Chapter 1: I LOVE YOU, SIR FAXTON!
PRISCILLA'S POV
“I LOVE YOU, SIR FAXTON!” sigaw ko’t hinalik–halikan ko nang ilang beses ang picture niyang nasa phone ko.
Matagal ko na siyang crush simula nang mag–aral ako rito sa University Of Saint Catherine. Pero hindi naman niya ‘ko pinapansin kahit naging muse na ‘ko ng basketball. Hindi naman siguro pang–kalye lang ang beauty ko, ‘no!
At parang wala lang ako sa kanya kahit nagpapansin na ‘ko. Buti pa ang mabahong utot dahil napapansin niya, pero ako—na halos ipampaligo ko na ang laman ng pabango’y waley pa rin ako. At ang profesorang haliparot pa yata ang gusto niya.
“Tsk! Magiging akin ka rin, Faxton Montejo. ‘Cause I always get what I want! Marahil ay hindi noon, pero hindi na ‘ko makapapayag pang hindi kita makuha ngayon lalo na’t professor na kita ngayong sem. Kaya may pagkakataon na ‘kong gawin ang gusto ko sa ‘yo,” bulong ko sa aking sarili. At umaatake na naman ang kapilyahan ko.
“Magsipasok na kayo at nandiyan na ang terror nating professor!” halos pasigaw na saad ng bakla kong kaklase dahil nagsilabasan ang mga ito kanina, at halos hindi magkamayaw ang mga ito sa pag–upo.
“Ayusin mo na ‘yang upuan mo, Priscilla at ayaw ni sir ng kalat–klat na upuan,” pahayag sa akin ng kaibigan kong si Cristina.
“Hayaan mo siyang magalit,” gagad ko.
“Hindi ka natatakot sa titig niya?” maang na tanong nito.
“Hindi. Sa klase lang naman siya terror, pero sa labas na’y hindi na namamansin dahil ang cold niya. At baka siya pa matakot sa katarayan ko,” segunda ko.
“Iba ka talaga, Priscilla dahil ang professor pa matatakot sa ‘yo,” umiiling na wika nito.
At magsasalita sana ako nang pumasok na si Sir Faxton, kaya naman napatakip ako ng bibig ko.
“Shete, ang pogi niya talaga!” sigaw ng isipan ko’t halos humiwalay ang kaluluwa ko sa kilig na nararamdaman ko. Mabilis kong inalis ang isang butones ng uniporme ko upang makita niya ang cleavage ko. At bumaling ako kay Cristina. “Tingnan mo nga kung hindi pa nabura ang lip tint ko, at kung may foundation pa itong face ko,” saad ko rito.
“Burado na dahil kumain ka ng ice cream kanina, ‘di ba?” gagad nito.
Kaya naman hinalungkat ko ang loob ng bag ko’t kinuha ko ang lip tint. At nagpahid ako sa aking labi nang. . .
“Ms. Cruz!” tawag ni Sir Faxton sa apelyido ko dahilan upang magulat ako’t nabitawan ko ang lip tint na hawak ko. Naglakad siya palapit sa akin, kaya naman milyang–milya ang nararamdaman kong kaba.
“Ayan na, Priscilla. Ang lapit niya na sa ‘yo, kaya lumiyad ka para makita niya ang cleavage mo!” sigaw ng isipan ko’t iyon nga ang ginawa ko.
Subalit nanlamig ako nang inilapit niya ang labi niya sa tainga ko.
“What do you think you’re doing, Ms. Cruz? And why do you still need to arch your back, just so I can see your small bóobs?” walang prenong bulong niya dahilan upang mapalunok ako.
Pinulot niya ang lip tint ko, at inilapag ‘yon sa desk ko.
“Next time, Ms. Cruz, mag–makeup ka na sa labas dahil General Psychology ang subject mo sa akin, hindi cosmetology,” mariin na sambit niya, kaya naman pinamulahan ako ng mukha.
“Okay, Class! Yesterday, we talked about what Experimental, Industrial, or Organizational Psychology are. So our topic for today is Abnormal Psychology. And what is Abnormal Psychology? Anyone from this group?” turo na tanong niya sa mga kaklase kong nasa row one, ngunit walang may gustong sumagot, kaya pagkakataon ko ng magpapansin.
“Sir Canton—I mean, Sir Faxton,” taas ko sa aking kanang kamay.
Nagsalubong pa ang kilay niya nang tumingin siya sa akin. “Okay, I’ll try you, Ms. Cruz.”
Tumayo ako’t huminga muna ako ng malalim. “Abnormal Psychology is when a person is going crazy, that’s why she/he is brought to Mandaluyong. So that’s it, Sir.”
‘Pinagsasabi mo, Ms. Cruz? May nabasa ka bang Mandaluyong sa libro ninyo?” gagad niya, kaya naman lihim akong napangiti kasi nakisakay siya sa kabaliwan ko today.
“Wala, Sir. Pero saan ba dinadala ang may mental disorder? Hindi naman sa puso mo, ‘di ba? Kaya sa Mandaluyong, at iyon ang sagot ko,” ngisi ko sa kanya dahilan upang umigting ang panga niya’t nagsitawahan naman ang ibang kaklase ko.
“Cut it out!” halos sigaw niya sa amin. “Mabibilang na lang ang estudyanteng matino sa inyo. So get one whole sheet of paper. And write down what abnormal psychology is, and the types of mental disorder,” pahayag niya. At matalim na tingin ang ipinukol sa akin, ngunit nginitihan ko lang siya.
Gusto ko sanang sabihin niya na—MAIWAN KA RITO, MS. CRUZ! Kaso naman ay hindi siya nagpapaiwan ng estudyante rito. Ni magbura sa white board niya’y siya pa rin talaga ang gumagawa niyon.
I took my paper inside my bag, at nagsagot na ‘ko. Alam ko naman talaga ang sagot, pero pilya ako.
Tapos na ‘kong magsulat. At nakita kong lumabas si Sir Faxton, kaya naman mabilis akong gumawa ng love letter.
At sana this time ay mabasa niya na ito dahil isang daan na yata nagagawa ko’y itinatapon lang niya iyon.
Kaya lalakihan ko na ang penmanship ko nang makita na ng apat niyang mata. At isinulat ko ang ‘YOU’RE MINE, PROFESSOR! At titig mo pa lang ay makalaglag pánty na”
Kung hindi pa niya ito mababasa, karatola na ibibigay ko sa kanya. At isasabit ko ‘yon sa pinto ng apartment niya.
Tumayo na ‘ko’t inilagay ko na ang papel ko sa ibabaw ng mesa ni Sir Faxton. At palihim kong isinilid ang itinupi kong papel sa ilalim ng laptop niya.
Hindi ako napansin ng mga kaklase ko dahil abala ang mga ito sa pagsagot. At agad naman akong bumalik sa upuhan ko na siyang pagdating ni Sir Faxton.
“Okay, pass your paper dahil ten minutes to go ay uwihan na,” imporma niya na tumingin sa suot na relo.
5:35pm pa lang, pero medyo madilim na dahil December na, eh. Ganito na talaga kapag ber months. Napatingin ako sa library na katabi lang nitong room namin, at doon muna ako tatambay dahil bukas pa naman ‘yon hanggang alasais y medya.
Ipinasa na ng mga kaklase ko ang kanilang papel. Nagdasal muna kami, at lumabas na. Subalit sumulyap muna ako kay Sir Faxton, at nakatingin pala siya sa akin, kaya naman pinanliitan ko siya ng mata.
Assuming ako na papansinin niya ‘ko, pero deadma lang! At hindi talaga ako nagkamali na sa classroom lang siya wild!
“Sasabay ka ba sa akin, Priscilla?” tanong ni Cristina sa akin.
“Hindi na, dahil may pupuntahan pa ‘ko. Mauna ka na’t ingat ka,” pagpapa–alala ko rito.
“Ikaw rin dahil pa–gabi na,” tugon nito.
Umalis na ito kasama ng mga ilang kong klasmeyts. At tinungo ko na ang library. Sinilip ko kung nasa classroom pa si Sir Faxton, pero wala na siya roon.
Pumasok na ‘ko sa library, at pinili ko ang parte na madilim na. Kumuha ako ng libro nang may mag–abot niyon, at nanlaki ang dalawang mata ko nang mapagsino ito.
“Si–Sir Faxton,” kinakabahang sambit ko.
“Anong ibig sabihin ng love letter na inilagay mo sa ilalim ng laptop ko, Ms. Cruz?” agad na tanong niya sa akin.
Amoy na amoy ko ang menthol niyang hininga. Siguro’y nag–mouth wash pa siya bago pumunta rito. At dahil ang lapit ng mukha niya’y bahagya akong umatras.
‘Yo–’Yon ba? Nabasa mo na, ‘di ba? Ba–Ba’t nagtatanong ka pa?” supladang sagot ko.
“I’m not playing with you, Ms. Cruz. Just fuckíng answer me if why would you do that?” mariin na tanong niya.
“Simple lang, dahil gusto kita,” diretsahang sagot ko dahilan upang tumaas ang isang kilay niya.
“Really? Pero hindi ako pumapatol sa batang isip na tulad mo, Ms. Cruz, lalo na’t estudyante ko pa,” mariin na sambit niya sa salitang estudyante.
“So? And I’m not fuckíng young anymore ‘cause I know how to kiss like this,” asik ko na marubdob ko siyang hinalikan, subalit inilayo niya ang kanyang mukha sa akin, kaya nainis tuloy ako.
“Don’t test my patience, Ms. Cruz,” maawtoridad na wika niya.
“Ow? Pero ba’t nag–iinarte ka pa, Sir Faxton? Alam ko namang nagpipigil ka, ‘di ba? Kunyari ay galít ka, pero ang totoo’y nag–iinit ka na sa ‘kin. And feel this,” muling gagad ko na kinuha ang kamay niya’t ipinahawak ang súso ko. “Ngayon mo sabihing maliit ‘yan, Sir,” ngisi ko sa kanya.
Subalit nagulat ako dahil binuhat niya ako’t ipinasandal sa bookshelves. At walang sabi–sabing sinibasib ng halik ang labi ko, pababa sa aking leeg, hanggang isa–isa niyang alisin ang butones ng uniporme ko.