Chapter 7
Pagkakaibigan
|ANDRASTE|
HINDI ako makapaniwala sa aking nakita. Natigilan ako na maging ang pagdaloy ng luha ko sa sobrang takot ay natigil din. Nagtagpo ang mga mata namin nang marinig niya ang boses ko at lingunin ako. May hawak siyang isang espada na kapares sa nakita ko kay Carmine pero ang kanya ay normal lang ang kulay. Iyong kulay metal na normal na kulay ng mga espada pero ang naiba lang at nakakamangha ay nababalot iyon ng blue flames.
Hindi ako takot sa demonyo pero bakit nang makita ko ang kabuuan niya ngayon ay halos maparalisa ang buo kong katawan. Lalo na nang mapagtanto kong nag-iba ang itsura niya. Mayroon siyang mahabang itim na buntot, humaba ang tenga niya ng patulis sa dulo at ang kanyang mga ngipin ay nagkaroon na ng matutulis na pangil.
Wala akong maintindihan. Bakit ganun na lamang ang itsura niya? Ngayon lang ako nakakita ng ganyang itsura. Iba ang itsura ng isang demonyo dahil mas pangit sila sa totoong buhay. Hindi ako nanlalait pero iyon ang katotohanan. Mapupula ang mata at sobrang kinang, maputla ang kutis na parang isang yumao, matulis na mga pangil, matulis na mga kuko at nababalot ng itim na aura.
Hindi ko alam kung ano siya, dahil ngayon lamang ako nakakita ng kulay asul na liwanag at nang ganyang anyo. Wala din akong nabasa sa history o naikwento sina sister tungkol dyan. Kaya wala talaga akong ideya.
Isinilid niya ang espada sa kaha nito. Kasabay nang paglaho sa paningin namin ng makinang na metal niyon at ang pagkawala naman ng bumabalot na kulay asul na liwanag sa kanya. Balik din sa dati ang itsura niya, iyong lagi kong nakikitang walang bumabalot na kahit anong kulay ng liwanag. At ang normal na itsura ng isang tao na tulad namin.
Hindi siya nababalot ng kahit anong liwanag na katulad ng ibang mga taong nasa paligid ko lang. Saka lang siya nagkakaroon ng sarili niyang kulay kapag hawak niya ang espadang iyon. Hindi tulad ni Carmine nung makita ko siya na hindi naman siya nabalot ng anumang liwanag nung may hawak siyang espada.
"Never draw this sword again, Haylal." Iba talaga ang nararamdaman ko kay Haylal. Parang may something na hindi ko maipaliwanag. Nang makita ko kasi siya sa ganun na anyo niya ay bigla akong nakaramdam ng sobrang takot. Takot na higit mo pang mararamdaman kapag inatake ka ng demonyo. Yung dibdib ko din sobrang kumabog nang makita ko ang mga nag-aapoy niyang mata.
"Where the hell did you find your katana and then you went on a rampage in the school?" Hindi pumalag si Haylal nang kunin sa kanya ang espadang hawak niya na malugod niyang ibinigay.
"Tsk. Anong gusto niyo, tumunganga ako habang tinititigan ang pagpatay sa isang inosenteng tao?" Naiinis na tanong niya kay Crimson na hindi ito lumilingon sa kausap, nakapamulsa lang at nakayuko.
"You know what you have to do, wait for us---"
"Tanginang wait for us na yan! Nahuli nga kayo ng dating e tapos sasabihin niyong hintayin ko kayo? Hindi ako estatwa na tatayo lang at papanuorin kung paano pumatay ang isang demonyo ng mga inosenteng tao. Ayoko nang makakita pa ng pagkawala ng isang inosente dahil wala akong nagawa para iligtas siya," yung mukha niya. Yung ekspresyon ng mukha niya. Parang nawasak ang aking puso nang makita ko siyang magbigay ng ganung reaksyon. Ramdam ko ang sakit at basag sa kanyang boses, at sobrang nakawawasak ng puso na makita siyang magpakita ng ganitong reaksyon. Nangingilid ang mga mata at parang sasabog na sa pag-iyak.
"Tsk," usal niya saka naglakad palayo sa amin. Tiningnan ko ang dalawang kasama ko na parehong nakatalikod sa akin dahil nakatingin kaming lahat sa likod ni Haylal na papalayo na. Napansin ko ang paghigpit ng paghawak ni Crimson sa kaha nung espada. Hindi ko man makita ang mukha niya ay nararamdam kong naguilty siya sa sinabi ni Haylal.
"C'mon? We need to go to our class pa." Lumingon sa akin si Carmine na nakangiti na. Ipinakikita sa akin na parang walang nangyari. Pero ang ngiting iyon ay hindi umabot hanggang mata at alam kong sa likod ng mga ngiting yun ay hindi siya masaya. Nag-umpisang maglakad si Crimson na hindi kami nililingon. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo na ang kanyang imahe.
"Magiging okay din ang dalawang yun. Don't worry about them. They're both guys, hindi magtatagal ang tampuhan nila."
"Bakit ganun na lang kalalim ang ibig sabihin ni Haylal sa mga sinabi niya?" Nag aalala kong tanong.
"Sinusumpong lang yun. Alam mo naman, bipolar ang isang yun." Ngumiti nang alangan si Carmine sa akin. Alam kong merong laman iyong sinabi ni Haylal. Parang nagkaroon ng koneksyon ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko. Hindi na lang ako nagtanong pa kahit ang dami kong gustong itanong. Hahayaan ko na sila na lang ang magsabi sa akin. Ayoko manghimasok, baka talagang hindi pwedeng malaman ng iba.
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nag-umpisa na siyang maglakad at may bigla akong naalala. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang tatlong kaklase ko na nakahiga sa lupa na walang malay.
"Carmine," agaw pansin ko sa medyo nakalayo nang kasama ko. Lumingon siya sa akin saka ko itinuro ang kalagayan nung tatlo. Halos mataranta siya nang makita sila. Dahil daw kasi sa sagutan nung dalawa kaya halos makalimutan na namin ang mga kaklase namin. Hindi naman namin sila kayang buhatin lahat, lalo na ako na may saklay pa. Pinuntahan niya yung guard at sinabi ang kalagayan ng mga kaklase namin. Tumawag na din yung guard sa infirmary kaya mabilis na narespondehan ang mga kaklase namin. Pero ang sabi, hindi daw pang-infirmary case lang iyon kaya kaagad silang idinala sa pinakamalapit na hospital. Naawa tuloy ako sa tatlong yun.
"You know what.." napalingon ako kay Carmine habang naglalakad na kami papunta sa classroom.
"..kahit na I hate bitches like them, hindi ko naman hihilinging mapunta sila sa ganung state. They would probably end up in comatose and I feel sorry about them." Bumuntong hininga pa siya.
"Ganun na ba kalala ang lagay nila?"
"Lahat ng nakakaharap ni Haylal, they always ended up that way. Pero wala pa namang namamatay. Don't worry about them, magiging okay din sila. We should be worried kung sino ang mabeblame sa incident na 'to."
"Wala namang may kasalanan at wala namang may gustong mangyari yun diba?" Nag aalalang tanong ko. Bigla kasi akong kinutuban sa sinabi ni Carmine. Wala namang nakakita ng nangyari so walang makakapagsabi kung sino ang may gawa nun. Kami lang tatlo.
"He's in trouble Andraste," hindi ko alam kung bakit siya ang biglang pumasok sa isip ko nung sabihin yun ni Carmine pero kinabahan talaga ako sa ideyang naglalaro sa isip ko.
♤♤♤
Mabilis na natapos ang pang-umagang klase na hindi namin namamalayan. Hindi ko na-enjoy ang makinig dahil occupied ang isip ko ng ibang bagay kanina pa. Hindi din kami nakapag-usap ni Carmine kaninang break time dahil bigla siyang nawala dito sa classroom at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko din nakita iyong dalawang babae ko pang kaklase na kumompronta sa akin kanina. Yung nakatakas na dalawa.
Nag-aayos na ako ng aking gamit nang may lumapit sa akin. Hindi man siya magsalita ay alam ko na kung sino iyon. Tiningala ko siya at bumungad sa akin ang kanyang nakangiting mukha. Hindi na naman iyon umabot sa kanyang mga mata at nag-aalala na ako para sa kanya. Para sa kanilang tatlo.
"Lunch?" Pag-aaya niya kaya mabilis akong tumayo nang mai-ayos ko lahat ng gamit ko at maisilid sa aking bag.
"Sige," sagot ko saka na siya tumalikod at nag-umpisang maglakad kaya sinundan ko na lang siya. Walang nagsasalita habang papunta kami sa canteen. Nauuna siya habang pinagmamasdan ko ang kanyang likod. Nag-aalala sa kung ano ang iniisip niya. Gusto kong magtanong pero ayoko namang isipin niyang tsismosa ako.
Wala pa ding nagsasalita sa amin hanggang sa makabili kami ng pagkain. Akala ko ay doon sa canteen kami mismo kakain pero ni-take out niya yung pagkain namin at naglalakad na naman kami ngayon sa campus grounds. Hindi ko alam kung saan ito papunta dahil hindi naman ito yung daan papunta sa classroom namin.
"Carmine, saan tayo pupunta?" Kahit nag-aalangan ako ay nilakasan ko na lang ang loob ko na magtanong. Hindi siya sumagot kaya napayuko na lang ako at hindi na nagtanong pa.
"We're keeping our eyes on him," napaangat ako ng tingin at bumungad pa din sa akin ang likuran niya. Nagsalita siya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Na-assign kami ni Crimson na bantayan siya. Hindi kami dapat malingat kapag nasa labas siya ng bahay. Kung pwedeng hanggang sa CR ng public places ay kailangan siyang sundan, susundan siya. That's why palagi namin siyang classmate. Pero ngayon, ako ang nahiwalay sa kanila." Patuloy lang siya sa pagsasalita kaya nakinig lang ako at hindi na umimik dito sa likuran.
"Lady Tenshi said, don't be too attached to him. Treat him like a criminal and not as a person. Especially, not as a friend. But don't hate him, don't despise him. Hindi niya daw kasalanan na nag-exist siya sa mundong ito. Iyon ang bilin ni Lady Tenshi na nung una ay hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan siyang ituring na kriminal kahit wala pa siyang ginagawang krimen. Lalo pa ang sinabi niyang hindi niya kasalanan kung bakit siya narito sa mundong ito. Oo bayolente siya pero hindi naman umaabot sa punto na halos patayin niya na ang isang kaaway niya. Isang suntok, tadyak, at panghahamok lang. Mainitin ang ulo, oo. Pero hindi ibig sabihin nun ay makakapatay na siya." Natigilan ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad at lumingon sa akin. Nagulat ako dahil iyong mata niya ay parang naluluha na.
"We've been together ever since prep school. Childhood friends is what they call them that. But for us, that word is forbidden. We can't treat each other as friends. Especially when it comes to him. Crimson and I are merely colleagues but for us three, we treated each other as friends. Kahit walang nagsasabing magkakaibigan kami, nararamdaman ko yun. Bawal sa organization ang maging magkaibigan kaya kapag kami kami lang, we can do what friends usually do. Pero in the end, napapagalitan pa din kami dahil may nagmamatyag sa amin kahit saan kami magpunta at binabantayan ang bawat kilos namin." Ngumiti siya muli. Mapakla ang kanyang mga ngiti at masasabi kong kapag kumurap ang kanyang mga mata ay tuluyan nang tutulo ang pinipigilan niyang luha kanina pa.
"Sa tagal naming magkakasama, maiiwasan bang hindi ma-aattach sa isa't isa?" Nabigla ako nang mag-c***k ang boses niya. Kasabay nun ang dire-diretso nang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Napakasakit niyang makita. Parang kinurot ang puso ko sa aking nakikita. Masakit sa akin na makakita ng umiiyak pero mas nakakawasak ng puso ang umiiyak pero nakangiti. Pinipilit maging okay kahit hindi.
Humakbang ako at pilit lumapit sa kanya kahit nahihirapan ako dahil pa din sa kalagayan ko. Niyakap ko siya nang malapitan ko siya nang tuluyan. Nang hagkan ko siya ay naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang balikat. Tahimik lang siya sa pag-iyak na nakakapagpawasak talaga ng puso ko. Napaluha ako dahil tumagos sa akin ang mga sinabi niya. Naalala ko kasi iyong mga bata sa ampunan na pinanggalingan ko. Dahil pamilya na ang turing ko sa mga taong nag-aruga at nakasama ko doon. Alam ko at naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman niya.
Nanatili kaming magkayakap ng ilang minuto dahil hinayaan ko siyang ilabas ang nararamdaman niya. Nang mahimasmasan siya ay humiwalay na siya sa akin at muli niya akong nginitian. Ngayon, umabot na ito hanggang sa kanyang mga mata na sobra kong ikinatuwa.
"I'm very sorry. Napakaiyakin ko talaga." Tumawa siya ng bahagya habang nagpupunas ng namamaga niyang mata. Inilingan ko siya at nginitian.
"Ayos lang yun. Sabi mo nga, kaibigan niyo na ako kaya para saan pa at tinawag ninyo akong kaibigan." Hinawakan ko ang kamay niya kaya tiningnan niya ako nang nagtataka.
"Kung kayo ang magpoprotekta sa akin laban sa mga gustong manakit sa akin na mga demonyo, ako naman ang poprotekta sa nararamdaman at pagkakaibigan natin na hindi ko hahayaang mawasak ng kahit na sino." Nagulat ako nung bigla ulit siyang umiyak at yumapos sa akin nang mahigpit. Iyong gulat na naramdaman ko ay mabilis na napalitan ng tuwa. Ngayon lang ako nakaramdam na ganito kasaya sa ibang tao, maliban sa pamilya ko sa ampunan.
Nang marinig namin ang ring ng bell na hudyat na oras na ng panghapon na klase ay bumalik na din kami sa classroom namin. Nagtawanan kami ni Carmine dahil imbes na kumain ay nag-iyakan ang ginawa namin sa buong lunch break na iyon. Habang naglalakad na kami pabalik ay may naalala akong itanong kay Carmine.
"Carmine, bakit hindi ko ata nakita sa canteen sina Crimson at Haylal?" Nilingon niya ako at tila gumuhit ang pagkabahala sa kanyang mukha.
"Hindi ko alam kung saan nagsuot si Crimson pero si Haylal, mukhang nasa headquarters siya."
"Bakit siya nandun? Ibig bang sabihin sinadya niyang hindi pumasok?" Hindi sumagot si Carmine pero nanatili pa din siyang nakatingin sa akin. Parang nag-iisip ata siya kung dapat ba niyang sabihin o hindi.
"Hindi kasi ako ang dapat na tinatanong mo niyan e. Kasi hindi pa kami sigurado kung ano ang meron sa kakayahan mong makakita ng mga demonyo, since you're not even a demon slayer yourself. It is forbidden to discuss about those things to those outsiders." Napadiretso na ako ng tingin at hindi nagsalita.
May punto naman siya. Alam kong wala siya sa lugar na sabihin iyon sa akin pero bakit pa ako nagtatanong? Napabuntong hininga ako sa aking naisip.
"I'm sorry about that, Andraste. Pero dadalhin ka naman namin kay Lady Tenshi later, so you just ask her yourself. O kaya baka siya na mismo ang magsabi sayo since we already told her about you and she's been expecting you." Lumingon ako at nginitian na lang siya para huwag na siyang mag alala.
"Ayos lang yun,"
"Balita ko, suspended daw si Hernandez?"
"Siya ba yung bayolenteng estudyante na kaklase mo?"
"Oo yun. Yung wirdong anak ng may ari nitong school."
"Mabuti nga at naparusahan na siya. Sana ma-expell na siya."
Nagkatinginan kami ni Carmine dahil sa mga narinig galing sa mga schoolmates namin nang mapadaan kami sa corridor ng classroom nila.
"Balita ko nga na tatlo daw sa mga babaeng schoolmate natin, dehado ngayon because of his violent actions,"
"The hell is that guy's problem? Pati babae pinapatulan?"
Gusto ko sanang lumapit at sabihan na hindi yun totoo, kaya lang wala akong lakas ng loob para i-defend ang mga gusto kong ipaglaban kaya nanatili na lang akong tahimik sa tabi.
Sa hindi kalayuan ay naaninag ko si Crimson na naglalakad sa harapan namin. Papasalubong siya pero hindi niya ata kami napansin. Nakapamulsa pa ito at may maaliwalas nang mukha. Tila hindi iniisip ang nangyaring sagutan nila ni Haylal kaninang umaga lang.
"Si Crimson yun diba?" Pagkokompirma ko sa kasama ko na sinang-ayunan niya naman.
"Hey, idiot perm-head!" Tawag pansin ni Carmine sa lalaking papasok na sa pintuan ng classroom nila. Napahinto ito at lumingon sa gawi namin. Mabilis naman kaming lumapit sa kanya.
"Oh, so you miss me that badly huh? My dear Carms," ngisi pa ng lalaking kulot ang buhok na nakatayo sa harapan namin.
"Quit calling me that. You creep," napahagikgik si Crimson nang umirap si Carmine. Kelan kaya magkakasundo ang dalawang ito?
"So, what's your deal?" Sumandal na sa hamba ng pintuan si Crimson at humalukipkip ang kanyang braso habang nakaharap sa amin.
"It's about Haylal,"
"What about that troublemaker?" Sinamaan siya ng tingin ni Carmine na nagpabuntong hininga sa taong kaharap namin.
"Okay, I'm sorry. What about him?"
"Nasaan siya?"
"Hindi siya um-attend ng morning classes niya. And I have no idea where the hell he is," napa-groaned si Carmine nang magkibit balikat si Crimson.
"What? Nakita mo naman kanina right? He left without even saying anything. Hindi ko din siya ma-contact."
"Akala ko sinundan mo siya?" Hindi sumagot si Crimson at nanatili lang nakatingin kay Carmine na tipong walang ideya sa sinasabi nang babaeng katabi ko.
"Ugh! You're unbelievable," mabilis na umalis si Carmine na hindi na tinapunan pa ng pansin si Crimson kaya sinundan lang siya nang tingin habang patuloy ito sa paglalakad palayo.
"What did I do?" Lumingon pa siya sa akin at parang gulong gulo sa inasal ni Carmine. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na susundan ko na si Carmine.
"Alam mo, nakakainis talaga ang boys. Hindi talaga sila marunong magbasa ng moods ng girls. Yung tipong obvious na nga kung bakit ka galit tapos itatanong pa sa 'yo kung bakit ka nagagalit! He's so annoying," dire-diretso lang siya sa paglalakad nang mabilis at pag-rant ng mga hinaing niya. Hindi ata niya naalalang nakasaklay ako? Hinayaan ko na lang na mauna siyang maglakad dahil hindi ko siya kayang habulin.
Natigil ako sa paglalakad at halos mawalan ng balanse nang may biglang bumangga sa akin. Mabuti na lang at mabilis kong nailapat ang saklay ko sa semento kaya napanatili ko pa din ang aking balanse.
"I'm sorry," isang baritonong boses ang pinagmulan nang mga salitang iyon kaya mabilis ko itong nilingon dahil may something sa boses niya. Nakayuko ito sa harapan ko nung lingunin ko siya. Saka siya mabilis na naglakad paalis. Parang narinig ko na ang boses niya sa kung saan pero hindi ko maalala.
Hindi ko nakita ang kanyang mukha nung mag-angat siya ng tingin dahil nakatalikod na siya nun. Pero hindi nakatakas sa akin ang ngisi sa kanyang labi bago niya ako talikuran.
Napatitig pa ako sa likuran niya habang papalayo siya sa akin. Napansin kong nakasuot siya ng royal blue vest at slacks tapos white three-forth na polo sa ilalim ng kanyang vest. Iyon ay kapareho ng uniform ng mga male students dito sa school. Bagong lipat lang ako dito pero bakit pakiramdam ko, hindi siya taga dito? Ang wirdo pero, hindi ko alam kung bakit? Para kasing may something sa taong yun.
Hindi ko na lang pinansin ang naramdaman ko nang mga oras na yun at tatalikod na sana at magpapatuloy ako sa paglalakad dahil baka late na ako sa klase ko kaso napabalik ako ng tingin sa lalaki nang maaninag ko bigla na parang may lumiyab na asul na apoy. Pero nung makita ko ang kabuuan niya mula sa likuran ay wala naman akong nakitang asul na apoy.
Napakurap kurap pa ako ng mata at hindi kaagad nakakilos dahil may kakaibang kilabot na naidulot ang nakita ko.