KABANATA TRENTA’Y SEIS TAPIK SA PISNGI ANG gumising sa natutulog ng diwa ni Louisa, pagmulat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya ang nakakaawang mukha ni Mang Kanor. May sinasabi ito ngunit hindi niya gaanong naiintindihan dahil sumesenyas lang ito sa kanya. May narinig silang mga yabag na papalapit kaya naman umayos na siya ng upo. Apat na araw na silang bihag doon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang motibo ng mga taong kumidnap sa kanila. Hindi pa rin ito sumasagot sa mga tanong niya kaya naman hindi na rin siya nakikipag-usap sa mga ito, sa tuwing pupuntahan sila ng mga ito ay magbibigay lang ang mga ito ng pagkain at aalis na. Ayaw man niya sa mga pagkaing binibigay ng mga ito ay kailangan niyang piliting kumain, kailangan niya ng pagkain para maka

