Chapter 4.

3398 Words
Nine pov: Nagsimula na ang laro at si Lauryl ang titira, pero dahil hindi siya marunong maglaro ng volleyball ay hindi niya natamaan ang bola sa unang subok, pangalawang beses...tinamaan ang bola pero hanggang harapan niya lang kaya naman nagtawanan sila Dara at ang lahat ng nanonood. "Ano ba naman yan Lauryl, nerd kana nga lampa kapa." sabi ng isang babae sa kabilang grupo at varsity player. Nanlumo naman si Lauryl dahil unang puntos ay napunta sa kalaban. "Sorry guys." "Ayos lang, babawi tayo." confident na sabi ni Haira. "Kaya nga, sakin lang yang mga yan tingnan natin kong makapagsalita pa sila." nanggigigil na sabi ni Jenna. Tahimik naman sila Alice at Alex na nag-iisip kong paano matatalo ang kabilang grupo. Tss, lintik lang talaga ang walang ganti. Nagpatuloy ang laro, pero dahil magagaling ang kalaban namin at nahihirapan kaming saluhin ang mga tira nila kahit na sabihing magaling na blocker si Alice at Haira, wala din akong masabi sa pagset ni Alex, at pagsalo ng tira ni Jenna dito sa likod dahil siya ang libero namin, sa grupo namin ako lang ata at si Lauryl ang walang silbi dito, tamang tayo lang tingin kong saan magbagsak yung bola pero mas okey naman ako kesa kay Lauryl. "Ahhh." biglang sabi ni Lauryl habang tumatakbo palabas ng court dahil sa kanya papunta yung bola. Kahit hindi ko gustong tumawa ay napapangiti tuloy ako, mukha kasi siyang nakakita ng ipis ang pangit pa naman ng mukha niya. "Ayusin mo, mukha kang palaka." sabi ko habang tumatawa. Pangatlong beses na itong nangyari dahil siya ang pinupunterya ng kalaban kanina pa. Sumeryo naman siya, at tumingin sa akin ng masama. Malapit ng matapos ang laro at dehado kami dahil lima ang lamang nila sa amin samantalang 4 na puntos na lang ang kulang para manalo sila, panay naman ang cheer sa kanila ng mga kaklase naming nanunood lalo na yung mga lalaki. "Galingan niyo Dara, talunin niyo yang mga pangit na yan." "Galing mo Kris." "Spike pa Aliya." Napairap nalang ako sabay iling, ang mga palaka nga naman tuwang-tuwa sa nangyayari. "Tama na ang laro, kailangan nating manalo, Lauryl ayusin muna." seryosong sabi ni Jenna, bumalik ulit kami sa posisyon namin noong umpisa, si Lauryl ulit ang titira. "Pakilakas naman Lauryl yung tira yung makalusot manlang dito sa kabilang net." sabi ng varsity player na kaklase namin, tumingin naman ako kay Lauryl hindi niya naman pinansin yung babae at pumusisyon na samantalang sa kabilang court naman ay nakatingin lang sila sa amin na parang bored na bored. Tumira na si Lauryl, isang tira na lampas lang isang dangkal ang taas sa net, diretso namang tinamaan yung babaeng varsity sa mukha at natumba dahil sa pagkabigla, napangiwi at sabay-sabay kaming ngumiti nila, Jenna, Haira, Alice, Alex at Lauryl. "The game is just starting." sabay-sabay naming sabi kaya patingin sa amin ang nasa kabilang grupo at mga nanunood kahit na abala sila sa tinamaan ng bola sa mukha. Nang makitang maayos ang mukha noong player at tumayo na kasama ang mga nasa kabilang grupo at pumusisyon para dumepensa kaya napakurba naman ang ngiti ko ng hindi ko naman sinasadya. "Nakatsamba ka lang, isa pa nga tingnan natin kong maipasok mo pa yan." Tumira ulit si Lauryl ng parehas na tira, mabilis at pabulusok ito pero hindi masyadong mataas dahil kalahating dangkal lang ang taas nito sa net, sunod na tinamaan si Dara at muli ay ngumiti na naman kaming lahat. Pagkatapos ng tirang yun ay sumeryoso na sila sa kabilang grupo. Sumunod na tumira si Lauryl ay nareceive na nila at naibalik sa amin pero dahil magaling si Haira at Alice mabilis nilang nablock ang spike na paparating kaya bumalik sa kanila ang bola at nasalo pa ng pangatlong tao na nagbabantay sa harap kaya nagset ulit sila hindi naman yun inasahan nila Alice pero nasalo naman ni Jenna at nagdive pa para lang hindi ito mahulog sa sahig, pag-angat sa eri ay diniretso ni Lauryl ang bola pabalik sa kalaban, mabilis yun at bumagsak sa pinakadulong corner ng box, kaya napunta sa amin ang puntos. Uminit na ang laban at parehas na seryoso ang bawat grupo, nahabol namin ang limang puntos na kulang namin dahil sa mga tira ni Lauryl, pero ng hindi namin masalo ang bola at bumagsak ay nakabawi sila, isang puntos na lang ang kulang at mananalo na sila samantalang dalawan puntos pa ang kailangan para manalo kami. Tumira ang kalaban at mabilis yung nareceive ni Jenna kaya sinet kuna ang bola, pineke naman ni Lauryl ang pagtira bago tinira ni Alex pabalik sa akin at binalik ko sa kabila, sakto lang sa tabi ng net kaya ng masalo nila ay lumabas na ang bola, puntos namin. Alice ang tumitira mabilis lang at sumayad na ang bola sa sahig, at puntos na naman namin, isa nalang ang kulang ng bawat grupo. Nang tumira si Alice ay nasalo ng paa ni Dara dahil sa mababa lang ito, lumipad ang bola sa eri at tinira naman ng nasa harapan nila para iset at isang malakas na spike, sinalo naman ni Jenna ang tira, sinet ni Alice at tinira ni Haira galing sa labas, mabilis ang bola dahil sumayad pa ito sa net pero pumasok kaso lang nasalo din ng kabila grupo at tinira pabalik, nasalo naman ni Haira at binigay kay Alex para maset, paglipad ng bola sa taas ay ang sabay na pagtalon ko at ng dalawang kalaban namin para ibock yung tira, pero hinulog ko lang iyon ulit sa gilid ng net, ngunit nakabantay naman ang isa nilang kakampi kaya nasalo ng maayos yung bola at inispike pabalik sa amin pero mabilis na naharang yun ni Alex kaya bumalik sa kanila yung bola at nalaglag sa semento, panalo na kami pero kailangan pa ng isang puntos. Dito malalaman kong sino ang mananalo. Dalawang puntos pa para manalo kami. Naging tahimik naman ang paligid at mas nagseryoso ang lahat, para kaming naglalaban para sa Olympic kahit na laro-laro lang naman to, pero syempre para to sa grade. Bola namin at tinira na ni Haira, palobo yun, lumipad ang bola sa mataas bago bumulusok sa baba Ng diretso, nasalo ng kalaban maayos na binalik sa amin pero binalik ni Alice ng spike pero bumalik din sa amin kaagad dahil mabilis nilang nablock, bumagsak ang bola sa semento dahil hindi namin nabantayan kaya kanila ang puntos, naghiyawan naman ang mga manonood, kaya tumahimik kami dahil kailangan naming bumawi ng lakas dahil sa pagod, hindi kasi pwedeng makipagpalit si April dahil magbali siya sa paa, kaya kailangan naming tiisin ang pagod. Tumira si Dara mabilis din yun at pabulusok, bumagsak sa may gilid at hindi namin nasalo kaya sa kanila ang puntos. Kinakabahan na ang lahat dahil isa na lang ang kulang nila samantalang dalawa pa ang amin. Tumira ulit si Dara pero ngayon nasalo na ni Jenna at naibalik sa kalaban at nagset nanaman sila bago binalik sa amin gamit ng spike, mabilis na sumayad ang bola sa sahig ng hindi namin nasasalo. Nagsigawan ang mga nanunood, samantalang tumahimik naman kami habang bakas naman sa mga mukha ng kalaban namin ang tuwa at pang-uuyam. "Okey guys listen, congratulations sa mga nanalo at better luck next time naman sa mga natalo ganun talaga kapag laro may mananalo at natatalo, wag kayong mag-alala base on performance ang grade so kung magaling kayo, mataas ang grades niyo, yun lang at goodluck sa exam. "sabi ni ma'am bago tumalikod at lumabas na ng gym kasama ng iba naming kaklase. Nandito naman kami sa bench para mag pahinga dahil sa sobrang pagod. "Hay, tagal ko na ring hindi naglalaro. Akala ko pa naman malaki yung agwat pero ayos lang dikit lang yung laban." sabi ni Jenna habang nagpupunas ng pawis. "Pasensya na wala akong natulong." nanlulumo namang sabi ni April. "Ano kaba ayos lang nag-enjoy naman tayong lahat." paliwanag ko. "So kamusta ang pakiramdam ng isang looser?" biglang sabi ni Dara ng dumaan sa harap namin at huminto. Ano ba tong babae na ito, talo pa yung media daming pasegway sa buhay. "Pwede ba Dara pagod tayong lahat, pagpahingahin mo muna yang sarili mo." maangas na sagot ni Haira at tumayo pa para pantayan ito. "Ano ba don't come near me, nagmamantika ka kaya, bakit ba kasi pinapapasok ang balyena dito." "Bakit hindi mo ba alam, animal school to. Hindi nga kami nagreklamo na mukha kang unggoy at laging may mga nakasunod sayong palaka tapos pagsasabihan mo kami." singit ko at tumayo na habang bitbit ang bag ko at umalis doon, nakasunod naman sa akin sila Haira. "Shalla ka Nine, may pa walk out ang mga pangit." asar sa akin ni Haira ng maabutan ako. Ngumiti naman ako sa kanya, at hindi na pinansin si Dara habang tinatawag ako. Pagod ako kaya ayaw kong makipag-away ngayon at ayaw ko din munang patulan si Dara. Pagkatapos naming maligo ay bumili kaagad kami ng pagkain para mamayang lunch, plano naming matulog sa manggahan dahil mamayang alas-tres pa ang klase namin, huli na din to dahil finals na ang susunod. Nandito sa may manggahan at lahat kami ay nakapatong ang ulo sa mesa at hinahanap si Tulog dahil sa pagod. Naalimpungatan ako ng marinig ko bumubungisngis at nagbubulungan ang mga nasa paligid ko kaya naman nagmulat ako ng mata pero bigla naman akong naduling dahil sa sobrang lapit ng mukha na nasa harapan ko. Eoun? Napa-upo naman ako ng tuwid kahit na kagigisng ko palang, tumingin ako sa lalaking nakahiga ang ulo sa mesa. "Anong-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil umupo na din siya at nilapit sa harap ko ang isang tubig at tray na puno ng pagkain. Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo?" "Binibigyan ka ng pagkain." "Bakit mo nga ako binibigyan ng pagkain?" pikon kong tanong kahit hindi naman siya nang-aasar. "Hindi ko ba nasabi?" tanong niya habang kinakamot ang likod ng leeg, mukha tuloy siyang batang pinapagalitan. "Manliligaw ako, hindi ko pa alam kong paano pero-basta liligawan kita." "Hindi ngayon kasi patapos na ang taon pero next year, gusto ko lang gawaing pormal."mabilis na sabi niya bago tumayo at umalis ng walang lingon-lingon. Napatingin naman ako kila Jenna dahil humahagikhik sila habang nakatingin sa akin. "Aminin mo, kinilig ka no. Uyy namumula." asar sa akin ni Jenna at ngumisi pa kaya naman napahawak ako sa pisngi ko ng wala oras. "Wala naman ah." "Hahahaha, hinawakan mo talaga? Pero aminin mo gwapo si Euon no." nang-uuyam na sabi ni Alice at tinaas baba pa ang mga kilay kaya naman napaismid ako. "Anong gwapo sa unggoy na yun, mga bulag kayo." singhal ko bago buksan yung pagkain na binigay niya, kaya naman kahit gusto kong ngumiti ay pinigilan ko dahil baka mas asarin pa nila ako. Tsss, anong gwapo baka ghoster. Nandito kami sa classroom at hinihintay si ma'am dahil siya nalang ang huling klase namin dahil exam na namin next week, hindi din namin alam kong para saan ang klase dahil tapos na namin yung mga topics namin sa history. Tahimik ang lahat dahil siguro sa pagod kahit sila Dara ay tahimik lang at tulog kasama ng mga kakampi niya kanina. "Good Afternoon class, wake up. Alam kong napagod kayo kanina napanood ko yung laro niyo at masasabi kong magagaling kayo lahat." bati sa amin ng history teacher namin. Gumising na rin ang ilan samantalang ginising naman ng iba yung mga tulog pa. "Actually farewell class na natin to dahil hindi ako ang magiging proctor niyo para sa exam kaya wala tayong gagawin pero may itatanong lang ako. Siguradong kasama to sa exam dahil ako pa din naman ang gumawa ng exam niyo kahit hindi ako ang titingin sa inyo. " "So shall we start, my one and only question is... What is the significance of history base on your understanding?" "Write it in a 1/4 sheet of paper then pass it on me, gusto kong malaman kong ano ang iniisip niyo tungkol sa subject na tinuturo ko, by the way you can go out when your done." "Ma'am pwedeng tagalog?" "Yes." "Ma'am pwedeng taglish." "Oo, basta maintindihan ko, kahit cebuano, ilongo kong ano pa yan basta mabasa." "Saan daw isulat?" bulong ng kaklase ko na nasa harapan ko. "Ano ba yan class, hay mag-gigrade 10 na lang kayo mga bingi pa din kayo, panglinisan niyo yang mga teanga niyo sa bakasyon." "Uulitin ko, isulat sa 1/4 sheet ng papel ang sagot niyo, kahit anong language ang gamitin basta mababasa ko. Uulitin ko ang tanong 'Ano ang kabuluhan para sa inyo ng kasaysayan?' nakuha? Be creative as possible kong pwede. Kung gusto niyong ikumpara siya sa ex niyo pwede, sa puno o sa halaman pwede din, basta gawan niyo ng something unusual." Kanina ko pa iniisip yung tanong, hayy, mukang hindi lang ako mahina sa math pati sa history mahina din ako. "Ano daw ulit yung tanong?" Napa-iling na lang ako sa kaklase kong nagtatanong sa katabi niya, minsan talaga may mga kaklase tayong inulit mo na nga yong tanong ipapaulit niya ulit ng sampung beses. "Para sa akin ang kabuluhan ng kasaysayan ay parang ex ko lang na niloko ako, gaano man kapait, kasakit o kasaya ang mga pinagsamahan namin, ito ay mananatiling nakaraan at lahat ng mga aral na natutunan ko at alaala na kasama siya ay kailangan kong dahil para hindi maulit ang mga nangyari sa nakaraan at magamit ko na rin para mag bigay aral sa iba." "Ang mga aral na yun kasama ng iba pang mga aral na natutunan ko ang magiging pundasyon na kakapitan ko sa mga bagong hamon na haharapin ko sa buhay." mabagal kong usal para makasabay ang kamay ko sa iniisip ko. Nang matapos ako tumayo na ako samantalang kasunod ko ding tumayo si Lauryl. Nagpaalam naman kami kela Jenna bago kami lumabas ng silid. Uuwi na ako, wala ng gagawin sa bahay pero feeling ko kulang ang tulog ko kanina. "Ryl anong sagot mo kanina?" "Hmm, para sa kin...isang aklat ang kasaysayan dahil na ukit dito ang lahat ng pangyayari na mag I bigay aral at magsasabi kong sino tayo bilang mamamayan ng isang lugar, nagbibigay din ito ng napakaraming impormasyon ukol sa nakaraan na naging resulta ng kasalukuyan. " "Hmmm, wala din kasi akong maisip eh, ikaw ba?" "Basta sinabi ko lang yung kabuluhan ng kasaysayan parang ex ko, manloloko." nagbibiro kong sabi. "Aray, bat mo ko binatukan." I is kong tanong kay Lauryl habang hawak yung ulo ko. Sakit noon ah. "Wala kang ex remember?" "Anong wala? Meron kaya." "Sige sino aber? Si ano- tss, so ano ba?" "Sino nga?" "Ahh, sige wag na nga." Sabay naman kaming tumawa sa sagot ko. "Gusto mo bang sumabay sa akin?" tanong sa akin ni Lauryl dahil nandito na kami sa hallway at malapit na kami sa parking area. "Hindi na, magkakacab ako." "Ganun ba, sige. See you next week." "Oo, goodluck sa atin. Ang mababa sa exam magpa Al-rajaz." "Sige, sige galingan mo." "Ah, ewan ko sayo." sabay talikod kuna at kumaway na lang. May kainan kasi dito sa labas ng school na masarap tsaka mura pa, laging punuan kaya minsan kahit gusto naming bumili ay pinababayaan ko nalang, nakakatamad kasi maghintay dahil madami ang bumibili, ang resulta matagal ang serving mga isang oras. Wala namang problema sa amin ni Lauryl kahit hindi sosyal sabi nga nila 'quality over quantity' paborito din namin yung kaninan, malakas lang talaga makaubos ng pasensya minsan kaya hindi kami dumadaan doon, kasi kapag dumaan kami kahit na madami ang nakapila napapabili talaga kami. Someone pov: "Boss na locate na po namin kong saan nakatira yung mag-ina." "Good, good. Sa tingin mo kapag namatay ba ang nanay nang isang sisiw ay mabubuhay pa din siya?" "Opo boss, base po sa mga manok namin sa bahay buhay naman po." "Ganun ba, sige. Sa tingin ko panahon na para magbawas ng mga kaaway." "Alam muna ang gagawin, makakaalis kana." Inikot naman ng lalaki ang swivel chair at humarap sa likod at tingin sa larawan ng isang lalaki samantalang tahimik na umalis ang kausap. "Sandali na lang Pa at makakaganti na din tayo sa kanila. Kaunting panahon na lang." "Manang!" sigaw ng lalaki galing sa kwarto at humahagos namang pumasok ang matandang babae. "Ano po yun sir?" "Please call the young man up stairs." "Sige po sir." Patuloy na tinititigan ng lalaki ang larawan at inaalala ang nakaraan ng maputol ito ng katok galing sa pintuan. "Pasok." pasigaw na sabi ng lalaki para marinig galing sa labas, inikot niya na rin ang upuan para makaharap ang lalaki. "Pa, pinapatawag niyo daw ako." "Nagawa muna ba ang pinapagawa ko?" "Opo, nasimulan kuna pero hindi ko pa po binibigla." "Mabuti, pag-igihan mo." Tumango naman ang binata bilang sagot. "Makakaalis kana." Nine pov: Nandito ako sa loob ng cab, actually buti nga nakasakay ako kaagad bigla kasing bumagsak yung ulan, mabilis lang. Hay balak ko pa namang magscan ng review ngayon, nakareview na kasi ako nakaraan kaya scan na lang para hayahay ang buhay ko this weekend, pero mukhang hindi umaayon ang tadhana mas masarap makipagyakapan sa unan kapag ganitong maulan dahil malamig. Hay, sobrang nakakarelax tong araw na to, siguro dahil mahaba-haba yung tulog ko kanina, hindi naman kasi laging nangyayari yun, ang sarap pakinggan ng kanta na pinapatugtug ni manong driver sa fm habang naririnig ang malakas na buhos ng ulan. Nakakarelax. Nagbayad na ako sa driver at patakbong pumasok sa gate namin at dali-daling binuksan ang pintuan. "Ma? Ma?" tawag ko kay mama dahil alam kong wala siyang ginagawa ngayon dahil malapit na ang bakasyon at pinapagpagan ko ang sarili ko dahil sobrang nasa kuna kahit na sandali lang akong naulanan. "Ma, asan k-" nabitin ang sasabihin ko ng makita ko ang buong bahay. Basag-basag ang mga gamit, pati yung tv butas, mabilis naman akong kumilos at hinanap si mama kahit na naguguluhan. Anong nangyayari? May magnanakaw bang pumasok, asan si mama? "Ma!" malakas at walang pakialam kong sigaw dahil sa matinding kaba at takot. "Ma, asan ka?" patuloy kong tawag habang hinahaloghog ang buong kusina. Nang maisip ko na wala siya sa baba ay patakbo akong umakyat at malakas na binuksan ang pintuan ng kwarto niya. "Ma?" Yung takot na naramdaman ko biglang nawala dahil napalitan yun ng sakit, at tumigil ang mundo ko para akong biglang nalusaw ng makita ko ang kalagayan niya, puro dugo ang buong katawan niya at nakamulat ang mata habang nakahiga sa sahig. "Ma." tawag ko habang amat-amat na lumalapit, nagbabaka sakali na magsalita o gumalaw man lang siya. Niyakap ko siya nang mahigpit habang unuuga para magising. "Ma gising, itatakbo kita sa hospital, ma!" "Ma, bumangon ka please, sige na magpapakabait na ako promise gumising ka lang." "Wag mo akong iwan, hindi ko kaya Maaaa!" Hindi ko alam kong anong uunahin ko, paulit-ulit kong nabitawan ang cellphone ko dahil sa malabo kong paningin at sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yun. Patuloy ko siyang niyayakap at ginising habang nagdadial ng numero para makahingi ng tulong. "Ma, pleaseeee. Wag ngayon kailangan pa kita diba sabi mo tutulungan mo ako sa pagiging mafia. Please, please bumangon kana." Para akong batang nagmamaktol dahil hindi nabilihan ng manika, pero yung sakit paulit-ulit na humihilab sa puso ko. Hindi ko alam kong gaano ako tumagal sa posisyon na yun at puro iyak lang ang ginawa ko, hanggang makarating yung ambulance, pero wala ng buhay si mama. Nakatulala lang ako habang nilalabas nila si mama sa stretcher, malakas yung ulan pero wala akong pakialam dahil sa sakit at lungkot, wala akong pakialam kong mabasa ako at magkasakit kasi baka bukas wala na tong panaginip na to, baka bukas nandyan na ulit siya para alagaan ako, nandyan na siya para bigyan ako ng advice, baka nandyan na siya para lambingin ako, ang daming baka pero alam kong hindi na mangyayari kahit kelan. Napatingala ako sa kalangitan, sobrang dilim noon pero doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon parang nawala ang kalahati ng katawan ko na siyang dahilan para patuloy akong mabuhay. Ma balik kana please, sige na hindi ko pa po kaya. Paano na ako? Alam mo namang mahal na mahal kita. That day, my bestfriend, best buddy, best advicer, coach, partner in crime, my best enemy, my MOTHER died.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD