KABANATA KUWARENTA "Anong naisip mong plano, Louisa?" tanong ni Weng sa kanya. "I need to talk to Noriel... alone." seryosong sagot niya. "Iyon lang?" saad naman ni Maya. Tumango siya. "Iyon lang, pero ang tanong doon ay kung paano ko iyon magagawa nang hindi nakabuntot si Lindsay." "Iyon lang." Panggagaya ni Weng kay Maya. "I can kidnap him if you want," sabad ni Luke na katatapos lang makipag-usap kay Inspector. "Gagawin mo iyon?" tanong niya. Tumango ito. "Kung iyon lang ang paraan para matigil na si Lindsay sa kalokohan niya, bakit hindi? Nakausap ko na si Inspector Dalisay at inihahanda na niya ang lahat ng nakalap kong ebedinsiya laban kay Lindsay. Pati DNA samples ni Lindsay ay binigay ko na." "Parang ikaw ang may nakahandang plano kesa sa a

