LAHAT SILA AY NAKATUTOK SA giinagawa ni Shasha, sa bilis nitong mag-type ay hindi na nila masundan ang bawat letrang pinipindot nito at ang mga salitang sinusulat nito. Ilang beses din itong nag-log in at nangailangan ng passord bago may lumabas na GPS tracker sa screen ng laptop niya. "There you go." Pinalakihan nito ang itinuturong lugar ng pulang tuldok. "Sa Bulacan?" maang na wika ni Maya. "Tatawagan ko si Inspector Dalisay para kaagad na magpatawag ng back-up at puntahan ang lugar na iyan," ani Trixie. Tumango siya at naghanda na para puntahan ang lugar na itinuturo nito. "Dito na lang kayo, ako at si Luke na lang ang sasama kay Noriel," wika ni Ike sa mga babae nilang kaibigan. "Mag-iinggat kayong tatlo, sana maiuwi na ninyo su Louisa nang ligtas," ani Maya. Tumango lang s

