Maging si Ernesto, nagulat din sa rebelasyon na kanyang napakinggan kaya agad niyang nilapitan si Heaven at niyakap. Dinala ni Ernesto ang magkapatid sa kan'yang bahay upang makakain dahil alam n'yang mga gutom na ito. "Kuya, kumusta si daddy?" tanong ni Heaven habang nakatingin lang sa pagkain at hindi ito man lang magawang galawin. "Okey na siya, pero nanatili pa rin siya sa hospital para e-monitor ang kan'yang kalagayan," tugon ni Paulo habang kumakain. "Gusto ko siyang makausap kuya, marami akong gustong malaman sa mga bagay bagay. Gulong gulo pa rin ang isip ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang ginagawa sa akin ni kuya Albert." Muling tumulo ang luha ni Heaven. "Kumain ka na muna, need mo ng lakas. Uuwi tayo sa Manila upang personal mong makausap si daddy, pero Heaven ang

