Third Person Point of View Nakabalik ng ligtas si Peter at Aciera sa kanilang kuta at naiulat nila ang mga nangyari sa araw na iyon. Kinabukasan ay bumalik rin agad doon si Peter upang bantayan ang karagatan sakali man may masamang mga nilalang ang may planong sakupin ito. Nag – iiyakan ang mga bata habang kaharap nila ang kanilang guro. “Ma’am maawa po kayo sa amin!” sigaw ng mga bata. “Ayaw pa po naming mamatay! Parang awa niyo na.” “Alam niyo,” ani ng guro. “Hindi kayo ang pipili kung kailan kayo mamamatay o kailan kayo mananatiling buhay.” “Ma’am,” iyak ng isang bata. “Bakit po kayo nagkakaganyan? Akala po namin ay mabuting guro kayo, itinuring po namin kayong parang ina pero bakit po ipapahamak niyo kami.” “Dahil galit ako sa inyong mga ina!” sigaw ng guro sa kanila. “Mama!”

