Chapter 10

2249 Words
Sino ba naman kasi ang lintik na hindi matapos-tapos kumatok? "Ano ba may balak ba kayong pumatay ng tao?" inis na inis kong sigaw habang nakatalukbong. Antok pa kasi talaga ako 6 plus na ako nakatulog kagabi dahil sa panunoud ng Chinese drama, ang ganda kasi. Sinimulan kong panuodin yung Untamed na palabas noong sabado at kagabi lang ako natapos. Nakakakilig grabe, ang gagwapo po pa ng mga characters. Wahhhhh, kaloka. "Ano ba? Wala pa akong tulog mamayang ala-una kana kumatok." sigaw ko ulit dahil kumakatok na naman ang kung sinong ponsyopilato. Pinilit kong ipuknat ang isa kong mata at tingnan kong anong oras na. Mabilis ko ding nahampas ang nuo ko. Alas tres na. Yari ako nito kay lolo. Tumawag kasi noong sabado si lolo na magpapasundo siya ngayong linggo. Eh nakalimutan ko ang ganda na kasi ng pinapanoud ko tsaka malapit ng matapos yung drama. Pakiramdam ko sinisilihan yung likod ko kapag hindi ko tinapos agad. Ayun umaga na ako nakatulog. "Aaalangya!" Yan ang sinasabi ko self, sige noud pa. Nakakakilig diba? Yari ka sa lolo mo ngayon. "Bumaba kana." Napalingon ako agad sa pinto ng kwarto ko. Is it Chance? Oo nga noh. Bat di ko na pansin yung katok kanina pa eh ako lang naman ang tao dito sa bahay. Napasabunot nalang ako sa ulo, pakiramdam ko tatanda ako ng wala sa oras dahil sa pagiging irresponsible ko. Naghilamos na ako at nagpalit ng damit, ayokong maligo bukas nalang. Mahirap na at baka marating ko ang langit kahit na hindi pa lumalabas ang mga paa ko sa banyo. Tinitingnan ko ng maigi ang mga mata ko sa salamin, parehas silang pula at parang manilaw ng konti. Sabi na kasi wag magpupuyat, aba tinudo pa ng gaga ayan tuloy. Ano ka ngayon high ah. Ge rugby pa more. Nagbaba na ako, tiningnan ko ang paligid habang hinihimas ang tiyan ko. Gutom na ako. "Apo!" Mabilis akong pumunta sa may TV banda ng marinig ko ang boses ni lolo. "Lolo! Kumusta po kayo?" masaya kong bati at tumabi sa kanya. "Ayos lang, ayos lang. Ipapaakyat ko ang mga pasalubong ko sayo sigurado akong magugustuhan mo silang lahat." nakangiti nitong sabi kaya ngumiti ako ng mas matamis para iparamdam sa kanya ang sobrang kasiyahan kong makita siya. "Buti naman po nakabalik na kayo." "Tapos na kasi ang business ko, gutom kana ba? Madami akong dalang pagkain jan, ipapahanda ko nalang kay Dannish." Napatingin naman ako sa lalaking tiningnan ni lolo. Nandito din ang kambal at may isang lalaki ang nasa tabi nila at nakatayo. His quite different, hindi ko alam sa kung patanong paraan pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. He has dark features katulad ni Chance but he has warm eyes nakapagtiningnan mo ito ng maigi ay mahubulog ka sa may-ari nito. Weird! He gives that vibe. Naglakad naman yung lalaki papuntang kusina at hindi kuna pinansin dahil tumingin na ako kay lolo. "Kumusta po yung byahe niyo? Napagod po ba kayo?" umiling lang siya bilang sagot. Napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala kong hindi ko siya nasundo. "Pasensya na po kayo hindi ko kayo nasundo, hehe." "Ayos lang, sinundo naman ako ng kambal. Bakit nga ba tinanghali ka ng gising? Akala ko walang tao ang bahay ng dumating ako." ngimiti lang ako ng alanganin at hindi na sumagot. "Nasobrahan po kasi ako ng panunoud." "Handa na po ang pagkain." Sabay kaming tumingin sa likod ko nang magsalita ang lalaki. Hindi ko marinig ang mga yapak niya kagaya sa kambal at kay lolo. They're dangerous and I perfectly know. "Tara na at kumain na tayo. Gutom na ako, siguradong magugustuhan mo ang mga dala ko apo." halata ang excitement sa boses nito. Tumayo na ako kasabay ni lolo at yumakap sa braso niya. "I miss you lo." malambing kong sabi pero mabilis niya namang tinapik ang mga kamay ko. "Wag mong masyadong higpitan at baka magselos ang asawa ko." Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya. "Eh diba po patay na si--" pabitin kong sabi. "Oo patay na ang lola mo kaya lagi siyang nakatingin sa akin. Nandyan nga siya sa likod natin ang sama ng tingin." mabilis naman akong tumingin sa likod namin at nakita ang walang ka emoemosyong si Chance, nagtaas pa ito ng kilay ng magsalubong ang mga mata namin. Ni rolyohan ko naman ito ng mata pabalik. Akala ko hah ikaw lang, kaya ko din yan. " Lo naman eh, sige ka mamaya multuhin ka ni lola." tumawa naman ito ng malakas. "Kung mumultuhin ako ng lola mo siguradong mumultuhin niya ako ng pagmamahal. Naku apo, hindi maganda ang maging single ng matagal at yan ang nagiging resulta." sabay tingin pa sakin simula ulo hanggang paa. "Mukha atang hindi ako magkakaapo sayo. Aba'y panay panunoud lang ang iniisip mo." sabi nito habang umiiling. Hehe akala mo lang yun lo, yari ka sakin kapag nadala ko dito yung boyfriend ko, he he he he. "Kain na nga po tayo." Gusto ko siya ng isurprise pero baka sa susunod kuna ipakikilala si Euon. Ngayon palang naiisip kuna kong anong magiging reaksyon ni lolo. "Apo alam kong wala kang boyfriend dahil mas mahal mo ang manuod pero hindi magandang pinaghihintay ang pagkain." ngumiti naman ako sa kanya ng napakatamis at tumango. Hehe nakikinita kuna ang kinabukasan. Namangha naman ako sa dami ng pagkain, hindi ko alam kong saan sila galing pero masyado silang makulay lahat at halatang masarap dahil nanunuot sa ilong ko ang amoy nila. Hmmm heaven. "Mukhang masarap nga silang lahat lo." sabi ko at nagsandok na dahil kumuha na din sila ng mga pagkain nila. "Nga pala magsisimula ulit ang training mo bukas, may business meeting din kasi ako sa ibang bansa sa Thursday kaya ikaw ulit ang maiiwan dito, kung may mga kailangan ka sabihin mo lang sa kambal at kung may iba pa pwede mo akong tawagan." mahaba niya ng sabi tiningnan ko siya ng maigi. " Lo mahirap ba maging mafia? " Tinignan niya ako bago sumagot. Ang busy niya kasi masyado, parang kahit ngumiti ay hindi halos magawa dahil sa ang dami niya ng iniisip. " Hindi, pero mahirap magpatakbo ng kompanya dahil hanap-buhay ng marami g empleyado ang nakasalalay sa isang pirma lang lalo na ang mafia dahil alam mong madami ang interesado sa mga tao mo at sa mga negosyo mo. " "Pero wag kang mag-alala nandyan naman ang tatay ng kambal, kapag ikaw na ang uupo bilang ceo at boss ay ituturo niya sayo lahat ng dapat mong pag-aral at ang mga dapat mong matutunan. "tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy na kaming kumain. Tahimik ang tatlong lalaki na nasa tabi namin. Tama lang siguro na hindi ko sinabi kay lolo ang tungkol sa sulat dahil baka mag-alala pa siya, graduating na sila Chance at Chord kagaya kila Euon kaya siguradong mas busy sila kesa sa amin kahit na sabihing graduating na din ako pero hindi naman ako magcocollege agad. "Gusto mo bang lumabas? Ang sabi'y wala kayong klase bukas." sabi ni lolo pagkatapos naming kumain, nandito na kami sa may sala at nanonoud pero parang ako lang yata yung natatakot dahil tahimik lang naman silang lahat maliban sakin na parang ginilitang manok kong makasigaw. "Opo, s-sige lo pero tapusin po muna natin to." sabi ko habang tinatakpan ang mga mata pero sumisilip pa din. Napatingin naman kaming lahat sa kanya ng bigla siyang tumawa. "Sana sinabi mong takot ka sa horror at hindi nalang natin yan pinanoud." "Hindi po, maganda kasi yan panuodin kapag may kasama tsaka alam ko namang takutan ako pero...basta mas masaya manoud ng horror kapag may kasama." "Kaya nga boss pero hindi masaya kong yung kasama mo parang ginilitang baboy." sinamaan ko naman ng tingin si Chord sa sinabi niya, ngumisi lang sakin ang baliw. "Tss." sabi ko at nanuod na. Natapos namin ang palabas at malapit ng maghapon, literal na wala akong ginawa maliban sa sumigaw halos hindi na rin ako nakakain ng popcorn dahil sa sobrang takot. Sino ba naman kasing loko ang magsasabing nakakatawa daw manoud ng Annabelle, ewan ba kong hindi lang isa't kalahating pating yun. "Are you ready?" tanong ni lolo ng makababa ako ng hagdan. "Aba, pormang-porma tayo lo ah." sabi ko sabay lapit, naligo at nagbihis pa kasi ako sa taas. Ayoko namang umalis kami na hindi ako maganda, hindi naman araw-araw itong mangyayari kaya susulitin kuna. "Syempre maganda ang date ko ngayon." "Ehh sus, bunubola niyo naman ako lo eh. Sabi ni mama kamukha ko daw si papa maliban sa mata." Ngumiti naman siya at lumapit sa akin,hinawakan niya ang mga pisnge ko. "Hindi mo man kasing kulay, kasing tangkad o ano pa man ang nanay mo sapat na, na yung mga mata niya ang namana mo dahil sa tuwing tititigan kita wala akong ibang makita kundi ang princesa ko." ngumiti ako sa kanya at marahang pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata niya. Ganun pala yun, minsan kasi hindi lang natin nakikita na hindi lang pala tayo yung nasasaktan kasi yung totoo hindi lang naman tayo yung nawalan. Mas malungkot palang makita yung ibang tao na umiyak dahil malungkot din sila dahil nawala yung parehong tao na pinagkakaingatan niyo. "Let's go!"tanong niya ng makabawi ngumiti naman ako at sabay na kaming umalis, naiwan naman namin yung mga lalaki. "Where do you want to go?" "Sa park po, gusto kong sumakay sa mga rides." matagal kuna kasi gustong pumunta sa mga park na kasama si papa katulad ng ibang mga pamilya. Alam ko namang wala na siya dahil sinabi na yun sakin ni mama pero gusto ko pa din, atleast ngayon hindi man si papa yung kasama ko at wala na dito si mama, nagpapasalamat pa din ako na nandito pa si lolo para sakin. "Let's go." sabi niya ng makapark kami sa isang amusement park. Tumingin naman ako sa sarili ko bago ako bumaba parang over dress ata ako para sa lugar, nakadress kasi ako na violet, off shoulder siya at hanggang malapit sa tuhod ang laylayan, plain lang at walang kahit anong abobot. "Is there a problem?" tanong ni lolo ng mapansin na huminto ako sa tabi ng kotse. "Wala po parang over dress po ata ako." Wala naman kasing problema sa sout ni lolo dahil nakapantalon lang siya at t-shirt na puti. Gwapong-gwapo kahit na sabihing nasa 40's na si lolo para ko lang siyang kuya. "Ayos lang yan hindi naman gown ang suot mo apo. Hayaan mo lang sila." Pumasok na kami ng sabay at pumunta sa may ticketing area para bumili ng tickets para sa mga rides. "Anong package po sir ang kukunin niyo?" nakangiting tanong ng babaeng teller kay lolo sabay tingin sakin. "Anong gusto mo?" tanong niya sakin. "All rides po." "All rides miss." "Sandali lang po sir." "Sir ang sweet niyo naman po sa anak niyo." nakangiting sabi ng teller habang may kung anong kinakalikot sa ilalim. "Hahaha, gusto ko kasing matuwa siya minsan lang kasi kami lumabas."mukhang natuwa si lolo dahil magtatay ang tingin samin ng teller. "Ganun po ba, Sir dalawa po ba kayo or yung anak niyo lang po?" "Dalawa kami." "Sir caution nalang po kasi bata pa po yung anak niyo may mga ibang extreme rides po kasi sa loob ng park na hindi pwede sa 13 years old pababa." tingin nito sakin. "Mukhang elementary pa po kasi yung anak niyo, baka po may mangyari." Elementary? Sinong elementary? Ngumiti naman ako kahit na parang bigla akong nabwesit kay ate samantalang tumatawa naman si lolo ng sobra sa gilid. Minsan talaga parang hindi kami maglolo. "S-sino pong e-lem-tary? "mabagal at may diin kong tanong baka kasi may iba siyang tinutukoy "Ikaw bhe, hindi kasi lahat pwede sa mga bata." "Bata?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Hahahaha, miss malaki na itong anak ko 16 na siya." singit ni lolo dahil talagang handa na akong kagatin tong kapre na nasa harap ko, kala mo naman ang ganda ni ate. "Sorry po sir, hindi po kasi halata pwedeng patingin nalang po ng id, 1000 po lahat. "napapahiya niyang sabi. Hindi halata? Siya nga eh mukhang ewan jan. Napalunok naman ako sa inis at tinabingi ang ulo ko, seryoso ba tong teller na to. Kahit na naiinis ako ay nilabas ko ang id ko lagi ko naman kasing dala to incase of emergency kagaya ng ganito. Asar si ate kaya hindi ako pumupunta sa mga ganito eh, nakakatrigger kapag sinabihan kang pandak ng ibang mga tao na feeling mga kapre. Hindi nalang magpasalamat at pandak ako kaya nagmumukha silang matangkad. Nagbayad naman na si lolo at mabilis ng bibigay ni ate yung mga tickets dahil siguro sa matalim na titig ko sa kanya. Pero kung pandak ka nga naman tatlong extreme rides palang ang nasasakyan namin pero pikon na pikon na ako sa operator dahil bago pa ako makasakay kailangan ko ulit na maglabas ng id para maniwala silang matanda na ako. "Tama na, kumain na lang tayo sa labas mukhang mangangagt kana ng poste ano mang oras." natatawang sabi ni lolo kahit na hinihingal pa. Siya lang ata yung natutuwa sa lakad namin dahil kada rides talaga nakabuswangot lang ako habang naglalabas ng id. Umiling nalang ako sayang yung isang libo pero trigger talaga ako ng park na to. Pag-ako yumaman bibilhan ko talaga to. Tumalikod na siya pero narinig ko pa ang sinabi niya habang umiiling. "You really take everything from him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD