KABANATA TRENTA’Y OCHO Napaiyak si Louisa nang makitang masaya si Noriel na kasama si Lindsay. Magkahawak-kamay silang dalawa at nakatingin sa kanya na para bang wala na siyang halaga pa sa binata. “Sabi ko naman sa’yo, di ba? Sa akin lang si Noriel at kailanman ay hindi siya mapapasa-iyo,” ani Lindsay sa kanya. Umiling siya. “Hindi totoo iyan. Hindi ka mahal ni Noriel at ako lang ang mahal niya! Hindi niya pa alam ang totoong nangyari kaya—” “Anong ibig mong sabihin?” Kunot-noong wika ni Noriel na patingin sa kanya. “Noriel, pinagtangkaan akong patayin ni Lindsay. Siya ang may pakana kung bakit ka naaksidente noon at siya rin ang pumatay kay Mang Kanor at sa mga kumidnap sa amin!” wika niya. “Noriel, mahal ko, sinungaling ang babaeng iyan. Ginagawa n

