“Sana gitara na lang ako,” nakangiting wika ng isang binata sa dalagang naka-uniporme at nagbabasa sa isang lilim ng puno. Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinagmasdang mabuti ang itsura ng lalaki, Nakaputing polo ito at kupasing maong at kamukhang-kamukha niya. “Bakit?” nakataas ang kilay na tanong ng dalaga. Hindi niya makita ang mukha nito ngunit malinaw sa kanya ang malambing na boses nito. “Para habang kumakanta ka, yakap-yakap mo ‘ko.” Maluwang ang ngiting wika ng binata. Itiniklop ng dalaga ang librong hawak nito at tinitigan ang lalaking kasama nito. “Wala bang mas ko-korni sa pick-up line mo? Hindi na kasi siya benta sa akin,” anitong pinipigilan ang pagtawa. “Sus, hindi raw mabenta pero kinikilig naman,” wika ng binata at tumabi sa dalaga. “Hindi ako kinikilig,” pagtanggi

