Nine pov:
Isang linggo din akong tulala at hindi kumakain, kinuha na ako ni lolo at dinala lahat ng gamit ko dito sa mansion niya.
I stop from my reverie when I heard a knock from the door. Bumukas iyon at pumasok si lolo, he sit beside my bed and hold my hand.
"Apo, alam kong nasasaktan ka ngayon but I contact your school and informed them about what happen, they gave a consideration for you to take the exam next week."
Napabalikwas ako ng bangon at umupo. Tumingin ako kay lolo, we have the same eyes that reflects darkness, gloomy, sadness and most of all pain.
"Lo paano mo nagagawang umusad?" I ask with so much hopefulness.
"Because I don't have a choice apo, you need me now and that is what keeps me moving." he said and that broke me into crying.
"Shhhh, just cry but remember in the end of the day you have to be strong because your mother don't want to see you in this situation." he continuesly say and hug me, I cried more.
"Isa pa kailangan mong malaman kong sino ang pumatay sa mama mo." sabi niya bago lumabas ng kwarto.
Ilang oras pa akong umiyak bago ako tumahan, lolo was right my mother was killed with 10 stabs all over her body to make sure she won't make it.
Nalibing na si mama kahapon, mabilis lang ang lahat dahil si lolo ang nag asikaso samantalang umiiyak at tulala lang ako. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at bumaba ng kusina para kumain, kahapon pa akong hindi kumakain kaya naman madami akong naubos na pagkain.
When I went back to my room I started to scan my notes, napapatulala man ako minsan ay pinipilit ko namang binabalik ang focus ko sa aklat.
When monday came, I go straight to my teachers and approach them hindi naman ako nahirapan at nakapag exam agad, the day was exhausting but I make it, tinapos ko lahat ng exam ko sa araw na yun, wala na ding mga estudyante sa school maliban sa may mga kailangan pang gawin sa school dahil tapos na ang school year. The next day I return to the province sinabi ko na yun kay lolo kinagabihan pa lang at wala naman siyang problema, hindi nga lang siya makakasama dahil may mga inaasikaso pa siya sa kompanya at sa mafia.
I was now in the veranda taking a sip of coffee, my laban ako mamaya sa kabilang barangay, my ninang fairy godmother told me last night when I arrive. Pinlano daw yun ni mama kaya pumayag ako dahil yun na din ang huling pageant na sasalihan ko, plano kong mas pag igihan ang paghawak ng mga sandata at alamin pa ang tungkol sa mafia.
"Handa kana ba?" ninang fairy godmother ask. Nandito kami ngayon sa backstage at tapos niya na akong ayusan. Question and answer portion na, at malapit ng matapos ang laban, wala namang bago dahil kilala kuna ang mga kalaban ko.
Lumabas na kaming mga contestants ng tawagin kami ng host.
"Hi candidate number 9."
"Hello po."
"Are you nervous?" the host ask.
"A little bit."
"Then let's get this through, your question is... If you were given a chance to meet someone in the past, who is it and why?"
Hindi ko alam kong nananadya sila pero wala akong paki dahil nalulungkot na naman ako. Pinigil ko ang luha ko at sinimulan ng sagutin ang tanong para sa akin.
"If I would given a chance to meet someone again that would be my mother because for me my mother is the most important person and for me to meet her on her young days will be my happy pill because I want to be her best friend, enemy, partner in crime, sister, neighbor, protector, and daughter again.." madamdamin kong sagot bago tumalikod at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko.
Hindi ko alam kong bakit walang nangbubully at nanglalait sa akin ngayon pero nagpapasalamat ako at nakikisama sila dahil hindi ko kayang makipagsagutan sa mga panahon na to.
I wasn't declared as the winner but I am happy as a 1st runner up, marami ding nagpaabot ng pakikiramay kaya naman pagod na pagod ako pag uwi ko, I gave the money to ninang fairy godmother because she need it right now.
Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa ingay galing sa baba ng bahay, kinusot ko pa at nilamukos ang buong mukha ko dahil magang-maga ito dahil sa kaka-iyak ko kagabi.
I was a bit shock to see Chord and Chance in the living room fighting with each other and holding a traveller's bag.
"What are you doing here?" I ask with so much confusion.
They stop fighting and look at me on the same time. Sabay naman silang sumeryoso.
"Pinadala kami dito ng lolo mo baka daw kasi mabored ka dito, tsaka kami na din yung magiging trainor mo, ako sa information si E naman sa combat." paliwanag ni Chord kaya papalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa, para akong nanakawan pero hindi ko alam bakit walang nawawala.
Patuloy sa pagpapaliwanag si Chord samantalang tahimik lang si Chance, kaya naman napapatingin ako ng matagal sa kanya kong minsan.
"Wag mong masyadong titigan baka matunaw." asar sa akin ni Chord ng mapansin niya na namang tinititigan ko si Chance.
Napangiti naman ako bago lumingon sa kanya.
"Hindi naman, nacucurios lang talaga ako sa kapatid mo sobrang tahimik kasi at sobrang opposite niyong dalawa." paliwanag ko kahit na huling-huli ako sa akto.
"Curiosity makes you fall inlove, ingat-ingat lang." babala niya at ngumisi pa ang loko kaya naman umirap lang ako.
Tumalikod na ako at pumasok sa kwarto ko and again I stare but this time I'm staring on our small flower field that is full of flowers, my mother is fond of flowers, she love flowers so much next to me. Kalsada ang harap ng bahay pero apat na lote naman ng halamanan namin ang tinanim ni mama sa likod ng bahay. My mother is a florist, the best in her chosen field, marami siyang cliyente sa ibang lugar at mga sikat na tao sa bawat industriya, nagsusupply din siya ng mga bulaklak sa mga maliliit na flower shops.
I miss her.
Niyakap ko naman ang sarili ko, I can feel the pain subsiding again kaya naman inalis kuna ang tingin ko sa field at pinunasan ang takas na luha sa pisnge ko bago bumaba, tangahali na din kasi at siguradong gutom na rin yung dalawa.
Parehas silang naka-upo sa sofa nagbabasa ng libro si Chance habang nakadikwarto at nakacross ang mga braso samantalang seryoso at nakatutok naman ang mata ni Chord sa pinapanood na cartoons, napangiwi na lang ako.
Seryoso talaga tong lalaki na to? Tom and Jerry? Saang planeta ba galing tong alien na to.
"Anong gusto niyong ulam? Wala kasi akong stocks dito sa bahay, bibili pa sa palengke."
"Magluluto ka?" sagot sa akin ni Chord habang nanunood pa din at hindi inaalis ang mata sa tv.
"Ano ako princesa hindi marunong magluto?"
"Because you are." singit ni Chance kaya napakunot lang ang noo ko at hindi na lang siya pinansin.
"Ano nga?" parang naiinis na tanong ko, para sumagot sila agad ng bigla na lang tiniklop ni Chance ang binabasang libro.
"Let's go." at tumayo diretso palabas ng bahay.
Nagtaka naman ako, anong problema ng mga tao dito?
"Ano yun?"tanong ko kay Chord pero nginisihan lang ako ng loko.
"Sumama kana, alam noon kong anong bibilhin, matalino yun." sagot niya lang at tinulak na ako para lumabas.
Waalan ja, bahay po namin to baka naman.
Napa ismid na lang ako at lumabas na ng tuluyan, paglabas ng gate ay nakita ko si Chance sa tabi ng motor nito ng nakasandal at mukhang inaantay ako. Halata ang pagkabagot sa mukha ng lalaki, para siyang modelo ng motor yung badboy or gangster ganun tapos hinihintay niya yung girlfriend niya.
Ehh ano ba yan, kinilig ako ng konti-konti lang,super slight lang talaga.
Ngumiti naman ako ng makarating sa harap niya.
"Wag kang ngumiti para kang tanga." asar niyang sabi kaya na pangiti tuloy ako lalo.
"Bilisan mo, mamaya lang gutom na si Chord." sabi niya at sumakay na sa motor at naghelmet,nilahad ko naman ang kamay ko.
"Bakit?"
"Helmet."
Tinuro niya naman yung helmet ni Chord kaya kinuha kuna ito at sumakay.
"And please, NEVER EVER touch me."pahabol niya ng may diin, napaismid na lang tuloy ako.
Suplado talaga.
"Oo na po." sagot ko ng may halong sarkastimo, tumango lang siya bilang sagot at mabilis ng pinaandar ang motor, tudo kapit naman ako sa hawakan sa likod.
"Mamaaaaaa, mamaaa kooo."
"Ayaw ko pa pong mamatayy."
"Lord please, may balak pa po akong mag-asawaaaaa."
"Nandito na tayo." walang kabuhay-buhay niyang sabi.
Wala akong alam kong anong nangyari, ang bilis ng takbo namin, pakiramdam ko natapik ako ni kamatayan at nag-round-trip sa impyerno. Tumingin naman ako sa kanya sasamaan kuna sana siya ng tingin ng makita kong naiinis na siya.
Wow hah, muntik na kaya akong mamatay.
Wala akong pakialam sa tingin sa akin ng mga tao, amat-amat akong bumaba sa motor, pakiramdam ko susuka ako ano mang oras. Samantalang yung ghostrider ayon tamang sabit lang ng helmet tapos talikod na, akala mo walang nangyari.
Huminga naman ako ng malalim para mawala yung kaba ko pati yung hilo ko bago ko sinabit yung helmet at sumunod sa driver ko.
Nang makahabol ako sa likod niya bago ko napansin ang mga tao na tumitingin sa kanya, marami ang nagtataka pero mas marami ang humahanga.
"Pogi bili ka dito."
"Pogi dito mura lang."
"Dito pogi 20% discount." sabi ni aling Malba.
Tumingin naman si ghostrider kay aling Malba at mukhang sinuri ito bago tumingin sa mga gulay na nakadisplay. Kilala ko si aling Malba dahil laging bumibili sa kanya si mama pero alam ng lahat dito sa palengke na triple siya kong mag presyo sa mga paninda niya, kahit na sabihing fresh lahat yun.
Napairap lang ako.
Wag kang bumili, kurakot yang baboy na yan lalo na yung anak niyang Angel ang pangalan demonyita naman.
Umiling naman si Chance bago tumalikod at umalis kaya naman ngiting tagumpay ako. Nang madaanan ko ang pwesto niya ay nginisihan ko lang siya, alam kong sobrang childish ng ginagawa ko pero mas malala kong manglait tong mga tanong to.
"Kuya dito po buy 1 take me, este buy 1 take 1 po." malanding tawag ni Joice kay Chance,kaya napairap lang ako. Hindi ko alam kong paano nangyari pero naging tunog kiyaw tuloy yung bosses niya sa pandinig ko, sakit sa tenga.
Huminto ulit si ghostrider at tumingin sa mga paninda.
"I want this, this, this, this, this, and this." turo niya sa mga gulay na nakadisplay.
"And I don't need a take 1, just 1 kilo each." supladong sabi ng lalaki na nasa harapan ko,tudo ngiti naman yung babaeng ahas sa harap akala mo nanalo sa lotto.
Binayaran na ni Chance at kinuha yung pinamili bago humarap sa akin.
"Are you going to buy anything else?"
Umiling naman ako kaya tumango lang siya, at yung tingin sa amin ng tao parang nakakita ng multo. Dumiretso na si Chance hahabol na rin sana ako ng may bilang humawak sa braso ko kaya napalingon ako.
"Kilala mo pala yun? Anong pangalan niya? Saan nakatira? Pakilala mo naman ako." tuloy-tuloy na tanong ni Joice sa akin.
I close my lips and made a flat smile before answering.
"Oo, kaibigan ko si Chance, doon nakatira sa bahay. Pero hindi ko alam, diba may boyfriend kana?" sagot ko at balik din ng tanong sa kanya.
"Ano kaba may problema kami ngayon ni Jason, tsaka nawawalan na din ako ng gana sa kanya." sagot niya habang sinisilip pa ang likod ni Chance, napa iling lang ako.
Nawawalan ng gana, o dahil may bago kana namang prospect.
"Pakilala mo ako hah."
"Hindi ko alam."
"Grabe naman, baka ayaw mo lang tsaka sigurado naman ako hindi kayo kasi hindi ka niya magugustuhan, ang pangit mo kaya." ngumiti naman ako ng mapait.
"Tsaka alam kong may ingit ka sa akin kasi mas maganda ako sayo at mas pinili ako ni Jason pero wag ka namang gahaman, sigurado akong magugustuhan ako noong kaibigan mo, dadaan ako mamaya sa inyo." dugtong niya na mas lalong nagpapait ng ngiti ko.
It doesn't hurt, it really doesn't.
Humugot ako ng malalim na hininga para sana sagutin siya ng biglang sumingit si aling Malba.
"Oo nga naman Nine, aminin na natin pangit ka talaga, kaya wag kanang umasa na magugustuhan ka ng lalaking yun, papupuntahin ko din mamaya si Angel ko at siguradong magugustuhan yun ng kaibigan mo."
Hindi ko alam ang sasabihin, dahil hindi lang si aling Malba ang nagsalita dahil halos lahat ng nakapalibot sa amin ay nakisawsaw na din, at lahat ay hindi pinalampas ang mga kapintasan ko sa buhay.
Gusto ko pang panghawakan yung ngiti na dala ng mga labi ko pero pakiramdam ko amat-amat akong nabubulunan at humahapdi ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak.
"What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap, aalis na tayo nabili kuna lahat." boses ni Chance ang narinig ko sa unahan kaya nahawan naman ang tao at huminto siya sa harap ko, ang madaming plastic.
"Let's go it's quarter to twelve, siguradong gutom na yung pulubi na nasa bahay." halatang inis na sabi niya at tumalikod na, susunod na sana ako ng maramdaman kong nakahawak pa din sa braso ko si Joice kaya naman nilingon ko siya.
"Alam mo kasi Nine yung pangarapin mo yung mga kagaya mo lang, basta pupunta ako sa bahay niyo mamaya. Dapat maraming pagkain hah." dagdag ni Joice, gustong-gusto kong umirap kahit na gusto kunang umiyak.
Hindi ko alam kong saan niya nakukuha yung kapal ng mukha niya, na manglait sa akin tapos magrerequest pa ng pagkain. Piniksi ko na lang ang kamay niya at umalis na sa loob ng palengke.
Ng makalabas ako ay naka-upo na sa motor niya si Chance at handa ng umalis kaya binilisan kuna ang lakad ko at sinout yung helmet bago sumakay sa motor.
Buong byahe akong tulala, iniisip ko pa din yung nangyari kanina sa palengke at kong kelan kami makakarating ng mabilis, hindi ko alam kong bakit hindi nawawalan ng mga ganoong tao sa lipunan, yung walang ibang kayang gawin maliban sa manglait ng kapwa nila tao.
Buong byaheng mabigat ang dibdib ko at hinihintay na lang na makababa.
Nang makarating kami ay bumaba lang ako ng tahimik at diretso ng pumasok sa kabahayan, binilin ko lang na maraming bisita mamayang hapon ang darating, at sila na ang bahala sa kusina bago ako umakyat ng tahimik at pumasok sa kwarto ko.
Pagbagsak ng katawan ko sa kama, doon na bumuhos yung luha ko.
Ang sakit sobra, ngayon mas narealize kuna wala na talaga si mama, never na nangyaring nalait ako sa palengke dahil puros mga kaedaran ko lang naman yung nanglalait at nangbubully sa akin dati samantalang kanina halos lahat ng tao sa palengke sinabihan ako na ang pangit ko, at hindi ako pwedeng mangarap dahil lang sa pangit ako. Siguro kaya din walang mas matanda na nanglalait sa akin dati dahil mabait si mama at lahat ng lumalapit sa amin ay tinutulungan niya gaano man kalaki o kaliit ang kinakailangang tulong.
Hindi ko alam kong ilang minuto o oras akong umiyak dahil nagising na lang ako sa samot-saring ingay galing sa labas ng kwarto ko kaya naman lumabas ako habang kinukusot pa ang mata ko.
Ng makita ko si Angel sa baba ng hagdan kasama ang mga kaibigan niya ay doon ko lang narealize na pupunta nga pala sila ngayon. Nilibot ko ang mata ko sa paligid, karamihan ng bisita ay babae at konti lang ang lalaki.
Nakita ko naman si Joice sa may sofa katabi ni Chance at mukhang kinakausap ito pero halata namang walang paki si Chance sa katabi. Hinanap ng mata ko sa Chord ng makita ko siya sa pintuan ng kusina.
"Gising kana pala, gusto mong kumain?" pasigaw na tanong sa akin ni Chord kaya naman napatingin sa akin ang lahat ng nasa loob ng bahay.
Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka, naka apron kasi siya tapos pink pa, ang cute niya tuloy. Nabaling lang ang tingin ko kay Chance dahil sa malakas na tunog dahil sa pagsara niya ng aklat na hawak niya at tumayo, humarap naman niya sa akin.
"Let's go, I'll cook you food." turo niya sa kusina gamit ang ulo niya. Tumaas lang ang kilay ko.
Tahimik lang ang lahat at matamang nakikiusisa sa mga mangyayari. Lumakad na si Chance papunta ng kusina ng tumayo din si Joice at nagsalita.
"Chance gusto mong tulungan kita?" lambing niya at paliit pa ng boses kaya napangiwi lang ako.
"You know what i hate most? It's snakes especially serpent and please do me a favour I really hate snakes like you." sagot ni Chance kay Joice ng humarap sa babae.
Ouch, masakit yun.
Masakit mapahiya sa madaming tao lalo na kong lahat ay talagang nakikinig at hinihintay lang na magkamali o bumagsak ka. Nakikita ko yung sakit sa mata ni Joice, alam ko yung pakiramdam dahil lagi ako sa posisyon na yun.
"And please do not act so innocent, kasi kong ako sa lahat sa inyo hindi na ako pumasok sa bahay na to lalo na at isa kayo sa mga nanglalait sa kanya. I heard everything you said about her in the market, how disappointing. " yun lang at tumalikod na si Chance papasok sa kusina.
Aminin ko man at hindi natuwa ako sa sinabi ni Chance, pili lang kasi sa bilang ng daliri ang mga taong nagtatanggol sa akin at sobrang na appreciate ko yung mga sinabi niya.
"Sandali, sandaliiii." biglang sabi ni Chord at dumiretso sa pintuan banda.
"Mga kababayan gustong-gusto kuna kayong ipalabas sa bahay na to pero gusto ko lang din magbigay ng warning."
"Princesa namin ni Chance si Nine kaya kahit sinong manglait at magsabi ng masama tungkol sa kanya sisiguraduhin namin na paglalamayan kayo sa paraang kahit kelan ay hindi sumagi sa isip niyo."sabi lang ni Chord at nilahad na ang kamay palabas, tahimik namang lumabas ang mga bisita pero tumitingin muna sila sa akin bago kay Chord at tuluyan ng lalabas.
Nasa hulihan naman sila kuya Joash kasama niya ang mga kaibigan niya, kaya ngumiti ako sa kanila.
"Pasensya na Nine hindi ka namin na pagtanggol, hindi kasi namin alam na umuwi ka." sabi ni kuya Joash.
"Oo nga, pasensya na talaga." dagdag ni kuya remark.
"Salamat din sa pagtatanggol kay Nine, madami kasi talagang mga manlalait dito." sabi ni kuya Remark kay Chord, tumango naman ang isa.
Ngumiti lang ako sa kanila at kumaway, nangako naman silang babalik kapag wala na silang ginagawa.
Nang makalabas lahat ng bisita ay dumiretso na ako sa kusina. Nakita ko naman nakatalikod si Chance habang nakasuot ng apron at nagluluto. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.
Sweet!
"Sabi sayong wag mong tititigan eh."