Love can always find its way to the two people destined to be with each other arms. Iyon ang napatunayan ni Noriel sa kanyang sarili. Sinubok ang pag-iibigan nila ni Louisa at marami silang pinagdaanan sa kani-kanilang buhay bago nila nakamtan ang pag-ibig na nararapat para sa kanilang dalawa. Isang taon na ang nakakalipas simula nang mawala ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ni Louisa. Hinayaan niya itong magluksa at hindi niya ito iniwanan, gusto niyang iparamdam rito na nasa tabi lang siya nito, aagapay at masasandalan nito kapag hindi na nito nakayanan pang dalhin ang bigat na dinadala nito. Pagkatapos mailibing ni Luke ay bumalik na sa kanya-kanyang normal na gawain ang mga kaibigan niya. Nagbalik na rin ang alaala niya at hindi siya nagtanim ng galit sa mga magulang ni Louis

