NAGSIMULA nang mag-ingay ang mga tao kaya kahit hindi tumingin si Louisa sa entablado ay alam niyang naghahanda na ang bandang Slime Edge. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang papunta sa Bar Island upang humingi ng maiinom. Dahil sa dami ng tao at mga matang nakatingin sa kanya ay kailangan niya ng lakas ng loob para isa-isang harapin ang mga ito at nginitian kaya kailangan niyang uminom ng alak ng sa gayun ay magkaroon siya ng fighting spirit na harapin lahat ang mga bisita. Nang magsimulang tunugtog ang banda ay bahagya siyang huminto at pinakinggan ang tunog ng gitara. That mellow string sounds wrapped her soul and held her back remembering about this very one song. Wala sa sariling napangiti si Louisa, ngiti na may kasamang lungkot. Ipinilig niya ang kanyang ulo at muling humakban

