Chapter 3

2687 Words
Chapter 3 Bagong Kaibigan |ANDRASTE| NAGULAT ako nang makita ang tumawag sa pangalan ko. Si Miss Melendrez pala iyon. Bahagya din akong natuwa dahil may kakilala na ako sa klase at hindi ako mag-isa. Pinaupo na ako ng teacher sa bakanteng upuan na nasa likuran ng kay Miss Melendrez. Natapos ang pang-umagang klase nang hindi ko naramdaman. Sobrang nag-enjoy kasi ako sa pakikinig sa mga teacher na nagtuturo. Napakagandang experience pala ang mag-aral sa totoong eskwelahan. “Hey newbie,” mabilis akong napaangat ng tingin ko nang may makitang pigura ng mga tao sa harapan ko. Mga kaklase ko sila at puro sila babae. Magaganda sila at mukhang mga anak mayaman pa. Natuwa ako kasi kinakausap nila ako. Gusto ba nila makipagkaibigan sa akin? “You know what, I hate you.” Nagulat ako sa sinabi nung babaeng nasa gilid na may hanggang balikat na buhok. “You’re so annoying,” “Could you go to hell?” Sunod sunod nilang sabi. Mataas din ang pitch ng kanilang boses, ibig sabihin ay galit sila. Pero bakit naman sila magagalit sa baguhang tulad ko? Hindi ko sila maintindihan. Tiningnan ko silang lahat. Mga nasa bilang lima sila at taas noo silang nakatingin sa akin. Nababalot sila ng puting liwanag, ibig sabihin normal na tao sila. “You know what, bida bida ka e.” Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hawiin ng isa ang notebook na nasa ibabaw ng table ko kaya lumipad ito sa malayo. Tumayo ako para kunin sana ang notebook ko pero bigla na lang akong tinulak nung may mahabang buhok na hanggang baywang. Nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa sahig at masama na naman ang pagkakabagsak ko kaya napapikit ako sa sakit. Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko magawa. Parang lumala ata yung pilay ko sa balakang. “What do you think you’re doing you bitches?!” Napa-tsk ang isa at mabilis silang humawi at umalis sa harapan ko. “Hey, are you okay?” Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang isang nakalahad na palad. Dumiretso ang tingin ko sa kanyang mukha at nakita ang malungkot na mukha ni Miss Melendrez. Mabuti na lamg at kaklase ko siya. Kung hindi ay nag-iisa lang ako ngayon. “Okay lang ako.” Tinanggap ko naman ang kamay niya at nakatayo na ako ng maayos. “Don’t mind them. Inggitera lang mga yun dahil nalamangan mo sila dahil palaging tama ang sagot mo sa recitation kanina.” Pinapagpagan ko ang sarili dahil naalikabukan ang uniform ko sa pagkakasalampak ko kanina sa sahig. “This is yours, right?” Inangatan ko siya ng tingin at iniabot niya sa akin yung notebook na itinapon kanina kaya nagpasalamat ako. Umupo na ako sa aking upuan upang ayusin ang iba ko pang gamit na nagkalat sa lamesa ko pero pagkaupo ko pa lang ay naramdaman ko na ang sakit ng aking pwet na nanuot patungo sa likuran ko kaya ako napaaray. “Those bitches, sila may gawa sa ‘yo niyan. I need to beat those bitches--” nilingon niya ako nang hawakan ko siya sa braso niya. Pasugod na kasi siya sa grupo nang mga kaklase naming lumapit sa akin kanina. “Huwag mo na sila patulan, lalo lang lalala ang sitwasyon,” napabuntong hininga siya sa sinabi ko habang ngumunguso at nakakrus pa ang mga braso na ikinatawa ko. “Hey! Why are you laughing?” Protesta niya saka siya umirap. “Anyway, let’s go for lunch.” Masaya niyang paanyaya sa akin saka ako hinila patayo. Nang makarating kami sa canteen ng school ay bumungad sa akin ang sobrang daming estudyante na nakapila kung saan ata binabayaran ang bibilhing pagkain. May mga nakaupo na din sa mga lamesa. Natuwa ako kasi ang luwag luwag ng canteen nila. Yung silid kainan kasi namin sa ampunan ay wala pa sa kalahati nitong canteen nila. Halos tumigil ang paghinga ko nung may biglang lumipad na bagay sa harapan ko dahil muntikan na akong tamaan. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko na nabasag ang isang plato sa sahig na maging ang laman ay nagkalat na din. Sayang naman ang pagkain. “Ano? Aangal ka? Ha!?” Napalingon ako nang may marinig na sumisigaw sa hindi kalayuan. Nakita ko ang dalawang estudyanteng lalaki. Mukhang nag-aaway ata sila. Bigla akong nataranta kasi ngayon lang ako nakasaksi ng gantong eksena sa totoong buhay. Gusto kong umawat kaya lang pareho silang nakakatakot ang itsura. “Palagi na lang siyang gumagawa ng eksena dito sa school.” “It’s much better if he’s going to be expelled.” “Porket anak ng may-ari ng school akala mo kung sino na umasta.” “H-Hindi na,” tila natatakot na sagot nung lalaking estudyanteng patayo ang ayos ng buhok, mukha siyang maangas, hawak hawak siya sa leeg ng kanyang uniform ng isang lalaki din na estudyante. Kunot ang noo at may magulong buhok naman ang isa. Mukhang galing siya sa himagsikan dahil may bangas ito sa kanyang labi na may namuong dugo. Bigla naman itong ngumiti na ikinapagtaka ko. Mabilis niyang binitawan ang hawak sa leeg na lalaki saka pinagpagan ang damit nito. “Mabuti naman at nagkakasundo tayo, brad.” Mas lalong lumawak ang ngiti nito nang akbayan niya ang lalaking makikita mong nanginginig na sa takot. Yung angas niya ay parang naglaho ng parang bula. Iyong lalaking may magulong buhok, may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Wala kasi akong makitang liwanag na bumabalot sa kanya. Siya pa lang ang taong nakita kong walang bumabalot na liwanag. “Tara, mag-oorder na tayo ng food.” Hinila ako ni Miss Melendrez kaya nabaling na sa kanya ang atensyon ko. “Andraste, masanay ka na sa ganyang scene. Normal na yan dito sa school.” Nilingon niya pa ako bago kami tuluyang pumila upang bumili ng pagkain. “Miss, ano sa ‘yo?” Nagulat na lang ako nung may naniko sa akin. Nilingon ko iyon at nakita kong nakatingin si Miss Melendrez sa akin. “Tell your order na Andraste.” Tumingin ako sa aking harapan at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha nung tindera. Tiningnan ko pa ang menu at nagulat sa mga presyo ng bilihin. Hindi ko inaasahang ganito pala kamahal ang pagkain dito. Napalunok ako bago magsalita. “Ah, ano po. Y-yung ch-chicken sandwich na lang po,” nahihiya ko pang sabi na lalong nagpasama sa mukha nung tindera. Nakakatakot naman siya. “Bakit ka mag-sa-sandwich sa lunch? Hindi ka ba gutom?” Nagtataka pa akong tiningnan ni Miss Melendrez na nasa gilid ko at hinihintay pala ako habang hawak ang kanyang tray. “Ah ate, give her A1.” Nagulat ako nung mag-order si Miss Melendrez para sa akin at ang mas lalo ko pang ikinagulat ay kung magkano ang presyo ng isang meal. Halos mag-dalawang daan na siya. Wala akong ganun kalaking pera. “Here,” hindi ako nakapagsalita nang siya ang magbayad ng inorder niyang pagkain para sa akin. Mabilis namang nai-serve ang in-order niya para sa akin. “Let’s go,” ngumiti pa siya bago ako tinalikuran na parang walang nangyari at normal lang ang ganitong pangyayari para sa kanya. “So, where should we sit?” Naglibot pa ito ng tingin sa buong canteen habang nasa likuran niya pa din ako. “Ah, Miss--” “Carms!” Naputol ang sasabihin ko nang biglang umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa hindi kalayuan. “Oh ghad! Nakita ko na naman ang hunyangoy na yun. Tsk.” Nagsimula na naman siyang maglakad na sinundan ko pa din. “And why are you here?” Tila iritableng tanong ni Miss Melendrez sa kaibigan nang mailapag niya ang kanyang tray sa lamesa. “Syempre lunch time ngayon, ano ka ba naman Carms. Namiss mo na naman ako kaya ka nagsusungit dyan ‘no?” “Hah? Kelan ko sinabi yan? Mangarap ka,” umirap pa siya bago umupo sa katapat na upuan ni Mister Armenia. “Sus, nahihiya ka lang e.” Pang-aasar pa ng lalaking may kulot na buhok sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan na halatang halata ang pagkairita. “Kinginang ‘yan. Kung mag-aaway lang kayo, lumayas kayo dito. Wala kayong galang sa pagkain,” “Look who’s talking! Ikaw kaya ang walang galang sa pagkain. You don’t even have any table manners, tsk. Nakakadiri ka kaya, ang kalat kalat mong kumain.” Nagawi ang tingin ko sa lalaking katabi ni Mister Armenia. Subo lang ito ng subo sa pagkain niya. May tatlong plato sa kanyang harapan at ang isa ay wala ng laman. Pakiramdam ko ay anumang oras mabibilaukan siya. Nagulat ako nung makita ko siya. Siya kasi iyong lalaki kanina na halos gulpihin na niya yung kapwa niya estudyante. Mas nakita ko ang kabuuan niya sa malapitan pero wala pa din akong makitang liwanag sa kanya. At mas nakakatakot siya sa malapitan. “I almost forgot you Andraste. You can sit here sa tabi ko. Sorry about that. Ito kasing istupidong ‘to e.” “Bakit ako na naman ang sinisisi mo? I didn’t done anything wrong.” Naupo naman ako sa katabi ni Miss Melendrez. “Miss Melendrez,” natigil sa pagsasagutan ang dalawa nang marinig nila ang sinabi ko. Tiningnan din nila ako ng gulat at may pagtataka. Pero ang lalaking katabi ni Mister Armenia ay patuloy lang sa pagkain. May mga tao pala talagang walang pakialam sa paligid nila. Ngayon lang ako naka-encounter ng taong ganito. “What did you just call me?” Hindi pa din nawala ang gulat sa kanyang mukha habang tinuturo ang kanyang sarili. “Miss Melendrez,” direktang sagot ko. Napangiwi siya sa narinig kaya napatingin pa ito sa katapat kong si Mister Armenia. “Why are you calling me that? Aren’t you supposed to call me by my first name? Like Carmine or Carms?” “E kasi, ang sabi sa amin nila sister na kapag hindi naman daw namin lubos na kilala ang isang tao o kaya hindi malapit na kaibigan ay huwag naming tatawagin sa kaniyang pangalan. Kundi sa apelyido bilang paggalang.” Napahagikgik sila pareho sa sinabi ko. “So, what do you call me then? Mister Armenia?” Tanong naman ni Mister Armenia na tinanguan ko. “You’re unbelievable,” tumatawa niyang tugon na umiiling iling pa. “Try calling me Crimson,” tiningnan ko lang siya at hindi nagsasalita. “Then try calling me Carmine,” ipinaharap ako ni Miss Melendrez sa kanya at makikita ko ang eager sa kanyang mukha. “Pero, bakit?” “Ayan ka na naman sa ‘bakit?’ mo, Andraste.” Napatampal si Miss Melendrez sa kaniyang noo. “Ofcourse you’re our friend, right Permy?” Napakamot naman sa ulo si Mister Armenia at napabuntong hininga. “Quit calling me Permy. Tsk. Anyway, Carms is right. You are now our friend. If she considers you as one, then you can be my friend too. So just call us whatever you want. Pero huwag na surname ha?” Pinagpalit palit ko sila ng tingin at pareho silang nakaabang sa sasabihin ko. “S-sige,” pag sang ayon ko na lang pero medyo hirap pa din ako kasi wala naman akong naging kaibigan na kaedad ko. “Try saying it. Try calling us,” parang kumikislap na bituin ang mata ni Miss Mel--este Carmine sa sobrang pagkaexcited ata sa sasabihin ko. “Ayaw niyong kumain? Akin na lang ‘to ah,” “What the hell, Haylal! That’s my food!” Napatayo at napataas ng boses si Miss Mel--Carmine pala kaya napatingin ang mga estudyanteng nasa loob ng canteen. “Tigilan mo nga ako sa pag-english english mo na yan Rabbit. Hindi ako amerikano para kausapin mo ng ganyan.” Kumalampag ang lamesa na ikinagulat ko. “Stop calling me weird names you son of a b***h,” inagaw ni Carmine ang tray na nasa harapan na nung lalaki pero ang isa ay ayaw magpatinag. “Gusto mong bumalik sayo?” Nanlilisik na ang mga mata ni Carmine sa kaharap. Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari habang nanlalaki naman ang mga mata ni Carmine dahil sa ginawang pandudura nung lalaki sa pagkain dapat ni Carmine. “You’re the worst, ang baboy mo!” Pinabayaan niya na ang pagkain na naduraan at padabog na naupo sa tabi ko. “Gusto mo diba? Eto na nga oh binabalik ko na.” Nakakaloko ang pagngiti ng lalaki sa nanggagalaiti na si Carmine. Medyo nasasanay na ako na tawagin siya sa kanyang first name. Ewan ko lang sa personal. “Alam mo Andraste, sasabihin ko sayo na masanay ka na sa ganyang scene. Dahil kung sasama ka sa grupo namin, ganyan ang palagi mong makikita. May palaging nagmemenopause, may baboy, at syempre may pogi,” nagpataas baba pa ang kilay ni Mister Ar--Crimson pala. Napaatras ako nang biglang matakpan ang mukha niya ng tissue na kagagawan pala ni Carmine. “Pogi your face. At sinong nagmemenopause? E kung padanakin ko kaya ang dugo mo dito?” Hindi pinansin ni Crimson ang pagbabanta ni Carmine dahil tinawanan niya lang ito. “Anyway, Andraste?” Tawag pansin sa akin ni Carmine na nakahupa na sa pagkainis sa taong kaharap ko. “This guy here is Haylal Hernandez,” napatingin ako sa lalaking kanyang tinutukoy. Relax na relax ang pagkakasandal ng lalaki sa inuupan habang nakataas ang kanang braso sa sandalan at may hawak na toothpick naman ang kaliwa habang nagtitinga. “Yo!” Bati niya sa akin sabay nang pagtaas niya ng kanyang kanang kamay upang maagaw niya ang atensyon ko nang magawi ang tingin niya sa pwesto ko. “Huwag mo akong pakikialaman kung gusto mo pang mabuhay,” malapad itong ngumiti habang sinasabi yun. Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ayon sa pagkakaintindi ko, binantaan niya ata ako. “Don’t mind that idiot, ganyan lang talaga siya magsalita. Pero he’s harmless--” “Gago ka ba? Sino may sabing dumaan ka sa likod ko?” Sabay kaming napalingon kay Haylal nung marinig ang kanyang nanggagalaiting boses. Nakatayo na siya sa kanyang upuan at may hawak hawak na siyang estudyante sa kwelyo ng damit habang nanlilisik niya itong tinitingnan. “Uhh, kapag tulog.” Pagpapatuloy ni Carmine sa sinasabi niya kanina. “Brad ano ka ba. Tinatakot mo yung mga students.” Padabog na umupo si Haylal nang higitin siya ni Crimson palayo dun sa gugulpihin na sana niyang estudyante. Napakadangerous naman ng taong ‘to. “Binunggo niya yung ulo ko nung tray e. Tangina ang sakit. Gusto mo try ko sa ‘yo?” “No thanks. Mas gugustuhin ko na lang gulpihin ng mahal kong si Carms kesa sayo,” “Ah ganon, gusto mo talagang nasasaktan noh? Sige sasampolan kita,” dinampot niya yung chicken legs na nasa pagkain ko saka ibinato kay Crimson. Ang totoo niyan, hindi pa talaga ako nag-umpisang kumain so basically, buo pa yung manok na ibinato niya. Pero bago pa dumapo sa mukha ni Crimson yung chicken, nasalo na ni Haylal. “Mga gagong ‘to, sino may sabing paglaruan niyo ang pagkain ha?” Kunot noong pagsuway ni Haylal sa dalawa na inirapan lang ni Carmine habang tinatawanan naman ni Crimson. Haylal? Kanina ko pa siya binabanggit at parang napakafamiliar sa akin ng pangalan na iyon. Hindi ko lang maalala kung saan ko yun narinig. “Hoy ikaw,” napaigtad ako sa gulat nung inagaw ng isang boses ang atensyon ko. Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Haylal. “Di ka naman kakain diba? Kunin ko na ‘to ah.” Mabilis niyang kinuha yung tray ko at inilagay sa tapat niya saka niya sinunggaban ang pagkain ko. Nagulat ako hindi dahil sa kaya niyang umubos ng limang servings ng pagkain, nagulat ako nung makita ko ang mga mata niya ng malapitan. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya habang dire diretso ito sa pagkain. Iniisip ko pa din ang nakita ko sa mga mata niya. Hindi naman malabo ang mata ko para hindi makita ang paglitaw ng kulay asul na parang apoy sa loob ng kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD