“Anong alam ni Louisa?” tanong ni Trixie. “Are you familiar with Mang Kanor?” he asks. “Yeah, dati siyang driver nila Louisa. Teka nga, sagutin mo ang tanong ko, anong alam ni Louisa? Tsaka sinabi mo na bang may naaalala ka na?” sunod-sunod na tanong nito. “No. I didn’t tell her yet, alam mo namang hindi ko pa kayang gawin iyon ngayon. Not now,” sagot niya. “Just get to the point, Yhel. Anong nalalaman ni Louisa at ano ang kinalaman ni Mang Kanor?” naiinip nang saad ni Trixie. Hindi niya napigilang matawa sa naririnig na pagka-inip sa boses nito. “Galing ako kay Louisa, inamin niya sa akin ang sinabi ni Mang Kanor sa kanya at habang nagku-kuwento siya ay may naalala akong kasama si Mang Kanor. He was beside me and talking to me,” aniya. “Where? And what did Mang Kanor said to Lou

