“ANONG IBIG MONG sabihin?” salubong ang kilay na tanong niya kay Mang Kanor. “Matagal ko nang gustong sabihin ito sa’yo kaso hindi kita matiyempuhan. Ngayon nga nagbaka-sakali lang ako na madatnan ka dito. Nag-aalala ako sa’yo dahil noong isang araw na puntahan kita sa restawran mo ay nakita kong nakaabang ang lalaking iyon sa labas. Mukhang inaabangan ka yata,” paliwanag nito. Mas lalo siyang naguluhan sa mga pinagsasasabi nito. “Mang Kanor, gusto ko pong malaman ang lahat ng alam niyo sa nangyari noon. Nabanggit mong hindi totoong patay si N-Noriel, paano mo po mapapatunayan iyon?” Tiningnan siya ni Mang Kanor at bago ito magsalita ay huminga muna ito na malalim. “Nang mawalan ka ng malay ay kaagad kang iniuwi ng mga magulang mo, nagpaiwan ako dahil hindi kinaya ng

