MABILIS na lumipas ang mga araw para kay Loulou, pinilit niyang maging okay at ipakitang hindi siya naapektuktuhan sa nangyaring kaguluhan ilang araw na ang nakakaraan. Ayaw nyang mag-alala ang mga ito sa kanya, mas mabuti nang ang alam ng mga ito ay okay siya. Ang tanging naging problema lang ay si Kevin, galit talaga sa kanya ang binata at kahit anong gawin niya ay hindi siya nito pinapansin. Para bang hindi siya nito nakikita kahit na nasa harapan niya lang ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin ito ngunit lagi siyang iniiwasan nito o di kaya naman ay pinaparinggan. Nasasaktan siya sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang tanggapin kung anuman ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya ito masisi dahil talaga namang masakit ang ginawa niya sa matalik nitong kaibigan. Ipinagdadasal

