Someone's pov:
"Sir Okey na po." a man said standing inside the room and facing another man wearing suits with the air of respect and power.
"Great, good job." he answered with a hint of happiness in his voice.
"Proceed to the next plan."
The man standing just nod and exit his self, leaving the man in suits looking on his father's portrait.
"We are coming close on seeing the little chick cuts it's wings."
Nine pov:
I don't know what happen, ang bilis ng pangyayari. It's been months already.
Everything went back the same, aside from Ion courting me, everyday he would wait for me on the school gate and outside my classroom before classes end.
Hindi kuna din nakikita ng husto yung kambal, we went back on being strangers at sobrang sikat na nila ngayon lalo na si Chance. He's a genius because he remember everything he sees in just a glance,everyone is calling him handsome genius. Hindi nga ako makapaniwala pero hindi ko na din natanong dahil hindi na nila ako pinapansin kadalasan kapag nagkikita kami.
"May pupuntahan kaba?" Ion ask me.
Sabay kaming naglalakad palabas ng school ground at tapos na din ang klase. Hindi ko kasama si Lauryl dahil may date pa daw siya.
"Wala naman, bakit?"
"Ahh... Gusto sana kitang yayain manuod ng sine." sabi niya habang kinakamot ang batok at halatang nahihiya kaya napangiti naman ako.
Cute!
"Sure, let's go."
Tumango siya habang nakangiti at sabay na kaming pumunta sa kotse niya.
As we enter the mall agad na pinagtinginan ng mga tao lalo na ng mga babae si Ion.
Nahuhuli pa akong maglakad sa kanya dahil nahihiya ako at the same time ay proud, isipin ko pa lang na nililigawan niya ako kinikilig na ako.
"Anong ginagawa mo jan?" he ask, natameme naman ako dahil nagulat ako sa tanong niya.
Nagdedaydream pa ako eh.
"Ah-ahh."
"Halika nga dito." and get my hand and intertwined with his.
Hindi ko alam kong paano iexplain, nakatingin lang ako sa mga kamay namin habang hinihila niya ako sa kong saan.
Hayy, Ion isipin mo yun kong sasagutin kita edi maiingit lahat ng may gusto sayo, hehehe.
"Babe."
"Hah, bakit?"
Wait, babe?
"Kanina pa kita tinatanong kong anong gusto mong movie?"
"Kahit ano."
"Okey ka lang? May sakit kaba?" he ask at hinawakan ang noo at leeg ko gamit ng isa niya pangkamay, hanggang ngayon kasi ay hawak niya pa din ang kamay ko.
I tilt my head on the side, I can feel my cheeks burning at the same time my heart is beating so fast. Pakiramdam ko nagrerecite ako sa harap at hindi ko alam ang sagot, kumakalam ang sikmura ko at kinakapos ako ng hininga pero masarap sa pakiramdam.
Panay naman ang tingin sa amin ng ibang tao. Kaya naman niyaya kuna siya para hindi na kami pagtinginan ng mga tao.
"Sana yaya na lang pala ako."
"Ang gwapo ni Kuya kaso ang pangit noong friend."
"Ang swerte noong yaya, ang gwapo ng amo."
"Anghel yung mukha noong lalaki, samantalang mukha namang halimaw yung babae."
Disgust, insecurity, envy, I can say almost every negative feeling na nararamdaman ko galing sa mga tingin at mukha ng tao.
"Are you okey? Pwede naman tayong umuwi kong masama ang pakiramdam mo."
Lumingon ako sa kanya, how can he talk like that, like his talking on a baby, so much softness and care in his voice.
"Hindi ayos lang."
"Sigurado ka?"
Tumango naman ako, magkaiba kami magsalita siya parang anghel ako parang manananggal, ewan ba.
Sana deserve ko siya kahit ganito ako kapangit.
"Let's go?" yaya niya sakin ng makuha yung ticket namin.
Titig na titig naman sakin yung teller at batang nasa likod namin, halata sa mga mukha nila ang pagtataka at duda.
Oo na nga pangit na nga ako gwapo na tong kasama ko.
"Dito ka lang, babalik ako bibili lang ako ng pagkain natin." sabi niya ng maka-upo kami sa may bandang git a ng sinehan.
Tumango naman ako, at binitawan niya na ako.
"Ate kaano-ano niyo po si kuya?"
Hindi ko pinansin yung sinabi ng babaeng nasa tabi ko, mahirap ng mapahiya baka mamaya hindi pala ako yung kausap niya.
"Ate?"
Napalingon ako ng may kumalabit sakin. Yung katabi ko nga, parehas silang nakatingin sakin ng kasama niyang isa pang babae.
"Bakit?"
"Kaano-ano niyo po yung kasama niyong lalaki?" tanong ng babaeng nasa likuran ng katabi ko.
Halatang parehas silang bata pa, dahil sa uniform at parang halos kaedad ko lang sila.
"Boyfriend ko, bakit?" tunog mataray kong sagot.
Bakit ba? Eh magiging boyfriend ko din naman si Ion kapag sinagot ko.
"Sigurado ka ate? Baka naman po pinsan mo o kaibigan?" ganting sagot ng katabi ko.
Halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ko.
"Mukha ba kaming magkaibigan? May magkaibigan ba na magkaholding hands?"
"Baka naman po tinakot niyo si Kuya? Tsaka ate bawal po magsinungaling. Impossible pong magustuhan kayo ni kuya."
Sumama naman ang timpla ng mukha ko.
Abay napakapangit pala ng ugali ng batang eri.
"Boyfriend ko talaga yun, bakit ba ayaw niyong maniwala, kayo itong nagtatanong tapos ayaw niyong maniwala kapag sinagot kayo."
"Kasi po ATE, una sa lahat ang pangit niyo, pangalawa ang pangit niyo pa din po, pangat--
"Hep! Hep! Hep!" pigil ko sa kanya with hand gestures pa na para bang traffic officer sa edsa.
"Alam niyo mga miss kung ayaw niyong maniwala ayos lang naman pero wag na kayong manglalait, kasi alam ko sa sarili kong pangit ako marami kaming salamin sa bahay." mahaba kong salaysay at umupo na ng tuwid at tumingin sa screen kahit wala pa namang palabas.
Deadmatology ako sa kanila hanggang matapos ang palabas, nagyaya na din akong umuwi dahil may balak pa akong gawin.
"Aray! Ano ba Lauryl yung buhok ko." reklamo ko dahil hinila bigla ni Lauryl ang buhok ko.
"Tigilan mo kasi yang kakangiti mo, sarap mong kurutin." inis niyang sabi sakin.
Tumawa naman sila Jenna samin, lagi na lang kasi kaming nag-aaway ni Lauryl kapag magkasama kami, pero kami din yung laging magkasama at magkakampi.
Parang mga shunga lang talaga kami minsan.
"Ano?" mataas ang boses na tanong ko.
Nandito kasi kami sa manggahan, wala sila Ion dahil may klase pa sila.
"Yung ngiti mo, inlove na inlove. Samantalang nakaraan lang ang sabi mo 'hindi na ako magpapauto' eh ano yan?" sabay turo pa sa mukha ako.
Sinimangutan ko naman siya.
"Ikaw kaya yung gumagatong dati... may problema na naman kayo noh?" tanong ko.
Alam kong meron dahil ganyan ang ugali niya kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya.
Tumahimik naman siya at tahimik na nagbasa.
Confirm!
Tumahimik na din ako at hindi na lang umimik.
"Mga day dapat niyong malaman ang balita." ngiting- ngiti na sabi ni Rea pagdating at mabilis na umupo.
"Hulaan niyo." dagdag niya at tinambol ang mesa.
Tumaas lang ang kilay namin, walang nagsalita at tumingin lang sa kanya.
"Wala na tayong klase mamaya, may meeting!" tumitili niyang sabi, sabay-sabay naman kaming ngumiti.
"YESSS!!!!"
Halos tumalon ako sa tuwa, para kaming mga tanga dito sa manggahan buti na lang walang masyadong tao.
Bakit kaya halos lahat ng estudyante na nag-aaral tuwang-tuwa kapag walang pasok?
"Hep, Hep, Hep!" pigil samin ni Alex.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, kelan mo sasagutin si Ion boy?"
Kumunot naman ang nuo ko sa tanong ni Alex na may kasamang pang-uuyam. Ngumisi pa siya sakin.
"Yeeeihh"
"Oh, yung ngiti yung ngiti paki pigilan please." asar pa ni Haira.
Pinigil ko naman ang ngiti ko, I look at them innocently pero hindi ko mapigilan ang mga ngiting lumalabas sa labi ko.
"Ahh, hmmm!"
"So ano na nga?" nang-aasar na tingin sakin ni Lauryl at halatang excited base sa boses niya.
"Atat kayo?" pabalang kong sagot.
"Alam niyo iwan na nga natin to dito." hila niya kila Jenna kaya inikotan ko lang siya ng mata.
I knew it from the very start we've been friends were both a b***h, like mataray na conyo at baliw.
Tinext kuna si Ion na mauuna na akong umuwi, hindi na din siya nakapagreply baka may klase pa.
"Miss ano ba jan ka lang ba sa gitna ng kalsada!"
Lumingon naman ako, nasa gitna pala ako ng kalsada.
"Kung gusto mong magpakamatay wag mo akong idamay, wala akong pangbayad sa libing mo." dagdag pa ni manong habang sumisigaw at galit na galit.
Inirapan ko nalang siya at lumakad na papuntang kabilang kalsada.
"Napaka OA naman noon, libing agad hindi ba pwedeng hospital muna."
Sumakay na ako ng taxi at umuwi sa bahay ni lolo. Natagalan pa dahil muntik makabangga yung taxi na sinasakyan ko bigla kasing may sumulpot na motor, ang bilis ng takbo.
"Alam mo ineng, ang daming ganyan ngayon naku yung mga driver na akala mo kanila yung kalsada." sabi ni manong habang nasa byahe.
"Alam naman nilang kalsada to, marami man o konti ang dumadaan, kalsada pa din kaya dapat magdahan-dahan at mag-ingat sa pagpapatakbo."
Tumango-tango naman ako bilang sang-ayon kay manong.
"Kaya nga po, ang dami kasing mga rider tapos yung iba wala pang lisensya tsaka mga bata pa."
"Naku, tama ka sa panahon ngayon pabata ng pabata yung humahawak sa mga motor at mga kaskasero pa, noong panahon namin naku hindi pinapahawak yung mga bata ng sasakyan hanggat wala sa tamang edad mahirap na at delikado."
Nakinig lang ako kay manong hanggang makarating ako sa subdivision ni lolo.
"Salamat po."bayad ko at bumaba na.
Kakapasok ko pa lang sa bahay ng may biglang nagdoorbell sa labas.
Pagbukas ko sa pintuan ay sinalubong ako ng mga fresh na bulaklak kaya nahaharangan nito ang may hawak ng bulaklak.
Napangiti naman ako ng malapad dahil isang tao lang ang alam kong gagawa nito.
"Salamat, ang sweet mo naman."sabay kuha ko ng bulaklak.
Noon nalang din ang pagkawala ng ngiti ko ng makita ko ang may hawak ng bulaklak.
"Maam paki pirmahan na lang po." sabay pakita sakin ng papers na dapat kong pirmahan habang tumatawa.
"Ahh, pasensya kana akala ko kasi yung nanliligaw sakin." alanganing sabi ko.
Katangahan 101.
Wrong turn!
Tiningnan naman ako nito ng maigi.
"Okey po." sabay bigay sakin ng sobre at kuha din mga papers at umalis na.
Sinawalang bahala kuna lang si kuya basta ang importante pinadalhan ako ni Ion ng mga bulaklak.
"Ano kayang laman nito." sabi ko habang sinisipat ang envelop at umupo sa sofa.
"Hmm...loveletter?" napapaismid kong sabi habang nag-iisip ng iba pang posibilidad na laman ng sobre.
Dali-dali ko ding binuksan ng wala akong maisip, kinakain ng koryusidad ko ang laman ng sobre.
Nakangiti kong binuklat ang sulat kahit na sigurado akong loveletter ito.
YOU BETTER DIE AND I WILL SHOWER YOUR GRAVE WITH THOSE FLOWERS.
ARENT THEY BEAUTIFUL?
Kinilabutan naman ako sa laman at mabilis yung binitawan, napadako din ang tingin ko sa mga bulaklak at mabilis yung itinapon sa basurahan.
Naginginig ang mga kamay ko, who would want me died and why?
Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko, ayaw ko pangmamatay.
Mabilis din akong sumilip sa bintana at tumingin kung may nagmamanman at hindi nga ako nagkamali dahil may mga tao sa labas na sumusulyap-sulyap sa bahay.
Umakyat ako kaagad sa kwarto ko at tumawag kay lolo, dapat niyang malaman ang mga nangyayari dito.
"Hello lo!" sagot ko kaagad ng sagutin niya ang tawag.
"Oh apo, ano yun may gusto ka bang pasalubong at uuwi na ako sa susunod na linggo." bakas ang tuwa at excitement sa boses niya.
Kaya nagdadalawang isip akong magsabi, alam ko rin na marami siyang iniisip sa mga negosyo at sa mafia.
"Apo?"
"Ah opo, gusto ko po ng madaming chocolates yung imported po para makatikim naman ako ng mamahalin." pilit kong pagpapasaya sa boses ko.
"Ayos ka lang ba? May problema kaba?"
"Ah, ayos lang naman po naiistress lang po ang dami kasing assignment na binigay yung mga teachers namin." parang bata kong sumbong.
"Ayos lang yan, aba matalino ata ang apo ko. Basta magsabi ka sakin kong may kailangan ka at may problema para naman makatulong ako sayo."
"Opo."
"Sya sige at may meeting pa ako, mag-ingat ka."
"Kayo din po, miss you lolo."
"Ako din apo."
At nilapag kuna ang phone ko at humiga sa kama.
Kela Chance ko kaya sabihin? Total bodyguard ko naman sila sabi ni lolo.
Hay ano ba yan? Bat di ko napapansin yung mga sumusunod sakin.
Baka naman alam na nila? Pero impossible wala namang nakakaalam na ako yung susunod na boss eh. Sila kaya ang dahilan ng pagkamatay ni mama?
Natatakot ako kanina pero dahan-dahan na itong nawawala dahil sa isipan na sila ang may pakana ng pagkamatay ni mama.
Kanina pa akong hindi mapakali dahil sa pag-iisip na baka bigla nila akong pasukin dito at patayin.
Napabalikwas naman ako ng may biglang nag doorbell galing sa labas, napalunok ako ng laway ko sabay dahan-dahang bumaba ng kama.
11:39 is the hand of the cloak.
Sinong matinong tao ang mag dodoorbell ng ganito ng oras ng gabi maliban na lang kong multo yung nasa baba.
Amat-amat muna akong bumaba at dumeritso sa kusina ng hindi gumagawa ng ingay, kinuha ko din yung takip ng pinakamalaking naming kaldero.
Tingnan nalang natin kong hindi makakita ng galaxy ang tatamaan nito, sisigiraduhin ko talaga na liwanag na ang huli niyang makikita.
Lumapit naman ako sa likod ng pintuan at pinusisyon ang sarili ko bago dahan-dahang binuksan ang mga lock ng pintuan namin.
"Nine nag-
"Ahhhhh!"malakas na sigaw ko sabay hampas ng kong sino mang nasa pintuan.
"Wooooyyyy!" mabilis na ilag nito.
"Ahhh." sigaw ko kasabay ng paghampas ko ulit dito pero mabilis na itong nakapasok.
"NINEE AKO TO!"
Mabilis naman akong nahimasmasan at tiningnang maigi ang lalaki.
"Chord? Anong ginagawa mo dito?" hinihingal kong tanong.
"Grabe muntik muna akong ihatid sa ilog ni hades ah." sabi nito at umupo sa sofa na parang napagod sa pagtakbo.
"Buti na lang pala mabilis yung reflex ko. Mukhang mapapatay pa ako naghatid lang naman ako ng pagkain."patuloy na sabi nito.
Napangiwi na lang din ako sa sinabi niya.
"Sorry hindi ko sinasadya, akala ko kasi magnanakaw." palusot ko.
"Kahit na, kung alam ko lang hindi na sana ako pumayag." iiling-iling na sabi nito at halos maiyak pa.
"Drama mo, pero sorry talaga. Bakit naman kasi ganitong oras ka pumunta dito?"
"May race pa kasi ako kanina, eh ngayon lang natapos kaya ngayon lang ako nakabili, buti nga may bukas pa na restaurant." sabay abot sakin ng pagkain.
"Salamat." nakangiting sabi ko, wala pa kasi akong kinakain dahil sa takot ko.
"Sige, hinatid ko lang talaga yan basta magsabi ka kapag may kailangan ka, ilock mo din ng maayos yung pinto." tumayo na ito at diretsong lumabas.
Sumunod naman ako at sumilip pa sa labas bago sinarado yung pinto at nilock ng maige.
Mukhang wala na yung mga tao sa labas, baka si Chord yung may gawa.
Dumiretso na ako sa kusina para mailabas yung pagkain na dala ni Chord, grabe na yung gutom ko dahil sa takot hindi ko lang maramdaman dahil sa takot, ganun pala yung feeling.
Inilis kuna ang pinagkainan ko bago natulog ng maayos. Maaga din akong nag-asikaso.
Sumakay na ako ng taxi at nagbayad bago bumaba pero nabitin ang pagbaba ko ng biglang magsalita ang driver. Lumingon naman ako dito pero inayos lang nito ang cap nito kaya hindi ko pa din nakita ang mukha ng driver, mabilis naman akong pumasok sa school.
Keep safe miss Sforza.
"Nine? Nine?"
"NINE." napabalikwas naman ako dahil sa malakas na boses na sumigaw sa tabi ng taenga ko.
Sinamaan ko naman ng tingin si Lauryl.
"Ano?" inis kong tanong.
"Kanina pa kita tinatawag. Malapit ng maging ten ang pangalan mo wala ka pa din lumilingon."
"Eh kung mabingi kaya ako." konsensya ko dito.
"Edi mabuti."sagot niya naman na ikinasama ng mukha ko.
Kaibigan ko ba talaga tong babaeng to?
"Kaibigan ba talaga kita? Siguro mortal enemy tayo dati. Mga butterflies tayo tapos hanggang mamatay tayo magkaaway pa din tayo."
"Ipis ka remember? Nakataas na kilay niyang bara ulit sakin.
"Ikaw kasi yung uod, yuck." ganti ko din.
"Ah basta may sinasabi kasi ako." mauubos ang pasensya nitong sabi.
"Ano?" tanong ko habang tumitingin sa kanya ng maigi baka mamaya kasi magalit na naman si madam.
"Tsk nakalimutan kuna tuloy, kasalanan mo to eh." bulyaw niya sakin samantalang napatawa naman ako.
"Nga pala, dito ka lang ba?" tanong ni Lauryl, may lakad pa kasi siya.
Wala din sila Jenna nasa canteen susunod lang kaya ako lang ang nandito sa manggahan.
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Sure? Aalis na ako. Sino bang kikitain mo dito?"
Napatawa naman ako sa tanong niya.
"Grabe sa word na kikitain, basta. Alam mo umalis kana baka malate kapa." sabi ko sabay tulak sa kanya para umalis.
"Sure?"
Tumango naman ako ng maraming beses para hindi siya mag-alala.
Umupo ako ulit ng tuluyan na siyang umalis, ilang beses pa siyag lumingon sakin na parang naniniguado at nanunuya.
Ngayon ko kasi balak na sagutan si Ion, naisip ko din kasi na baka wala talagang nagmamasid sa bahay ni Lolo talagang assuming lang ako.
Pero nagtataka pa din ako sa sinabi ng driver kanina paano niya kaya nakilala yung apelyido ni Lola, pero baka naman katunog lang o di kaya nagkataon lang. Baka may kausap si kuya?
Ano ba yan?
Tinext kuna kaninang umaga si Ion na pumunta dito sa mangahan dahil may mahalaga akong sasabihin.
Kanina pa ako excited na sabihin sa kanya na sinasagot kuna siya.
Matagal ko ding pinag-isipan to, mga isang linggo na siguro maliban lang kagabi kasi nga iba yung inisip ko pero sigurado na talaga ako kay Ion.
Sana lang hindi kami laging mag-away, pakiramdam ko nakakatakot pumasok sa isang relasyon lalo na kung kagaya kong bata pa.
Sana lang talaga hindi din kami maghiwalay sa huli parang ang pangit kasi noon.
Napangiti naman ako ng makita si Ion sa may unahan. Mas lalo naman akong kinabahan, halos hindi ako makahinga sa bawat habang na ginagawa niya, nakaka kaba pala to.
Para naman akong nagrerecite pero walang masagot, mas kakaiba nga lang ng konti ang pakiramdam.
"Hi." malapad na ngiti niyang sabi.
Ngumiti naman ako pabalik, hooo kaya ko to.
Ito na to, cheese ish eat.
"Hello, upo ka."
"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Ahm, oo may sa sabihin kasi sana ako." sabi ko habang pinagkikiskis ang mga kuko ko sa ilalim ng mesa.
"Pasensya na pala kong nahuli ako."
"Nagdala pala ako ng pagkain, nakita ko kasi sila Jenna sa canteen sabi nila hindi ka pa daw kumakain kaya nagdala na ako."
Tumingin naman ako sa pagkain na pinatong niya sa mesa, hindi ko yung nakita kanina masyado kasi akong kinakabahan.
"May problema kaba sa mga subjects mo? Pwede kitang tulungan basta wag lang sa---
"Sinasagot na kita!"malakas na sigaw ko habang nakapikit.
Hoo nakakahiya.