KABANATA TRENTA’Y NUEBE NASA LABAS SILA ng Blankspace ni Trixie, hindi din siya natiis ng kaibigan niya at pinagbigyan siya nitong makita sa malayuan si Noriel. “Okay, makinig ka sa akin at please lang, kung ayaw mong magkagulo sa loob ay sundin mo ang sasabihin ko,” wika ni Trixie at inayos nang bahagya ang pekeng bangs na pinahiram nito sa kanya. Makapal na salami ang tumatabing sa mukha niya, nilagyan din siya ni Trixie nang tila totoong taghiyawat sa mukha at medyo pinaitim ang kulay ng mukha niya. Nakasuot siya ng isang bulaklaking kulay dilaw na blouse na may mahabang mangas at isang dark gray na trouser. In short, ginawa siya nitong matandang dalaga. Tumango siya. “Papasok tayo sa loob ngunit susunod ka lang sa akin, ipapakilala kita sa mga kaibigan natin na Tita ko na kauuwi

