Chapter 2

1476 Words
"Good morning ma'am, coffee?" alok ni Ernesto kay Heaven ng abutan siya nito sa may canteen. "No thanks," seryusong tugon ni Heaven at hindi man lang nito makuhang ngumiti. "Ahm.. Ate kakain ako, bigyan mo nga ako nito isang order at dalawang rice," saad ni Heaven sa tindira ng canteen. "Mukhang mahilig ka pala sa rice ma'am ha, hindi halata dahil sexy ka pa rin," saad naman ni Ernesto. Ngunit hindi iyon pinansin ni Heaven at umaktong wala lang siyang naririnig. Naalala pa kasi niya kung paano siya nito tratuhin sa unang araw niya sa trabaho. "Baka pagod lang si ma'am foreman alam mo na," saad naman ng isang trabahador. Patuloy lang sa pag deadma si Heaven at kumain ng kumain totoong mahilig siya sa rice at iyon din ang pinagpapasalamat niya dahil kahit ata maka limang cup siya ng rice ay hindi nagbabago ang kanyang timbag na tamang tama sa kanyang height. "Trabaho rin ba ng isang general foreman ang pagmasdan ako habang kumakain?" mataray na tanong ni Heaven kay Ernesto ng mahuli niya itong nakatingin sa kanya. "Hindi ma'am, sorry ma'am na-amaze lang po ako sa inyo dahil hindi halata sa hitsura ninyo ang ganyang kalakas kumain, mukhang gutom na gutom po kayo eh. Kumain po ba kayo kagabi? Mukhang hindi eh," nakangiting tugon ni Ernesto. "Hindi, maagap kasi akong natulog. Pwede ba? Huwag ninyo akong kakausapin kapag kumakain ako dahil ayaw ko ng inaabala ako." Pabagsak na kinuha ni Heaven ang kanyang ulam. Isa talaga ito sa pinaka ayaw ni Heaven ang kinakausap siya habang kumakain dahil nawawalan siya ng gana. "Sorry ma'am, sige po alis na po kami." Agad naman tumayo si Ernesto buhat sa kanyang pagkakaupo. ***** "Mukhang mataray at strikta iyong bago nating engineer ano foreman? Sayang maganda pa naman may boyfriend na kaya iyon?" tanong ng isang trabahador kay Ernesto. "Ganoon naman talaga kapag fresh graduate, akala mo kung sino umasta at parang ang daming alam. Ang dami ko ng nakasalamuhang ganyan, sa una lang iyan gusto kasing magpakitang gilas kulang pa naman sa kaalalam," tugon ni Ernesto. "Sabagay, naalala ko nga dati may pinahiya kang engineer dahil pinipilit niyang gawin iyong hindi pa dapat at sa bandang huli ikaw pa rin ang masusunod dahil ikaw ang tama. Pero mukhang si ma'am Heaven pa lang ang nakilala nating batang bata na engineer at maganda pa, mukhang bagay kayo foreman ligawan mo kaya para bumait at mawala man lang ang kabadtripan nun sa atin," saad muli ng trabahador. "Naku! Eh, mukhang badtrip na badtrip sa akin iyon. Saka mukhang matapobre at siguradong may boyfriend na iyon sa ganda niyang iyon imposibleng wala pa iyong kasintahan," tugon muli Ernesto. Amininado si Ernesto na humahanga siya kay Heaven pero wala sa isip niya ang ligawan ito kahit magpacute man lang dahil alam niyang hindi siya papasa sa taas ng standard nito. **** Nagtutulakan pa ang mga trabahador patungo sa kinaroroonan ni Heaven habang oras ng breaktime waring may gusto itong mga ito na sabihin o itanong sa dalaga. "Hi ma'am, may gusto lang po sana akong itanong sa inyo? Ahmm.. Ano po may nagpapatanong lang. Kung may boyfriend na raw po kayo?" tanong ng isang trabahador kay Heaven. "Huhhh... Sino naman ang nagpapatanong?" tugon ni Heaven. Ayaw niyang maging suplada at strikta dahil oras naman ng breaktime kaya maayos siyang makipag usap sa mga trabahador. "Si foreman Erne, ewan ko ba dun bakit kailangan pa niyang mag utos sa amin kung pwede naman siya mismo ang magtanong sa inyo ma'am diba?" nakangiting saad ng isa namang trabahador. Biglang kinabahan si Heaven ng marinig niya ang pangalan ni Ernesto, at hindi nila alam kung bakit at hindi rin niya mapaliwanag ang ganoong pakiramdam. "Wala akong boyfriend," ngumiti si Heaven. "Si foreman din po walang girlfriend," nakangising saad ng trabahador. "Ewan ko sa inyo, diyan na kayo malapit na matapos ang breaktime ha back to work na," tanging saad ni Heaven. Hindi alam ni Heaven kung maiinis siya o kikiligin dahil sa kantyaw ng mga trabahador dahil sa totoo lang iyon ang unang pagkakataon na may nakakausap siyang mga lalaki dahil mula pagkabata wala siyang kaibigan man lang na lalaki dahil strikto ang parents niya maging ang kanyang mga kuya. Kaya ang tanging nakakasalamuha lang niya ang kanyang bodyguard kaya minsan iniisip niyang magpasalamat na lang dahil sa pagtakwil sa kanya ng kanyang ama upang maranasan man lang niya maging malaya. ****** Agad nilapitan ni Ernesto si Heaven sa may sakayan ng taxi ng makita niya ito oras na ng kanilang out sa trabaho. "Ma'am, mukhang ginabi na po kayo bihira na po ang dadaan ditong taxi sa ganitong oras gusto n'yo angkas na po kayo sa motor ko at ihahatid ko na po kayo sa bahay ninyo?" tanong ni Ernesto. "Ano 'yan part ba 'yan ng pag alam mo sa personal ko na buhay? Kung kanina pinapatanong mo kung may boyfriend na ako, ngayon gusto mo naman malaman kung saan ako nakatira?" seryusong tugon ni Heaven. Napakunot ang noo ni Ernesto, dahil mukhang wala siyang alam sa sinasabi nito. Sasagot pa sana si Ernesto pero may isang black Audi ang pumarada sa kanilang harapan. "Heaven sakay na ihahatid na kita," seryusong saad ng kapatid ni Heaven. "Ah sige foreman mauna na ako," paalam ni Heaven at agad din itong sumakay sa kotse. Kilala ni Heaven ang kanyang kuya, ayaw nitong may nakakausap siyang lalaki kaya umiwas agad siya baka kung ano-anong itatanong nito kay Ernesto. "Sino 'yun?" seryusong tanong ng kuya ni Heaven. "Ahmm. Foreman sa trabaho namin may tinatanong lang about sa plano. Ahmm paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" pag-iiba ni Heaven sa kanilang usapan. Napadaan ako kanina at nakita kita, ok lang ba ang trabaho mo dito? Huwag mong sasabihin sa iba natin na kapatid na nakausap tayo tiyak yari ako kay daddy. Ikaw kasi sinuway mo pa si daddy ayan tuloy pinalayas ka," tugon ng kuya ni Heaven. "Ok naman ang trabaho ko kuya, haysss... Mas pinagpapasalamat ko pa nga na pinalayas ako ni daddy dahil tingnan mo naman malaya na ako, at nagagawa ko na ang gusto ko," tugon ni Heaven. "Akalain mo kung kailan ka nagka edad ng ganyan saka ka pa nagrebelde? Saan nga pala kita ihahatid?" tanong ng kapatid ni Heaven. "Sa house ni Susana, pero pansamantala lang ako doon kapag nakaipon na ako bibili ako sarili kong apartment kahit maliliit lang," tugon muli ni Heaven. "Mag-iingat ka palagi, at sana balang araw matanggap ka ulit ni daddy," saad muli ng kapatid ni Heaven. Napangiti si Heaven dahil sa tatlo niyang kapatid na lalaki itong kuya niyang si Albert ang may concern sa kanya kahit papano pero tulad ng iba niyang kapatid tagasunod lang ito ng kanyang ama na nagpapatakbo sa buhay nila. "Thank you kuya Albert, ingat ka rin palagi," saad ni Heaven nang makababa na ito ng sasakyan. Tanging ngiti lang ang tinugon ng kuya nito bago ito umalis. Napabuntong hininga na lang si Heaven dahil kahit ganoon ang relasyon niya sa pamilya niya ngayon nakaramdam pa rin siya ng pagkamis sa mga ito. **** "Good morning ma'am, mukhang happy ka ngayon ah," bati ni Ernesto kay Heaven ng makita niya ito na kumakain sa canteen. Hindi naman tumugon si Heaven, dahil ito na naman ang pinaka ayaw niya ang kinakausap siya habang kumakain. "Baka matunaw si ma'am Heaven, foreman. Naku...." Napatawa pa ang isang trabahador. Kaya napatingin si Heaven kay Ernesto, at tama nga ang trabahador dahil nakatingin nga ito sa kanya habang nakangiti. "May dumi ba ako sa mukha foreman?" seryusong tanong ni Heaven. "Wala naman ma'am, bukod sa napaka ganda ninyo eh nakaka aliw talaga kayong tingnan habang kumakain," tugon ni Ernesto at lalong lumapad ang ngiti nito. "Ehemm.... Diyan nag umpisa ang mama at papa ko haha." Panunukso naman ng isang trabahador. "Tigilan n'yo na si ma'am at may boyfriend na iyan. Kayo talaga," saad muli ni Ernesto. "Boyfriend? Sabi ni ma'am kahapon wala siyang boyfriend diba ma'am?" tanong ng isang trabahador. Hindi naman tumugon si Heaven dahil may laman ang kanyang bibig. "Naniwala naman kayo? Eh kitang kita ng dalawa kong mata na may sumundo sa kanya naka kotse at gwapo," saad ni Ernesto. Saktong tapus na si Heaven sa kanyang pagkain kaya tumayo siya at hinarap si Ernesto," Malisyuso ka, ano 'yun kapag ba may sumundo na lalaki sa akin boyfriend ko na agad? Hindi ba pwedeng kaibigan, pinsan o kapatid? Kapatid ko po iyon sumundo sa akin kahapon for your information," paliwanag ni Heaven at saka ito umalis. "Kapatid naman pala sir, ikaw talaga nagselos ka agad masyado ka naman seloso," saad ng isang trabahador at doon nagtawanan ang iba pang naroroon. Hindi na nilingon ni Heaven ang mga ito dahil napapangiti na lang siya, at napaisip bakit nga ba siya nagpapaliwanag eh ano naman kung isipin ni Ernesto na boyfriend niya ang kanyang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD