Chapter 9

2022 Words
Tulala ako hanggang kinabukasan, ang tagal kong kumilos na parang may hinihintay na barkong dadaong sa harapan ng bahay ni lolo. Napailing nalang ako para alisin ang mga agam-agam na nararamdaman ko. I know I'm overthingking about everything pero hindi maganda na sobrang dami nang alam ng taong nagpapadala sakin, panahon na para mahuli ko na din kong sino siya. Napangiti nalang ako ng makita ang pamilyar na sasakyan ang nakahinto sa may tabi ng gate ng subdivision at naka-upo sa hood nito ang isang lalaki na nakasuot ng parehas na uniform kagaya ng sa akin. Ang gwapooooo! Lord salamat po sa pagkain este sa biyaya po pala sobrang nakakabusog po este sobrang gwapo po!!! Dalawang beses pa akong napalunok habang nakatingin sa kanya samantalang wala naman siyang alam dahil nagcecellphone siya. "Ma'am wag niyo pong masyadong titigan baka po isipin ng iba minamanyak niyo si sir." mahinang bulong ng kung sino sa tabi ko kaya mabilis kong inalis ang tingin ko kay Euon at tiningnan ang nagsalita. "Manong kayo po pala, wag po kayo magyadong maingay baka gumalaw yung pagkain este si Euon pala. Ano ba yan nililito niyo ako manong." Tinawanan naman ako ni manong guard at tinuro na ang taong nasa likod ko. Humarap naman ako ng may malapad na ngiti. "Tara na?" Tumango naman ako at sumunod na sa kanya pero nagpaalam muna ako kay manong bago sumakay. Malayo ang school pero pakiramdam ko mas malayo ngayon na kasabay ko siya madami akong gustong sabihin pero sa ngayon ayaw ko pang magbigay ng problema lalong hindi ko pa din pwedeng sabihin sa magiging mafia boss ako sa future paano kong pulis pala yung trabaho niya edi tudas ako. See you in jail love! Charr!Ano ba to nag-ooverthinking na naman ako. "Ahmm- kumain kana?" pagbubukas ko ng usapan. "Ahh-ah oo,ikaw?" "Kumain na din ako."mabilis kong sagot at nabitin na ang usapan sa kumain dahil wala ng nagsalita sa aming dalawa. "Ge galingan mo magdrive."lutang ang utak kong sabi,napapikit naman ako. Minsan talaga feeling ko may brain ako pero walang KnowledgE. Napalingon nalang ako sa kanya ng marinig ko ang mahina niya tawa. Luhh,ang gwapo pa din hustisya naman. Siguro kaya sinagot ko din tong lalaki na to kahit na ghoster ito dati. "Bakit?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan?" Nakangiti niyang tanong at nilabas pa ang pantay at mapuputi niyang ngipin pero nakatingin sakin sa rear mirror ng sasakyan kaya nakaside view siya sa paningin ko pero grabe ang gwapo pa din. Ano ba yan kanina ko pa ata ginagamit ang salitang gwapo pero ang gwapo naman kasi ng katabi ko,napapaisip na tuloy ako ngayon baka naman gutom lang to noong nanligaw sakin kasi kung titingnan ako wala talagang papatol sakin,aba'y napakapangit ko tapos-- "Were here.Stop drooling." sabi niya lang at bumaba na kaya sumunod na din ako at hindi na hinintay na ipagbukas niya ng pinto. It may sound cliche and boring but yes,may mga bubuyog at lamok na akong naririnig na nagchichismisan tungkol sa relasyon namin ni Euon. Napalingon nalang ako sa katabi kong naglalakad ng maramdaman ko ang malambot at malamig na kamay na bumalot sa kamay ko. Tiningnan ko siya ng may pagtataka. "Don't mind them just look at me,and fall deeper on this face." Sabay ngiti ng matamis at hinila na ako palakad. "Grabe lord,ako din po nagdadasal ng jowa baka naman po." Malakas na sabi ni Alex kaya naman napatingin ako sa kanya ng ilapag ko ang bag ko. Ang bruha naman ay nakatingin din sakin at may kasama pang ngisi at pataas-taas ng kilay. "Oh bakit?" "Wala" painosente niyang sagot. "Parang ang sarap kasing magkaroon ng boyfriend." sabay lapit niya sakin at sundot pa ng tagiliran ko. "Ano ba!" "Asus, kilig ka naman." "Hephephep, patahimikin po natin ang may jowa, ang mga single shut up nalang po tayo."biglang singit ni Jenna at hinila na si Alex sa tabi. " Oh, bakit sumunod ka? " Napalingon ako sa usapan nila Jenna, tinatanong niya si Haira. "Sama ako, anong plano?" tanong nito at halata ang excitement sa mga ngiti. "Anong tayo? OPERATION MAGHANAP NG JOWA to. Bakit wala na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Jenna kay Haira. "Ayy oo nga pala may boyfriend nga pala ako, kayo lang pala yung magandang single." sabi nito sabay talikod na at kindat pa sakin bago umupo. Napangiti nalang ako dahil napikon si Jenna sa sinabi ni Haira at parang susugurin ito pero pinipigilan ni Alex. Nagsimula ang klase na hindi man lang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tumabi naman bigla si Alex sa tabi ko ng lumabas si ma'am. "Asus tama na yang ngiti na yan, grabe busog na busog na kami jan." Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. "Ang sabihin niyo pare-parehas kayong malalandi, mga kalapating mabababa ang lipad akala niyo siguro makakahuli kayo ng malaking hayop." parinig samin ni Dara ng dumaan siya papalabas ng classroom. "Ang echosera talaga ng babaeng yun." komento ni Jenna na tumabi sakin. "Hayaan mo lang, inggit lang yun kasi gusto niya si Euon tapos naging kayo." "Hayaan niyo na kumain na tayo gutom na ako." yaya samin ni Lauryl. Kaya sumunod na din kami sa kanya. "Gosh bakit siya pa!" "True, sila ni papa Euon?" "Oo daw, grabe hindi ko alam kong anong pangungulam ang nangyari." "Kawawa naman si papa Euon, mangkukulam lang pala ang bagsak ng kagwapuhan niya." Napapikit nalang ako sa mga naririnig kong nagbubulungan at kanina pa din nakikipag-away sila Haira at Jenna kunti nalang ata ramble na ang mangyayari. Hindi pa tapos ang klase nila Euon, may balak din akong kausapin sila Chord tungkol sa mga natatanggap kong sulat, hindi ko pa tinatapon ang mga regalo kahit na natatakot ako. Ebidensya din yun at siguradong makakatulong yun ng malaki. Napahinto lang kami ng harangin kami ng grupo nila Dara sa gitna ng canteen. "Hayy may mga tao talagang makakapal ang mukha. Ang lakas mo namang mangkukulam isipin mo yun si Euon pa talaga ang gusto mo." "Dara pwede mamaya na gutom na kasi kami." malumanay na sabi ni Rea. "Tumahimik ka nga jan pilay, ang lakas ng loob mong magsalita eh pilay ka naman sa susunod ayusin mo muna ang paglalakad mo." "Eh bastos pala to eh." puno ng inis na sabi ni Alex pero mabilis na nahawakan ni Rea ang kamay niya. "Bitawan mo ako Rea, ipapagpag kulang ang make-up ng babaeng yan. Ang kapal kasi masyado." "Wag na hayaan muna, diba nga gutom na tayo." "Hindi mas importante yung make-up niya kesa sa pagkain mas ikakabagsak ng pilipinas kapag hindi ko napagpagan ang make-up ng babaeng yan." "Ano ba parehas naman kayong pangit nag-away pa kayo? Such a looser."sabi lang ng alalay ni Dara at umalis na sila. Masama naman akong nakatingin sa kanila lalo na kay Dara. Napakapangit talaga ng ugali, akala mo pinaglihi sa apoy ng impyerno. "Tara na, kain na tayo gutom na talaga ako." yaya ko nalang para matapos na. Naaawa kasi ako kay Rea lagi kasi siyang nabubully dahil sa paa niya, minsan ang dami talagang makikitid ang utak para naman kasing pinili ng isang tao ang pagiging disable nila. Kasi kung may pagpipilian walang tao ang gustong magkaroon ng kapansanan at malait buong buhay nila, pagiging pangit pa nga lang ang daming lait na natatanggap yung may kapansanan pa kaya na kahit anong gawin nila hindi mababago o mawawa ang kapansanan nila. Sumulyap nalang ako kay Rea bago kami umupo at nagsimulang kumain. "Oh bakit ganyan ang mga mukha niyo?" tanong ni Brio ng makarating sila ni Euon. Hindi na ako nagulat sa pagdating nila may instant tilian kasi kaagad kapag dumadating sila sa pintuan palang ng canteen. "Hi." bati sakin ni Euon at umupo na sa tabi ko gumanti naman ako ng ngiti at inusog sa harap niya ang pagkain na binili ko. "Wala pa din?" tanong ni Lauryl. "Wala pa." Umiling nalang si Lauryl ng sumagot si Brio. Mukhang nahahabulan pa din ang mag-ex. "Kumain kana wag munang isipin si Aiken magkakabalikan din sila ni Cetyl." lumingon ako kay Euon at ngumanga dahil sa kutsarang nasa may bibig ko. "Ayy grabe ang daming langgam. Saan ba galing to bakit pulang pula naman ata?" sabay tapik ni Alex sa sarili na parang pumapatay ng lamok. "Inggit ka lang kamo kasi yung kagaya namin ni Nine ang bet ng mga papa." sabay halakhak pa ni Haira at yakap sa braso ni Brio para inggitin si Alex. "Alam mo ikaw na balyena bumalik kana sa dagat." "Atlest may jowa, ikaw wala hahaha." Umiling nalang ako sa away nila Alex at Haira na ginagatungan ni Jenna na halata namang kampi kay Alex at inaawat ni April samantalang tahimik namang kumakain si Rea at Lauryl. Mukhang kailangan ko ng kausapin si Ryl tungkol sa boyfriend niya sobrang tahimik niya kasi halata g affected siya ng husto sa away nila ng boyfriend niya. "Bakit?" tanong ko ng makitang nakatingin siya sa akin ngumiti naman siya at sinubuan ako ng pagkain. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko siya ulit. "Bakit nga?" "Wala, ang ganda mo kasi at ang swerte ko kasi sinagot mo ako. Promise hinding-hindi kita sasaktan at papaiyakin." napalihis naman ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Buti nalang maitim ako hindi halata kahit na sobrang init na ng pisnge ko. Ano ba to? Napahingi ako ng malalim sabay ipit ng mga labi ko. "Why aren't you looking at me? Hmm? " napatingin ako sa mga mata niya ng hawakan niya ang kaliwang pisnge ko para akong nakuryente. What is this feeling? Napalunok nalang ako ng parang lumalapit ata ang mukha niya sakin at tumahimik ang paligid hindi ko alam kong anong gagawin ko, pipikit ba ako o hindi para makita ang mukha niya. Malapit na konti nalang. Kunti pa. Kunti nalang. Ama't-amat naman akong napapikit. Ayan na malapit na. Nararamdaman kuna ang hininga niya sa mukha ko para akong kinikiliti sa lamig at marahang hangin. "HOYYY!!!!" Mabilis akong nagmulat at lumayo kay Euon sabay tingin sa paligid, lahat sila nakatingin sa amin at sobrang tahimik ng paligid kaya tumingin ako kay Brio dahil sa malakas niyang sigaw. "Mamaya na yan." dagdag niya pa samantalang ngumimgisi naman ang mga kasama namin sa mesa. Napapikit nalang ako ng mariin samantalang parang wala lang yung katabi ko at tumuloy lang sa pagkain. Makapangyarihang lupa ngayon na, nagsusumamo po ako sayo kunin niyo na po ako. Ngayon, ngayong minuto na po. Yumuko nalang ako at tumuloy sa pagkain pero mukhang hindi ata makamove-on agad ang mga kasama namin sa mesa. "Ang wild mo pala Nine." hirit ni Haira pero tumahimik lang ako. "Hayy jowa asan kana ba?" sabi ni Jenna. "I need a jowa." dagdag ni Alex. "Maghihiwalay din kayo walang forever." Napatawa nalang ako sa sinabi ni Lauryl, yan din kasi yung sinasabi ko dati kapag nakikithirdwheel ako sa kanila ng dalawa ng boyfriend niya. Wala pa ding paki yung katabi ko, samantalang lumakas naman ang bulungan sa buong paligid syempre ang main topic yung muntik mangyari kani-kanina lang. Hayy, kunti nalang talaga maniniwala na ako sa kalandian ko, hayyy. Sino naman kasing tanga ang makikipaghalikan sa canteen at sa harap pa ng madaming tao. Bakit ba kasi hindi ko naisip na nasa canteen kami kanina? Brain what happen were you corrupt or something? Pakiramdam ko nagmalfunction ang utak ko that moment at hindi ko alam ang gagawin ko maliban sa tumitig sa mapupulang labing yun. What kind of sorcery is this? Why is my heart beating like this, just a mere thinking of him gives me this much effect. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ako hinihingal pero ang bilis ng t***k ng puso ko na parang kinakabahan pero hindi takot ang dala nito kundi mumunting tuwa at saya. Weird but I like this feeling kakaiba pero nagdadala ng ngiti sa mga labi ko. I hope this will last just like his promise today because I'll be in so much pain if it will break.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD