Malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid ng makarating sila sa lugar na sinabi ng mga kidnaper. "Ernesto.. Si Warren, h'wag mo siyang pababayaan please," paki usap ni Heaven ng pigilan siya ng mga pulis na tumungo sa lugar. Hindi nasunod ang gustong mangyari ng mga kidnaper na si Heaven ang magdala ng pera dahil nasukol agad ng mga alagad ng batas ang mga kidnaper ngunit hindi pa rin nila nababawi ang bata. "Daddy.... Help me.." Napatulala si Ernesto nang makita niyang nakatutok ang baril sa ulo ng kanyang anak. "Bakit mo ba ginagawa ito? Anong kasalanan ng anak ko, namin sa iyo?" tanong ni Ernesto sa lalaking nakaharap niya bitbit ang kanyang anak. "Hindi ba sinabi ko sa iyo na si Heaven ang gusto kong makaharap, at hindi ikaw. Napaka tigas ng ulo mo! Kahit kaila

