PAGKATAPOS NANG PAG-UUSAP na ginawa nilang dalawa ay minabuti ni Luke na bumalik sa Los Angeles para ayusin ang lahat. Gusto niyang kausapin si Lindsay at paaminin sa ginawa nito dahil kahit hindi nito sabihin ay alam niyang may kinalaman ito sa nangyaring aksidente kay Noriel. Matagal silang nagkaroon ng relasyon ni Lindsay kaya alam niya ang ugali ng dalaga at iyon din ang dahilan kung bakit niya ito hiniwalayan. Kapag may gusto ito ay hindi puwedeng hindi nito makuha. Iniwan niya si Loulou at ibinilin kay Yhael. Alam naman kasi niyang hindi nito papabayaan si Loulou dahil ramdam niyang mahal din nito ang dalaga. Naalala niya pa ang huling beses na nagka-usap sila. Pinuntahan niya ito sa Condo nito at gulat na gulat ito nangg makita siya. “What are

