Chapter 4

2761 Words
Chapter 4 Paunang Engkwentro |ANDRASTE| DUMATING ang oras ng uwian. Hindi pa din maayos ang paglalakad ko dahil masakit pa din ang aking sakong. Pipilay pilay pa din akong naglalakad. Habang naglalakad papunta sa gate ng campus ay hindi pa din naaalis sa isip ko iyong nakita ko sa mga mata ni Haylal. Maging ang pangalan niya ay kanina pa naglalaro sa isip ko. Hindi ko rin maintindihan ang kung anong pakiramdam ang bigla kong naramdaman nang magtama ang mga mata namin. Kakaiba at bago sa akin. "Andraste?!" Napahinto ako sa paglalakad at napalingon nang may tumawag sa pangalan ko. Bumungad sa akin ang nakangiti habang tumatakbo at kumakaway pa na si Carmine. "Why didn't you wait for me? I told you to wait for me kaya," nakanguso ito habang nakahalukipkip at tunog nagmamaktol nang abutan ako sa aking kinatatayuan. "Pasensya na, may iniisip kasi ako kaya napalis sa isip ko na sabay tayo." Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko. "Anong iniisip mo? If you're thinking about those bitches, huwag mo na pag-aksayahan ng panahon ang mga yun. Hayaan mo na lang sila dahil hindi ka nila kayang ibaba sa level nila. Okay?" Ngumiti siya sa akin na may paninigurado at tinapik pa ako sa balikat. Ngumiti lang ako pabalik pero hindi pa din nun napalis yung pag-aalala ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang inaalalayan niya ako sa paglalakad. Narating namin ang labas ng campus, napansin kong hindi pa din niya ako binibitawan. "Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" Natigilan siya kaya maging ako ay natigil din sa paglalakad. Nilingon niya ako na may pagtataka pero kalaunan ay ngumiti din. "Uuwi, pero mamaya pa. Ihahatid muna kita sa bahay niyo." Tutuloy na sana siya muli sa paglalakad pero hindi ako umusad kaya binalikan niya ako ng tingin. "Kaya ko na ang sarili ko. Iwan mo na lang ako dito." Medyo lumayo na ako sa kanya kaya napabitaw siya sa pag-alalay sa akin. Nag-umpisa na akong maglakad na mabagal pa din ang naging pag-usad. "No, I won't allow it. Whether you like or not, ihahatid kita." Tumakbo siya palapit sa akin saka ako muling hinawakan. Ganito ba talaga siya kakulit? Bakit sobrang nag-iinsist siya? "Bakit mo ba ginagawa 'to?" Napatingin siya sa itaas at kunwari'y nag-iisip tapos ngumiti siya ng malapad bago humarap sa akin. "I feel like doing it. So please, huwag mo na ako i-reject. Please, please?" Nakadaop pa ang mga palad niya na parang nagdadasal. "Pagbigyan mo na Andraste, minsan lang siya maging clingy sa isang tao. Ako nga na best friend niya, hindi niya magawang maging sweet man lang." "And what are you doing here?" Nilingon namin pareho ang lalaking nakatayo sa likuran ni Carmine. Nakangisi ito kay Carmine na tipong nang-aasar. "Siyempre kung nasaan ka, nandun din kami. Right, Haylal?" "Bitiwan mo akong hayop ka! Huwag mo akong isinasali sa putanginang kaabnormalan niyo!" Gulat akong napalingon sa taong nasa likuran ni Crimson. Nagwawala na siya dahil hirap siyang kumawala sa pagkakatali niya sa baywang ni Crimson. Nakatali siya sa isang elastic na tali? Hindi ko alam kung bakit ganyan ang itsura nilang dalawa. Nakabalot si Haylal ng coat ng uniform namin at itinali ang mahabang manggas nito na parang sa ginagawang pang-restrain sa mga baliw sa mental hospital. Tanging ang mga paa lang niya ang malayang nakakagalaw na kanina pa sipa ng sipa at gustong maglakad pabalik. "And why did you drag that crazy monkey with you?" "Sasama nga kasi kami. Si Haylal ang nag-insist. Diba Haylal?" Nilingon siya ni Crimson kaya napatigil ng panandalian si Haylal. "Putangina--mmmmppppphh!" Nanlaki ang mga mata ko nung astang kakagatin na ni Haylal si Crimson na mabilis sinupalpalan ni Crimson ng pandesal ang bibig ni Haylal kaya hindi ko na siya naintindihan pa. Anong klaseng tao yun, tao ba talaga siya? Medyo ninerbyos ako dahil sa nasaksihan at ang dalawa ko pang kasama ay parang sanay na sanay na sa ganitong eksena dahil kayang kaya nilang kontrolin ang nagwawalang si Haylal. Pinagpawisan na din ako ng malamig dahil sa kaba na baka ako naman ang atakihin niya at ang malala pa ay baka kagatin niya ako. "Kailangan ba talagang i-ganyan niyo siya?" Nanginginig na tanong ko sa dalawa. "Yeah we need to," napabuntong hininga pa si Carmine matapos sabihin yun. "Kung hindi ko kasi gagawin yan, malamang ay kanina pa niya ako tinakasan. And I have the permission from his parents so don't worry." Napangiti ako ng alangan sa sagot niya. Naawa naman ako kay Haylal kasi para siyang isang baliw sa lagay niya ngayon. "So, let's go? Ihahatid ka na namin." Nanguna na sa paglalakad si Crimson na medyo hirap sa pag-abante dahil hinihila siya ni Haylal paatras. At dahil nasa labas na kami ng campus, medyo nakakaagaw na kami ng atensyon sa mga tao sa labas dahil hindi sila sanay makakita ng gantong senaryo, parang ako. Sabi kasi ni Crimson at Carmine ay sanay na daw makita ng buong student body ang mga violent attitude ni Haylal kaya hindi nila ito nilalapitan o kinakausap dahil bukod siguro sa sanay na sila ay nakakatakot naman talaga. "Tangalin niyo tong lintek na blazer na nakatali sa akin. Kingina, Kulot. Tatamaan ka talaga sa akin." Ramdam ko ang gigil ni Haylal pero parang walang narinig si Crimson at tuloy lang sa paglalakad. Sumunod naman na kami ni Carmine sa paglalakad na medyo malayo sa dalawang lalaki kasi baka biglang makawala si Haylal ay bigla niya kaming atakihin. "Pwede ba akong magtanong?" "Sure," "Tungkol kay Haylal," napahagikgik si Carmine. "Don't think na baliw si Haylal dahil hindi. Oo malaki ang sapak niya sa utak pero it's his normal state. He is violent in actions and harsh in words pero he is a good person. Believe me, kung nakuha mo ang loob niya magkakasundo kayo." Kapag sinasabi niya parang napakadali lang pero habang tinitingnan ko ngayon kung paano magwala si Haylal para akong aatakihin sa puso. "Kapag patuloy kang sumama sa amin, malalaman mo kung ano ang sinasabi ko Andraste." Hindi na ako nagtanong pa at naglakad na ulit. Hindi na kami sumakay sa tricycle dahil malapit lang naman ang apartment na tinutuluyan ko. Nag-insist pa ulit si Carmine kanina na magtricycle na daw kami dahil naaawa na siya sa kalagayan ko ay tumanggi ako. Natigil ako sa paglalakad at napasinghap sa gulat nang may makitang kakaibang nilalang na dumaan bigla sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag pero para siyang laman lupa at nababalot ng itim na aura. Ibig sabihin ay mga demonyo sila. "May problema ba Andraste?" Tanong ni Carmine nang bigla akong huminto sa paglalakad. Hanggang sa ang isang nakita ko ay nadagdagan nang nadagdagan. Hanggang sa para na silang langgam na naglalakad sa harapan namin nang sunud-sunod. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa gulat ko. Magdadapit hapon na din kaya paniguradong mag-uumpisa nang maglipana ang iba't ibang uri ng demonyo. Matagal na panahon na nung huli akong makakita ng mga gantong uri ng demonyo. Bata pa ako noon at ang tanging ginagawa ko ay umiyak kapag nakakakita ako. Ibang klaseng mga nilalang kasi lagi kong nakikita, iyong maliliit at palipad lipad lang. Hindi iyong kasin laki ng isang bata. "What's wrong Andraste? Why are you crying?" Sa sobrang takot ko ata ay napaluha na ako. Nakita ko iyong dalawang lalaking kasama namin na medyo may kalayuan na sa amin. Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko at nanatiling tahimik. Dahil oras na makita ka at amgtama ang mga mata ninyo ay aatakihin ka nila. Ang malala pa ay, ang gawin ka nilang hapunan. "Andraste?" Medyo napalakas ang pagtawag sa akin ni Carmine na may pag-aalala sa kanyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko nung huminto sa paglalakad ang mga demonyo at sabay sabay lumingon sa amin. Napahakbang ako paatras na hindi pa din nagsasalita. Nanlilisik ang mga mata ng mga demonyo na nakatingin sa kinaroroonan namin. Hindi ko din naiwasan ang kanila tingin. Bigla akong napaupo sa kalsada at umaatras gamit ang aking mga kamay nang unti unti nang lumalapit ang mga demonyo sa akin habang patuloy naman si Carmine sa pagtawag sa pangalan ko na hindi ko na magawang sagutin. Napasigaw ako ng sobrang lakas at napatakip ng aking braso sa mukha habang mariing nakapikit nang makita ko ang sabay sabay at mabilis na pagkilos ng mga demonyo upang atakihin ako. "Are you okay?" Naramdaman ko na lang ang marahang paghawak sa likuran ko kaya napaangat ako ng tingin. Nilibot ko ang mata ko sa paligid kung saan nakita ko ang unti unting pagiging abo ng mga demonyo. Sa isang iglap ay bigla silang nawawala isa isa. Tiningnan ko pa si Carmine na may nag-aalalang mukha. "Speak to me Andraste," hindi ko nagawang sumagot, imbes ay mahigpit ko siyang niyakap habang humahagulgol sa pag-iyak. "Ladies, are you two okay?" Humahangos si Crimson nang dumating siya sa kinaroroonan namin habang tahimik naman si Haylal na nasa kanyang gilid at nakatingin lang sa akin. Tinulungan ni Crimson si Carmine upang maitayo ako at saka tinanong kung ano ang nangyari. Ikinuwento ni Carmine na nakita niya na lang ang biglang pag-atake ng umabot sa thirty na demonyo sa amin. Dun ko lang napagtanto na may hawak na espada si Carmine na may kulay pulang patalim sa kanyang kaliwang kamay. Mabilis niya itong isinilid sa kanyang kanang pulsuhan na malugod na tinanggap ng kanyang katawan. May kulay pula ring marka ang kanyang kanang pulsuhan na parang tattoo. Pero nung maitago ang kanyang espada ay nawala iyong marka. "Nakakakita ka ng--" hindi pa man natatapos ni Crimson ang kanyang tanong ay tumango na ako at napayuko. "It's okay now. Nandito kami para protektahan ka sa mga demonyong iyon." Nilingon ko si Carmine sa aking tabi na hinahaplos ang aking likuran. Pero natigilan siya at nagkatinginan sila ni Crimson. "You just told her, Carms! Are you nuts?" Pinanlakihan ni Crimson si Carmine ng mata habang medyo mataas ang kanyang boses. "But she already said she see's them. And hindi ko sinasadya, okay? Tao lang, nagkakamali din." Umirap pa si Carmine dahil sa inasal ni Crimson sa harapan niya. "Pero sinabi mo pa din. Kailangan natin siyang dalhin kay Lady Tenshi," pinal sa saad ni Crimson sa kausap. "Fine, fine." Napapabuntong hininga na sabi pa ni Carmine saka ako nilingon. "Is it okay with you na sumama sa amin? We need to bring you somewhere," pinagpalit palit ko sila ng tingin. Sa tingin ko kailangan nilang malaman kung ano ang mga nakikita ko at nalalaman ko tungkol sa sikretong organisasyon dito sa Pilipinas na hindi pwedeng malaman ng mga sibilyan. "May sasabihin ako sa inyo bago niyo ako dalhin sa lugar na sinasabi niyo. Sa apartment na lang natin ito pag-usapan." Nag-umpisa akong maglakad nang hindi sila tinatapunan ng tingin pero naramdaman ko na sumunod naman sila. Alam ko at aware ako sa patakaran ng Demon Slayer Organization na kapag na-expose ang isang sibilyan sa mga demonyo na umaatake ng tao ay kailangan nila itong dalhin sa headquarters nila upang bigyan ng gamot upang mabura sa kanilang ala-ala ang kanilang nasaksihan. Lahat ng tungkol sa demonyo ay mabubura. Kapag kasi naipagkalat na may mga umaaligid na mababang uri ng demonyo dito sa mundo ay hindi na magiging normal ang buhay ng tao at magkakaroon na sila ng takot na baka anumang oras ay atakihin sila ng mga man eating demon. Kaya palaging may nagpapatrol na mga demon slayers sa bawat sulok ng lugar kung saan sila naka-assign para puksain ang mga demonyo na walang nakakapansin sa kanila. Ito ay para panatilihing tahimik ang buhay ng bawat tao sa mundo. "Maupo kayo," pag-mwestra ko sa isang mahabang upuan na nakalagay sa gitna ng sala ng apartment ko nang makapasok kami. Hindi ganun kalaki ang apartment na ibinigay sa akin ni miss Jean pero tama lang naman sa pang-isang tao ito kaya ayos na. Mas malaki din ito kumpara sa kwarto namin dati sa ampunan. Pumunta muna ako sa kabilang side ng apartment at kumuha ng maiinom. Nag-offer si Carmine na tulungan ako dahil medyo hirap nga ako sa paglalakad kaya mas napabilis ang pagseserve ng inuming juice. Naupo na ako sa mono-block chair sa harapan nilang tatlo. Tahimik si Haylal at parang kumalma siya dahil ata sa nasaksihan kanina pero panay ang tingin niya sa akin kaya medyo naiilang ako at hindi ko siya masyadong tinatapunan ng tingin. "So, what are you going to tell us?" Panimula ni Crimson sabay inom nung juice. "What's this all about?" Inilapag ni Carmine ang kanyang baso sa lamesa matapos sumimsim sa juice. "Tungkol sa inyo," sabay na napalingon sa akin sina Carmine at Crimson. Naaaninag ko si Haylal at nararamdamam ko din ang kanina niya pa pagtitig sa akin kaya napalunok ako dahil kinakabahan ako sa kanya. Baka kasi bigla niya akong atakihin. "What do you mean this is about us?" Nakakunot ang noo ni Carmine nang magtanong sa akin. "Mga demon slayer. Mga demonyo at ang mga sandatang ginagamit niyo upang puksain sila." Makikitaan ng pagkagulat ang dalawa sa sinabi ko. "Ibig sabihin, isa ka ding demon slayer?" Kumislap ang mata ni Carmine nang tanungin niya iyon sa akin. "Maybe we can refer you to Miss J? Siya ang superior namin." Umiling ako na nagpalungkot sa mukha ni Carmine. Sinabi na sa akin nina Sister na huwag na huwag ko daw ipagsasabi sa kahit kanino ang mga nakikita ko at nalalaman ko pero kailangan nilang malaman. Dahil kung hindi ko sasabihin sa kanila, dadalhin nila ako sa headquarters nila at ipapabura ang ala-ala ko tungkol sa mga demons. Kasama na doon ang ala-ala ko nung pinatay ang mga magulang ko na kahit masakit ay ayokong mawala. "Hindi ako isang demon slayer. Dahil wala akong sapat na kakayahan bilang maging isa sa inyo." "Pero paano mo nalaman ang tungkol sa mga iyan? Only demon slayers knows all that information." Nagtataka pa ding tugon ni Crimson. "Pinatay ng mga demonyo ang magulang ko nung seven ako. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng demonyo." Napasinghap sa gulat si Carmine na kasabay ang paghingi niya ng tawad dahil sa nabuksan na sensitive na topic para sa akin at ngumiti lang ako. "Simula noong araw na 'yon, hindi na ako pinatahimik ng mga demonyo na umaaligid sa mundo lalo na kapag nasa labas ako ng kombento. Sa ampunan kasi ako lumaki. Kapag nasa loob ako ng kombento ay hindi ako nakakakita. Kinupkop kasi ako ng mga madre simula nang maulila ako at pinilit nilang itago ang existence ko sa gobyerno." "You're that kid?" Napatutop sa bibig si Carmine at hindi makapaniwala sa mga nalaman. "The only human survivor when the demon annihilated that village, seven years ago." "Now these all makes sense now," napatango tango pa si Crimson na parang nasolve na niya ang puzzle na matagal niyang binubuo. "But we still need to bring you to Lady Tenshi," kinabahan ako sa sinabi ni Crimson. Tumango tango naman si Carmine nang lingunin ko siya bilang pagsang-ayon kay Crimson. "Bakit? Ayokong mawala ang ala-ala ko tungkol sa mga magulang ko." Nagkatinginan ang dalawa bago sila tumingin muli sa akin. "Ikaw na magsabi sa kanya Carms," "Anong ako? Ikaw ang mas nakakaalam niyan kaya ikaw ang magsabi." "Wag mo i-asa sa akin lahat. Dapat matutunan mo yan." "Miss Jean said to me that I just need to act when you're not present. So, ikaw ang magsabi. Duh?" Napairap pa si Carmine sa katabi na napabuntomg hininga lang, senyales na suko na siya kaya sa huli ay si Crimson din ang nagpaliwanag sa akin. "Kailangan nating ipaalam kay Lady Tenshi kung ano ang gagawin sa 'yo since may alam ka nga about dyan. Pero hindi buburahin ang memories mo. Don't worry about that." Nakahinga naman ako ng maluwag sa paliwanag ni Crimson. "Kung okay lang sa 'yo, dadalhin ka namin sa kanya bukas?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa tanong ni Crimson. "Okay then, that's settled. Pupunta tayo sa headquarters bukas. And for now, we need to go home na Andraste." Tumayo si Carmine sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. Nagulat ako nung bigla niyang idinikit ang pisngi niya sa pisngi ko at iyon ang tinatawag nilang beso. "Byie! See you tomorrow!" "We'll go ahead," magkasunod na silang naglakad patungo sa pintuan. Napansin kong nahuhuli sa paglalakad si Haylal kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko makitaan ng anumang reaksyon si Haylal pero nang magtagpo ang mga mata namin ay ikinagulat ko na naman. Iyong nakita ko kanina sa school canteen na parang asul na apoy sa kanyang mata ay nagpakita na naman. Sigurado akong hindi na ako namamalikmata ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD