Chapter 6.

3189 Words
Napabalikwas naman ako sa kama, bwesit na bwesit na kasi ako sa kumakatok sa kwarto ko kanina pa. "Princess, gising na jan. May combat practice kayo ngayon ni E, kanina ka pa niya pinapagising, maiksi lang pasensya noon wag mong hintayin na siya umakyat dito, yari ka talaga." boses yun ni Chord galing sa labas. Hinilamos ko naman ang mukha ko at half-way na binuksan ang mga mata ko para sumilip at tingnan ang veranda ko para malaman kong lumabas na ang araw. Mabilis naman akong pumikit ulit ng makita kong madilim pa, at binalot ko pa lalo ang sarili ko ng comforter. Hayy, ang sarap talaga matulog. Buti na lang wala na yung kumakatok, napagod siguro. Kala nila hah. Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman ko na gumagalaw ang hinihigaan ko, kaya minulat ko ang mata ko. Nagtaka na lang ako dahil gumagalaw ang paligid. What the heck?? "Chord ano ba? Bitawan mo ako nahihilo ako. CHORD?" huminto naman siya. Ang walanghiya hinila ba naman ako palabas ng kwarto ko, buti na lang tumigil, hagdan na kasi ang nasa unahan. Nagtaka lang ako ng makita ko si Chord na paakyat. "Bro anong- Hindi niya natuloy ang sasabihin ng makita akong mukhang shanghai na nakarolyo sa comforter ko at nakahiga dito sa sahig. Ang balahora tumawa lang, tsss mabulaukan ka sana hanggang sa hindi kana makahinga. Sumimangot lang ako sa kanya. "Tumayo kana jan kong ayaw mong guyudin pa kita hanggang sa labas." sabi noong ghostfighter ng humarap sa akin. Hindi naman mababakas sa mukha niya na natutuwa siya, samantalang puno pa ito ng pagkabagot. Dali-dali naman akong tumayo at umamambang sasapakin siya habang nakatalikod na bumababa kaya naman yung asungot na nasa tabi ko tumawa lalo, tumigil tuloy yung naglalakad na ghostrider. Tumalikod na ako at baka mapagalitan pa ako. "Ya, Yahhh, Ya, Yah, Yah." Kanina pa ako sumisipa at sumusuntok pero panay ilag lang ang ginagawa ni ghostrider kaya naman mas binibilisan ko ang suntok at mga sipa ko dahil sa naka-usling ngisi sa labi niya "Yahhh-- ahhhng sakit." hawak ko sa hita ko,mabilis namang lumapit si Chance sakin. "Ahng sakit talaga." halos maiyak ako ng madiinan ko ang hawak ko dito. "Pucha ang sakit." pikit ko ng mariin sa mga mata ko dahil masakit talaga yung hita ko. "Sino ba kasi ang magsabi sayo na tulon ka tapos sipain ako, may pa bwelo-bwelo kapang nalalaman." habang chenicheck yung hita ko pero nakapoker-face pa din at parang pinapagalitan lang ang bata. Sumimangot naman ako. Akala ko kasi effective eh, tsaka ang galing kaya noong mga gumagawa noon sa tv. Kung alam ko lang. Sumimangot naman ako lalo, lumingon naman ako sa pintuan ng makitang tumatakbo si Chord palabas dala ang medicine kit na nasa kusina. "Ano ayos ka lang?" tanong niya na punong-puno ng pag-aalala. Tinitigan ko naman siya ng masama. "Mukha bang ayos lang ako-ahhw."sagot ko kay Chord at piksi ko ng subukan ni Chance igalaw ang hita ko. "Dahan-dahan naman." inis na bulyaw ko kay Chance pero tiningnan niya lang ako na parang kasalan ko ang lahat. Sumimangot tuloy ako ulit. "Ayos kana?" tanong ni Chord sa tabi ko habang naka-ngiwi. Tumango naman ako ng marahan. Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. I'm in the hospital because they don't know what to do with me. Good thing I'm fine, nabigla lang daw ang katawan ko, siguro dahil matagal ko ng hindi ginagawa ang mga splits ko dati noong elementary ako. "You'll be discharge tommorow, I already take care the payment." sabi lang ni Chance ng pumasok sa kwarto at umupo sa tabi at nagbasa ng libro. Tumaas naman ang kilay ko, how to be a book po? Sungit! Nang makalabas ako sa hospital isang linggo din akong nakahiga lang, masakit pa din kasi yung hita ko at na hihirapan akong kumilos at maglakad. "Oh, apo saan ka pupunta?" Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Lolo na tinitingnan ako ng may pagtataka. "Ah, ba baba po."magalang kong sagot. "Kailangan mo ng tulong? Tatawagin ko si Chance." napanguso naman ako sa pangalang binanggit niya. Ayaw ko po sa masungit na yon. Ngumiti naman ako at umiling kaya nauna ng bumaba si lolo at sumunod naman ako habang mabagal na bumababa. Dumating si lolo kahapon at kinumusta ako, dahil tumawag pala sa kanya si Chance. Tinawanan naman ako ni tanda ng dumating, may pasipa-sipa pa daw akong nalalaman palpak naman. Ilang palaka daw ba nahuli ko? Minsan talaga pinagtatakahan kuna si lolo baka kapit-bahay lang talaga to ni mama dati. "Lo, sunod kana magbalik." pigil ko sa kanya, gusto ko pa din kasi siyang makasama yung normal lang. "Pasensya kana apo, pero kailangan ko talagang bumalik agad."may lungkot sa boses na sagot niya. Nandito kami sa likod ng bahay, may upuan kasi dito. "Lo, kelan kita papalitan?" I ask out of curiosity. "Pag nasa tamang edad kana, gustuhin ko man at hindi kailangan muna akong palitan, and that is 2 years from now." "Bakit?" "Yun kasi ang batas, at sa loob ng mga panahon na hindi pa ikaw ang boss dapat mong matutunan ang lahat, kaya nandito yang dalawang Mercado na yan." "Kaya sabihin mo sakin kung nagugustuhan muna ang isa sa kanila." kumunot naman ang nuo ko. "Bakit naman?" "Aba syempre magiging totoong kumpadre kuna ang lolo nila, at masamang pangitain yun." sabi niya habang umiiling ng mabilis at ngingiwi na akala mo napakasama ang mangyayari. Tumango nalang ako budol talaga tong matandang to, pero nalungkot naman ako ulit ng tumahimik kami. Pupunta pa daw kasi siya sa ibang bansa may mga transaction pa siya. Hinatid ko naman siya ng tingin ng umusad ang sinasakyan niyang kotse, hindi na namin siya hinatid sa city at ayaw niya din daw magpahatid, choosy talaga yung matandang yun. "Yah, Ya Yahh, Ya." another practice, magaling na kasi ang mga hita ko. Straight punch, hook, lower punch, left kick, round, straight kick, right punch. Kanina pa kami nag-eensayo, tumigil naman ako at yumuko para habulin ang hininga ko. "Come on." he said with mockery. Nabwesit naman ako, kaya kahit pagod ako ay pinagsusuntok at sipa ko siya. Madali lang naman ang rules dapat ko lang siyang matamaan kahit isang beses, akala ko noong una madali, yun pala ito na ata ang ikakamatay ko. May sa lahi atang ahas to eh. "Are you an animal?" I ask him, umarko naman ang kilay niya. Hindi man lang siya pinagpawisan, asan hustisya samantalang ako halos malunod na sa pawis. "I'm not." flat, plain at walang ka buhay-buhay niyang sabi. "Tss, kj." inis kong sabi at sinugod na siya samantalang puros tawa naman yung nanunood sa amin. Bwesit talaga tong magkapatid na to. Another rounds of punches and kicks but nothing happened. And I'm getting pissed off everytime I misses and he will just dodge like nothing happened. 3 hours straight, I hate to say it but I still haven't got him because the more I missed the more his lips curve and lately would laugh. Muntanga pero mas napupuno ako pagtumatawa na siya, kahit na sabihing gwapo siya mas pinapakita lang kasi noon na walang saysay yung ginawa ng training sa akin ni mama. Argh! "Okey let's stop." he then said. Kumunot naman ang nuo ko, ayaw ko pa hindi ko pa siya natatamaan. "Hindi mamaya na." inis kong sabi. "We have to stop or you'll collapse right now." he said seriously. "Mamaya na." mas nainis naman ako at sinugod siya. Pero hinawakan niya na lang ang kaliwang palapulsuhan ko ng makalapit ako, nagpumiglas naman ako kaya hinawakan niya din ang kanang kamay ko at inikot ako patalikod. Nainis naman ako lalo kaya panay likot ko tumigil lang ako ng maramdaman kong nilapit niya ang likod ko sa kanya, I can feel his breath and damn it's hot. I make my face stiff along with my body so he won't see what I am thinking right now or what I look. Shit. Bakit ko ba naiisip to? Mukha tuloy akong m******s. "Bitawan mo ako." inis kong sabi pero nakatingin sa harap. Nanunuya naman ang tingin sa akin ni Chord, may patakip-takip pa ng mata ang asungot tapos sisilip din at ngingiti na parang baliw. I just rolled my eyes on him. "Ano ba? Sabing bitawan muna ako." mas pinatatag ko ang boses ko. "Easy kitty, but whenever i say we stop we will stop." he said sensually close to my ears almost touching it. "Okey." almost whispered slowly. Napatango naman ako ng wala sa oras. Muntik pa akong mapapikit, ang hudas. Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. Ulam yung boses, bwesit. Mabilis niya naman akong binitawan kaya lumapit ako agad kay Chord na ngiting-ngiti. Sinimangutan ko lang siya. "Sabi sayo wag mong pipikunin yung kapatid ko at yari ka eh." sabi niya pa na nang-aasar. Hinablot kuna lang yung twalya sa tabi niya at sa loob na nagpunas. Kumuha lang ako ng tubig sa kusina at diretso ng umakyat para magshower. I hate myself from for acting like that. Para akong nangmamanyak, eh hindi naman ako m******s. That guy is dangerously hot. That thought frustrate me even in shower, and after everything happened after a week it still frustrate me even more dahil sa mga panakaw na ngiti ni Chord sakin na halatang nang-aasar lang. He would always say that: "Sabi sayo wag na wag mong titigan yung kapatid ko eh." "Konti nalang at mahuhulog kana." And would just roll my eyes on him, such a teaser. As if I would fall for his brother, in his dreams. It become our routine for a few weeks. But for the last week somethings started changing, the first time I hit him become one of my happiest morning. Lumapit pa sa akin si Chord at nakipag-apir habang tumatalon, mukha kaming magbeshy na nun lang nagkita. Muntanga kaming dalawa pero wala akong paki, at kahit na pawis na pawis ako okey lang. From then I could say I'm slowly improving at nagbago na din kami ng rules, also my information class with Chord turn-out to be my information class still with Chance. Feeling ko nga baggage lang si Chord dito sa byahing to, but he's still a great cook. He would just always say that his brother is a genius like his a fanatic of his brother. But nonetheless they are always in good terms I could even say great. Siya lang ata ang nagagawang ipadaldal ang kapatid niya, na mas mahal pa ang mga libro nito. Mukhang yun lang yung dala niya sa maleta niya. Pero kapag magkausap sila o nag-aasaran mas madaldal pa siya kay Chord, sometimes we'd go outside for my recitations and memorization. Feels like a real class but sad to say yes. Sobrang strict po ni Sir. And just like sometime we're out again. Nandito kami sa plaza, naka-upo habang tumitingin ng mga nagbabasketball. "Tuloy mo lang, hindi yung tingin ng tingin ka sa mga naglalaro. We are not here to cheer for them." sumimangot na lang ako sa kanya. I'm memorizing some science and english terms, na hindi ko alam kong ano ang connect sa akin. Naglalaro kasi sila kuya Joash at minsan ay nagchecheer ako kapag nakakashoot ang grupo nila. It's not a formal game but I like it because they all play good. "Sandali lang malapit ng matapos eh." reklamo ko sa kanya, konti na lang din naman letter c na ako d nalang. "nice shot kuya Joash, isa pa po." I shouted, lumingon naman si kuya at kumindat kaya ngumiti ako lalo. "Ako din Nine, pangpagoodluck." biro ni kuya Reymark habang tumatakbo at huminto pa sa harapan namin. "Goodluck po sa inyo ng lahat." sigaw ko sabay thumbs-up pa. Hindi ko nalang pinapansin ang mga bulungan at masasamang tingin ng ibang nanunuod. Naradaman ko nalang ang masamang tingin galing sa katabi ko kaya tiningnan ko siya, naniningkit ang mata niya habang nakapoker-face, hindi ko nga alam kong paano niya nagagawa yun. "Bakit?" "Were not here just so you could watch basketball." "Pero sandali na lang din." depensa ko pero tumayo na siya at umalis. Napanguso nalang ako ng wala sa oras, problema nun. Nakipag-usap pa ako kila kuya Joash bago umuwi, hindi kuna din sinundan si ghostrider bahala siya dyan. Sa labas palang ay nakikita kuna si Chord sa labas ng bahay, akala mo nanay na hinihintay ang anak. Nang makita niya ako ay tumakbo siya papalapit sa akin. "Oh bakit?" "Anong ginawa niyo ni E?" "Huh, bakit?" "Naiinis, nagpapadyak pa nga noong dumating." kumunot naman ang nuo ko. Napakachildish naman, sigurado akong hindi gagawin yun ni Chance. "Ano yang kapatid mo bata? Baka akala mo lang." Umiling naman siya at hinila ako papasok. "Nandito na si Princess." malakas na sigaw ni Chord pagpasok palang namin, akala mo tatakbo sa election sa lakas ng boses. "Hoy, boses mo." sita ko sabay hampas na din sa braso niya. Napalingon naman kami sa kusina ng lumabas doon si Chance, tiningnan niya lang kami at tumingin sa kamay ni Chord na nakahawak sa braso ko bago tahimik na umupo sa sofa. Nagpaalam na akong umakyat para makapaghilamos. Bahala na si Chord may isip sa kapatid niya, mukhang normal naman si Chance. "Morning." bati ko ng maabautan ko silang kumakain. Wala akong practice ngayon dahil Sunday. "Good morning." masayang bati sa akin ni Chord. Tumingin naman ako kay Chance na pa tuloy lang na kumakain. "E hindi mo ba babatiin si Nine?" Tumayo naman siya na parang walang narinig at hinatid lang ang plato sa sink, at bago lumabas ay tumango sa akin. Nagulat na lang ako ng biglang nilapitan ako ni Chord saktong lumabas si Chance. "Umamin ka, anong ginawa niyo ng kapatid ko?" "Nanuod ng basketball, tsaka pwede ba bitawan mo nga ako, para kang chismosang palaka na nakakapit sakin." sita ko sa kanya sabay tanggal sa mga kamay niyang nakahawak sa braso ko at kumain na. Tinitingnan niya pa din ako ng masama, ewan ko ba wala naman akong maalala na may ginawa ako kay Chance. "Ano? Wag mo akong tingnan ng ganyan at baka matusok ko yang mata mo." inis na usal ko. "Pag nalaman kong may ginawa ka sa kapatid ko yari ka sakin." sinyas niya pa gamit ang kamay na nakaturo sa kanya at pagkatapos ay sa akin. "Tss, ewan ko sayo mag kapatid nga kayo, pereho kayong saltikin." I spend my day reading, wala kasi akong magawa hindi din naman ako masipag na tao. Opening of classes is anticipating again, one week before classes start sabay-sabay na kaming umuwi. Buong linggo akong maghanap ng mga gamit para sa pasukan. Hindi pa din ako pumupunta sa bahay namin ni mama, hindi ko pa kaya. Masayang balikan ang mga alala kong yung kasama mo sa kwento ay nasa tabi mo at nakikitawa sa mga kalokohan niyo pero wala na si mama at pinapaintindi ko yun sa sarili ko. Alam kong babalik ako pero hindi pa ngayon. Minsan talaga hindi ako natutuwa sa school na ito, feel na feel kasi ng principal namin na palakarin kami kapag first day ng school dahil nagbabago ang mga classroom para daw magstretch man lang kami ng buto. Tss, nakakapagod kaya tapos kapag nalate pa may ipapagawa sila, like as in lahat ng teacher kaya hindi magandang malate. 6:30 and yes, nandito na ako sa school at naghahanap ng room, hindi lang naman ako marami kaming parang mga ulaga na hinahanap ang mga pangalan sa bawat classroom. "Friend!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Oh right, I forgot Lauryl. Hinintay ko naman siya, nakakahiya lang pinagtitinginan na kasi kaming dalawa dito sa hallway, lakas ba naman ng boses ng babaeng to. Ewan ko minsan naman tahimik, minsan maingay, ah ewan. "Oh?" "Anong oh? Kumusta kana?" "Okey lang." Sabay kaming naglalakad habang nag-uusap at tinitingnan ang mga classroom at hinahanap ang pangalan namin. "Saan na ba kasi yung mga pangalan natin, malapit na pa naman mag7:30." halatang kinakabahang tanong ni Lauryl, naparusahan na kasi siya nakaraan. "Try kaya natin sa may kabila." yaya ko. Malapit na kami sa field ng makita naming nagtutumpukan ang mga estudyante sa gitna. "Anong meron?" tanong ni Lauryl pero tinaas ko lang ang balikat ko. Hindi ko din kasi alam, baka may pakulo ang school. Lumapit kami at nakisiksik sa mga estudyante, napapikit pa ako ng mariin ng may maka-apak sa paa ko. "Huh, sa wakas nakalabas din." hingang maluwag namin ni Lauryl at tumingin sa harap. Kumunot ang nuo ko, dahil nasa harapan namin sila Brio, Aiken at Ion. May hawak pang mga lobo, dalang gitara at parang may hinahanap si Ion. Pinagmamasdan ko lang siya, para kanino kaya yung mga dala niya. "DITO!"napatingin pa ako kay Lauryl ng sumigaw siya ng malakas at tinuro ako. "Hah?" takang tanong ko lang. Lahat naman ng tao ay napatingin sa akin kasama na sila Brio lalong-lalo na si Ion. Ngumiti naman si Ion at lumapit, kinabahan naman ako kaya bigla kong nahawakan ang uniform ni Lauryl. "Ryl tara na? Malelate na tayo sa klase natin." yaya ko. "Eh, mamaya na." kinikilig niya pang sabi habang nakatingin sa harap, samantalang halos kapusin na ako ng hininga dahil sa kahihiyan. Gosh,what to do? What to do? Argh, bakit ang hirap maging pangit na boplaks? Inayos ko naman ang expression ng mukha ko. Pero hindi ako sigurado dun, kasi ng huminto sa harap ko si Ion pakiramdam ko mahihimatay ako ng wala sa oras. Oo na, may gusto ako sa kanya pero please lang wag ganito. "So what is your answer?" he ask, with so much happiness in his smile that radiates in all of me. Nagloading ako dahil sa tanong niya, hindi ko alam kong ano ang dahan-dahang nalalaglag, panty ko ba o yung puso ko. "Huh? Anong tanong?" "Look up." malumanay niyang sagot. Tahimik lahat, at alam kong nanunood pero yung boses niya rinig na rinig ko ng malinaw. Napahawak naman ako sa puso ko, wait lang sandali lang. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa taas. And there written words that says, Will you let me court you ms. ghostfighter? Napalunok pa ako ng wala sa oras. Okey na sana eh, pero bakit ghostfighter? Napakunot tuloy ang nuo ko ng wala sa oras, makikita naman sa mukha niya ang kaba at pagtataka ng kumunot ang nuo ko. "Bakit ghostfighter?" inis na tanong ko. Napakamot naman siya ng likod ng ulo, at ngumiwi. "Ha ha ha ha!" malakas na tawa ni Brio. Nagtaka naman ako. "Bakit?" "Ahh- Mabilis na sagot ni Ion pero nahihiya pa din. Cute pero nagtataka padin ako. "Si Brio kasi-yung-pinagawa-ko ng banner?"mabagal niyang paliwanag. Kinikilig ako, pero natatawa ako ang cute niya talaga para siyang bata na nahuling kumuha ng pagkain sa ref. "So?"he ask with anticipation and so much hope. Namumutla na din siya, pero gusto ko pangpatagalin yung sagot ko. Gusto kong malaman kong hihimatayin siya. "Yes."mabilis at nakangiti kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD