PAKIRAMDAM ni Luke ay ito na iyong pinakamatagal na segundong nangyari sa buong buhay niya and at the same time ang pangyayaring gusto na din niyang kalimutan agad-agad. Ngayon niya gustong pagsisihan ang lahat nang ginawa niyang plano, it's really funny how destiny plays the heart of the people. Nang matauhan ay agad niyang nilapitan si Loulou at hinila palayo sa lalaking hindi man lang kakakitaan ng kahit na anong senyales na kilala nito ang dalagang kaharap nito. "Loulou are you okay?" tanong niya dito at banayad na hinagod ang likod nito, pasimple din niyang pinunasan ang pisngi nitong basa ng luha. Para namang natauhan si Loulou sa ginawa niya at tumingin sa pinsan nito at sa katabi nitong lalaki. "You know each other?" sabay na tanong ng dalawang babae na nagpalipat-lipat pa ng t

