan ko siyang ituro. "Tayo mo 'ko." Itinaas ko ang aking kamay pero hindi man lang niya ito inabot.
Sa sobrang inis ko, tumayo ako mag-isa.
"Bahala ka sa buhay mo. Ang swerte mo na nga at mahahawakan mo na ang legs ko pero ayaw mo pa rin." Muli kong pagmamaktol.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may naramdaman akong tumama aa tuhod ko. Kinapa ko ito. Malambot ito at maaaring higaan.
"Sa wakas." Humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot mulo ulit hanggang binti. Ayokong magtalukbong sa paa dahil mainit.
Kinabukasan, nagising ako nang sobrang dilim at lamig ng paligid. Ganitong-ganito noong nakidnap ako.
"Sky kung kinidap mo ulit ako, magsusumbong na ako." Pagbabanta ko ngunit wala man lang sumagot. Kahit kaluskos wala. "Bibigyan pa kita ng pagkakataon para pakawalan ako dahil kung hindi.. Hindi na tatagal ‘yang buhay mo!"
Makalipas ang isang minuto, wala pa ring sumasagot at wala rin akong naririnig bukod sa echo kaya naman tumayo na lang ako at kinapa-kapa ang paligid. Mga nasa sampung minuto na nang makapa ko sa wakas ang switch ng ilaw. Agad ko iyong pinindot dahilan para magliwanag ang buong kwarto.
Namangha ako sa ganda nito. Hindi gaya sa labas, walang chandelier ito. Puro panel lights lang ang nandito at isang round light sa taas. Nilingon ko rin ang switch at laking gulat ko nang makitang lagpas ito sa lima. Muli kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto at masasabi kong baka nagtime-travel ako. Napakahigh-tech dito. Wala akong nakikitang hagdan pero gaya ng pinagdalhan sa akin ni Sky noon, may isang circular medium na maaaring tungtungan para makarating sa taas. Modern black with a touch of gold ang kulay ng kwarto. Sobrang modern talaga. Talo pa ‘yong kwarto ko. Hindi rin papahuli ang apat na screens na nakadikit sa bawat wall nito. Hindi ko alam kung para saan ‘yong tatlo basta ang screen na nasa taas ng pinto ay ang CCTV monitor kung saan nakikita ang mga pinaggagagawa ng mga estudyante sa labas.
"Limse! Hindi niyo naman sinabi na ako lang mag-isa rito!" Bulyaw ko sa mga bagay na nandito sa kwarto na para bang maririnig nila ako. May hangover pa ata ako sa antok ko, e.
Nakita ko na ang pintuan ngunit mas pinili kong huwag munang lumabas.
"Nice timing!" Agad akong nagtungo sa mesa ni Sky at akmang bubuksan ang unang drawer na nakita ko nang mapagtanto kong naka-lock pala ito. "Nice timing din para sa kanya." Nanlulumo kong ani at saka pabagsak na naupo sa dambuhalang swivel chair niya.
"Ang laki-laki ng space niya rito, oh! Tapos siya lang mag-isa? Tsk. Kawawang bata." Mas maganda nang kausapin ko sarili ko kaysa mangausap ng ibang tao. As if naman na kilala ko sila.
Dahil sa wala na akong magawa, nilibot ko na lang buong opisina niya.
"May kwarto na sa office. Naks! All in one!" Nagliwaliw lang ako sa loob hanggang sa aksidente kong mabunggo ang maliit na vase na nakapatong sa isang baliktad na podium.
Sandali akong natulala sa nagawa ko. Tsk. Paano na 'to? Baka pagalitan ako ni HE Miongwa nito.
"Ano na naman bang ginawa mo, Hera?!" Napahawak ako sa aking ulo dahil hindi ko alam ang aking gagawin.
Dali-dali akong naghanap ng walis ngunit wala akong nakita. Mabilis naman akong nagtungo sa mesa niya at kinuha ang trash bin na nasa ilalim nito. Wala naman itong laman. Pandisplay lang ata kaya naman iyon na lang ang ginawa kong lalagyan ng mga nabasag na debris. Pero bago ko ilagay ang mga iyon, kumuha muna ako ng foam para hindi masugat itong kamay ko. Hindi naman ako katulad ni Hersh na kinakamay lang ang bubog.
Nang matapos ko nang linisin ang basag na vase, pumirmi na lang ako sa aking upuan. I mean sa upuan niya. Hindi ko na pinaikut-ikot pa ‘yong upuan dahil baka makasagi na naman ako ng kung ano at tuluyan na nga akong mapagalitan ni HE Miongwa. Sure naman kasi ako na lahat ng nandito, pinahiram lang sa kanya. Hindi naman siya dito nakatira, e.
Lahat naman ng gamit ni Sky, hiniram lang niya ‘yon. ‘yong bahay na pinagdalhan niya sa akin? Hiniram niya lang ‘yon para may maipagmalaki siya sa akin. Pa-impress ba. At ‘yong mga Transford na gamit niya, sure na sure one hundred percent sure ako na dinonate lang ‘yon sa kanya.. No’ng nabaha ‘yong pamilya nila at last but not the least, ‘yong pagpasok niya sa Ceres, sure na sure ulit ako na nag-apply siya ng scholar para walang mabayaran. Kung magbayad man ng books, pinaghirapan nila 'yon. Baka nag-w-working student nga siya, e.
Tiningnan ko ang orasan at nakitang 5 pa lang ng umaga. Ang aga ko naman palang nagising. Mayroon pa akong one hour dito at one hour sa paghahanda para sa cla-wala palang klase dahil Election. Mamaya oa namang gabi ‘yon, e pero bakit kaya sino’nspend na agad?
Crrrrrk!
Nahinto ako sa pagpapasarap nang marinig ko ang sinabi ni Baby tummy.
"Five pa lang, ah. Ba't gutom na ako?"
Tumayo ako at naglakad papunta sa pad at tumuntong doon. Pinindot ko naman ang button sa bandang paanan ko at kusa itong umangat. Automatic ding nagbukas ang ceiling upang magbigay daan sa akin. Huminto ito nang makarating na ako sa second floor.
"Astig talaga."
Muli akong namangha sa laman ng second floor. House-like room siya as in talagang lahat ng kailangan nandito na. Sa gitna ang sala. Nasa bandang kanan nakalagay ang sofas at nasa harapan nito ang hanging tv. Nasa bandang kaliwa naman ang dry kitchen na siyang tinungo ko. Agad kong binuksan ang ref at may nakitang isang pack ng tocino.
"Sorry Sky pero gutom na ako." Pagpapaalam ko bago niluto ang tocino.
Matapos kong magluto, kumain na ako. Kinain ko lahat, hindi ko siya tinirhan dahil may isang pack pa naman sa ref kaya sigurado akong hindi siya mauubusan. Tsaka wala namang kanin dito kaya inubos ko na lang lahat. After kong kumain, uminom ako ng tubig. 'Yon lang naman ang nakalagay sa ref niya kaya wala akong choice.
Ako na rin ang naghugas ng pinggan dahil nakakahiya na sa kanya kung iaasa ko pa sa kanya 'yon.
May thirty minutes pa ako bago bumalik sa dorm room namin. What if libutin ko muna 'tong second floor? HAHA! Tama!
Matapos kong maghugas, sinimulan ko nang maglibot. Masyado itong malaki kumpara sa unit namin. Siguro katumbas ito ng apat na units.
Una kong pinasok siyempre ang unang kwartong nakita ko. Wala naman itong laman kundi lifezise figurines. Super modern ng lugar pero sobrang luma naman ng collections. Hindi ko nga alam kung anong trip ng may-ari nito, e.
Sunod kong pinasok ang master bedroom. Grabe! Ang modern talaga. Ibang-iba talaga ito sa kwarto ko. Wala talagang makikitang kahit na anong bakas ng chandelier dahil puro panel lights ang nandito. All black din ang kulay ng walls. Malaki rin ang kama at talaga namang nakakamangha dahil automatic ding nagbubukas ang ilaw sa paligid ng bed kapag pinatay ang ilaw sa buong kwarto. Grabe talaga! Kakaiba! Ang galing talaga ng engineer nito.
Huling-huli kong pinuntahan ang pintong nasa pinakadulo na. Baka ito na siguro ang cr. Tinulak ko na ang pinto at laking mangha ko na naman ng bumungad sa akin ang sandamakmak na screens. Kung high-tech sa ibang parte ng kwartong ito, mas high-tech naman ang nandito.
Para akong nasa galaxy dahil sa wallpaper ng screen walls nito. Nakakalula. Para akong hihigupin ng black hole na nasa tapat ng pinto. Napakalamig din ng paligid. Ngunit habang naglilibot ako, may napansin ako. Sa bandang kaliwa, nakita ko ang screen kung saan ko makikita ang sarili ko. Basta kung ano ang ginagawa ko, ginagawa rin ng screen na iyon. Para bang na-mo-monitor ako ng kung sinuman ang nagpapagalaw nito. At hindi lang iyon, isang pigura rin ng taong nakaupo at nakatalikod sa akin ang nakita ko. Kumukuyakoy pa ito habang humihigop ng kung ano. Maya-maya pa'y dahan-dahan niyang iniikot ang kanyang upuan dahilan para magtama ang mga mata namin.
"Good morning." Walang emosyon nitong tugon.