"SOMETIMES, being in love sucks. Papaniwalain mo ang sarili mong mahal mo nga siya pero ang totoo gusto mo lang siya dahil sa mga katangian niyang nagbibigay sa'yo ng kilig at tuwa," aniya habang nakatingin kay Weng. Ilang minutong naging tahimik ang silang apat sa mesang iyon. Hanggang sa binasag iyon nang pagbagsak ng mga pinggan mula sa likuran niya. Tumayo si Weng at tinulungan ang kung sinumang nasa likuran niya. "I... I'm sorry, medyo madulas lang ang k-kamay ko. Lilinisin ko na lang ito." Napalingon siya sa garalgal na boses na iyon ni Louisa. "No, leave it there. I'll call someone to clean it," wika ni Weng na hinawakan pa ang mga kamay ni Louisa. Tumayo na rin siya para lapitan ito ngunit mabilis na nakalapit si Luke na lumitaw lang bigla. "Hey, what happened?" Tumingin sa

