Third Person Point of View Napahawak si Aciera sa kunai ng guro na nakatarak sa kanya. Naramdaman niya ang nag – iinit na sugat sa kanyang tiyan. Ang kanyang dugo ay pumatak sa sahig. “Elizabeth,” madiin na sabi ni Aciera. Ang guro ang tinutukoy niya. “Ako nga,” ani ng guro. “Pero nagpalit na ako ng pangalan ngayon. Ako na si Lilith.” Naalala ni Aciera na may pangalan na Lilith sa mga royal na nakalaban ng mga kasama niya sa loob ng bahay dati kung saan may portal. “Papaanong?” ani ni Aciera. Hindi niya lubos maisip na ang Elizabeth na dating kilala niya ay ang Lilith ng royal ng impyerno. Binunot ni Lilith ang kanyang kunai at saka tinadtad ng saksak si Aciera. Napainda ng ipit ang dalaga sa ginawa sa kanya. Tumutulo ang dugo sa bibig ni Aciera na hinawakan niya sa balikat si Lilit

