CHAPTER 100 KEN’S POINT OF VIEW Nang gabing iyon, sa una naming pagkikita, nakapatay ako. Pinatay ko ang nagtangkang gumahasa at manakit sa kanya. Wala lang naman sa akin ang pumatay. Hindi na bago sa akin ang makapatay, sanay na sanay na ako kaya alam kong kahit iniligtas ko siya nang gabing iyon, natakot siya sa akin. Alam na niya kung paano ako lumaban at pumatay. Hanggang sa nagdesisyon akong sabihin sa kanya ang lahat, ng buo kong pagkatao. Lalo ko siyang nagustuhan nang nasa Siargao na kami. Naging magaan ang aking buhay, lihim niya akong pinasaya. Nagawa niyang patahimikin ang buhay ko. Tuluyan nang nawala sa isip ko ang magpakamatay. Nagpakasaya ako sa piling niya. Naglasing. Hanggang sa ikinasal kami na hindi ko alam. Hindi mahina ang katawan ko sa alak ngunit hindi ang aking

