SA HULI, mas pinili na lang ni Luke ang manahimik at tiisin ang sakit. Kailan ba nabago ang ganitong sitwasyon? Simula nang magkakilala sila, malinaw na sinabi sa kanya ng dalaga na hanggang pagka-kaibigan lang ang maibibigay nito sa kanya at wala namang kaso ‘yun sa kanya dahil tanggap niya naman ‘yun ng buong puso, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag naririnig niya ‘yun mismo mula sa dalaga. Lihim siyang napa-buntong hininga at sinulyapan ang dalaga. ‘Kailan mo kaya mapapansin na nandito ako sa tabi mo at handa kang mahalin?’ “I’m just wondering, why did you decide to build this kind of business? I mean, your family holds the title of business magnets here and outside the country, you can work there and manage your business. You’re their one and only heiress, right?” tanong ni Mr. Y

