CHAPTER 101 Hindi madali ang lahat ng aking pinagdaanan. Bago sa akin ang manirahan sa lugar kung saan wala akong kakilala at hindi sanay sa ganoong katahimik na lugar. Iniwan ko ang lahat lahat para sa isang babaeng kailangan kong sanaying patatagin ang kanyang kalooban. Hindi alam ni Nadia na mahal ko na siya noon pa man at doble ang balik ng sakit na ginagawa kong pambabale-wala sa kanya. Nang mga panahong hinayaan kong ipadama sa kanya na mahal ko siya kahit hindi ko pa man sinasabi iyon nang lantaran ang mga araw na masayang-masaya ako. Ganoon pala ang pakiramdam ng umibig at ibigin. Ang malaya sa nakakulong lang sa kasunduan. Ang payapa kaysa sa namumuhay sa masalimuot na mundo. Si Nadia ang nagpamulat sa akin na hindi kailangan ng maraming pera para masaya. Hindi lang umiikot sa ka

