Chapter 3

2102 Words
Napabuntong-hininga na lang si Heaven habang pinagmamasdan ang buong site, hindi pa kasi dumadating ang ilang mixer truck para sa gagawin nilang buhos ngayong araw at ang malala pa dapat mabuhusan na dahil ito ang nakatanging oras para matapos ang unang palapag ng building. "Manong, bakit kaya hindi pa dumarating ang mga truck ng mixer? Nagkaaberya po ba? Pwede bang tawagan ulit sila?" sunod-sunod na tanong ni Heaven sa isang tagapagbantay ng bodega. "Ma'am kanina pa po dumating, hindi n'yo po nakita?" tugon ng trabahador. "Hindi eh, pero kung dumating na sana bakit hindi pa nagsisimula? Alam naman nila na need na itong mabuhusan ngayon diba?" Napakunot ang noo ni Heaven. "Pinaalis po ni foreman Erne ang mga truck mixer, nagalit pa nga po siya kanina dahil bakit daw po nagpadeliver agad eh hindi pa naman po sure na mabubuhusan ngayon," tugon muli ng trabahador. "Wow! I can't believe this!" Lalong kumunot ang noo ni Heaven at agad itong tumungo sa kinaroroonan ni Ernesto. "Foreman!? Bakit gumagawa ka ng hakbang ng hindi sinasabi sa akin? Bakit pinaalis mo ang mga mixer eh ngayon ang schedule ng buhos diba!?" singhal ni Heaven kay Ernesto. "Ma'am, mawalang galang na po. Sana rin po nagtanong kayo sa akin kung tuloy ba at ok na ba ang lahat bago kayo gumawa ng action. Ma'am, kulang na kulang pa po tayo sa materyales kaya hindi pa pwede maag buhos ngayong araw na ito. Oh, ano pong gagawin namin bubuhusan namin iyan kahit alam namin na hindi pa pwede?" tugon ni Ernesto. "Trabaho mo ang padaliin ang trabaho ng trabahador mo, matuto sana kayong sumunod sa kuntrata foreman para maayos ang bawat trabaho natin? Paano iyan ngayon saan ma cha-charge ang nasayang na mixer hindi ba sa akin!? My gosh! Trabahuhin n'yo naman ng maayos ang trabaho ninyo dahil nakakaperwesyo kayo!" singhal muli ni Heaven kay Ernesto. "Wait lang ma'am, bago ninyo pagtaasan ng boses kaming mga tao dito, sana inaalam n'yo muna kung paano kami mag trabaho. Sa tingin n'yo po gusto namin mapatagal ang trabahong ito? Hindi ma'am, anong oras na ma'am at lahat kami pagod na pagod na at gusto na namin magpahinga, gusto ninyo talagang mapadali ang trabaho sige, pabalikin ninyo dito ang mga truck mixer para magbuhos na ngayon pero kapag bumigay iyan at may mapahamak na tao walang ibang masisi kundi kayo!" Medyo tumaas na rin ang boses ni Ernesto dahil hindi sila nagkakaintindihan ni Heaven. "Bakit ako ang masisi? Hindi ba dapat ikaw? Kayong lahat, dahil hindi ninyo minamadali ang trabaho n'yo? Gosh!" Napahawak pa si Heaven sa kanyang ulo. "Ma'am naririnig n'yo ba ang sarili n'yo? Pinapaliwanag ko ng maayos ang totoong sitwasyon namin. Unang-una, kulang po tayo sa tao at maraming umabsent ngayon. Pangalawa, kulang na kulang pa tayo sa materyales kaya hindi agad agad matapos ang dapat tapusin. Palibahasa planer lang ang alam mo at umutos kaya wala kang alam kung anong totoong sitwasyon," saad ni Ernesto at sa pagkakataong iyon medyo mahinayon ang kanyang pagsasalita. "Are you saying na stupid ako? Wow!! Hindi ako magiging license engineer kung wala akong alam sa trabahong ito!?" At doon namula na ang pisngi ni Heaven. "Oo, license engineer ka at iyon lang ang lamang ninyo sa amin. Papel lang ang lamang ninyo sa amin, pero pagdating sa sitwasyon ng trabaho masasabi kong lamang na lamang kami sa iyo, dahil sa totoo lang sa totoong laban experience ang mainan kesa sa kaalaman. Baguhan ka pa lang sa trabahong ito, kaya sana makuha po ninyo ang punto ko." At sa pagkakataong iyon binagsak ni Ernesto ang hawak hawak niyang martilyo sa harap ni Heaven saka umalis. Hindi nakapagsalita si Heaven sa pagkakataong iyon dahil nakaramdam siya ng pagkahiya totoo naman na tanging planer at kuntrata lang ang kanyang alam bukod doon ay wala na, totoong wala pa siyang alam pagdating sa actual na trabaho lalo na baguhan pa lang siya at walang experience. Ang gusto lang naman kasi niya bumango ang pangalan niya sa opisina kaya gusto niya na mapadali ang trabaho na hindi niya naisip kung makakaya ba ng mga taong gumagawa. **** "Mukhang napahiya si ma'am Heaven sa sinabi n'yo foreman, umalis ng walang lingon lingon at imik eh," saad ng isang trabahador kay Ernesto. "Hayaan n'yo siya. Akala niya papasindak ako sa kanya, hindi lang siya ang nakaharap kong ganyan na akala mo kung sinong magaling at sa bandang huli wala pa rin sinabi, sa tagal ko na sa trabahong ito ako pa ang aangasahan niya ng ganyan," saad ni Ernesto. Matapos ang pagtatalong iyon lumipas ang ilang araw na hindi sila nag uusap dahil tanging nakapukos lang sila sa kani-kanilang trabaho. Hinayaan na ni Heaven si Ernesto sa trabaho dahil totoo naman na mas marami pa itong nalalaman kesa sa tulad niyang baguhan lang. **** "Ma'am Heaven, ano pong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Ernesto kay Heaven ng makita niya itong naglalakad malapit sa kanyang inuupahang apartment. "Foreman, ikaw pala. Ahmm... Naghahanap ako ng bakanting apartment gusto ko kasing mag rent pansamantala para naman medyo malapit lapit sa work," tugon ni Heaven. Napakunot ang noo ni Ernesto, dahil ang tingin niya sa kay Heaven ay anak mayaman pero bakit maghahanap ito ng simpleng apartment lang imbes na condo unit. "Sige po samahan ko po kayo, kilala ko po ang may-ari ng mga apartment na ito at ang pagkakaalam ko bakante po ang unit na iyon." Tinuro ni Heaven ang isang unit, at isang unit lang pagitan mula sa apartment na tinutuluyan niya. Nakuha ni Heaven ang unit na iyon kaya laking pasasalamat niya kay Ernesto dahil hindi siya inabot ng maghapon at agad siyang nakalipat inabot na kasi siya ng hiya kay Susana kaya mas pinili niyang bumukod kahit hindi niya alam kung kaya niyang maging independent at mabuhay ng sarili lamang. "Thank you talaga foreman ha, kung wala ka baka inabot ako ng madaling araw dito hindi pa ako tapus mag ayos at magligpit ng ilang gamit ko," saad ni Heaven. Kapwa naman sila napaupo sa maliit na sofa matapos ang ginawang pagliligpit. "Wala pong anoman. Huwag na po foreman ma'am itawag ninyo sa akin, Ernesto na lang po at wala naman po tayo sa trabaho," tugon ni Ernesto. "So, kung ganoon din naman pala eh bakit may po po ka pang nalalaman at ma'am diyan? So call me Heaven or Pearl kung saan ka komportable." Ngumiti si Heaven. "Ganda n'yo pala ma'am pag nakangiti ahmm.. I mean Heaven." Ngumiti rin si Ernesto. "Ikaw talaga nambola ka pa. Pasensya ka na ha kung pakiramdam mo nasusungitan ka sa akin at seryuso ako sa trabaho, kasalan talaga ito ng professor ko eh huwag daw kami pa sindak sa mga trabahador dahil baka hindi kami galangin," saad muli ni Heaven habang nakangiti. "At humanap ka pa talaga ng masisi ha, pero hindi naman po lahat ng trabahador ay bastos at walang modo. Karamihan po sa amin kunting pakikisama lang ok na, at tiyak makakasundo," saad ni Ernesto. Biglang naalala ni Ernesto ang pangyayari noong mga nakarang araw na nagkasagutan sila na tungkol sa trabaho. "Ahm... Heaven, pasensya ka na pala ha noong nakaraang araw, medyo hindi na maganda ang sinasabi ko sa iyo. Pagod na pagod kasi ako noon, kaya pasensya na talaga," paghingi ng paumanhin ni Ernesto. "Ano ka ba ok na iyon, saka tama ka naman eh. Tama ka sa part na iyon, dahil masyado akong na-excite matapos ang trabaho kaya hindi ko naunawaan ang totoong sitwasyon ninyo. Alam mo na, baguhan lang ako at ang intensyon ko lang makilala agad ako na may achievement iyon pala kulang na kulang pa sa experience. Huwag na nga natin pag usapan iyan, mabuti pa dito ka na maghapunan para naman makabawi ako sa iyo sa naitulong mo sa akin sa araw na ito." Muling ngumiti si Heaven. "Wow, game ako diyan at salamat medyo nagugutom na rin ako. Don't worry hindi ako maselan sa pagkain, lahat ata kinakain ko," saad ni Ernesto. "Ang problema nga lang hindi ako marunong magluto, pero don't worry dahil o-order na lang ako ng mabilisan." Agad tumayo si Heaven at kinuha ang kanyang cellphone. "Ganun? Ganito na lang, ako na magluluto ang pangit naman kung first day mo dito pero hindi ka magluluto at tanging order lang ang food mo pang welcome mo. Sayang din itong mga bago mong gamit sa kusina kung hindi magagamit," mungkahe ni Ernesto. "Talaga bang marunong ka magluto? Hindi ba nakakahiya?" Muling napangiti si Heaven. "Ano ka ba ok lang, kaya mamili ka na at sakto dahil may malapit na supermarket dito," tugon ni Ernesto. Agad naman umalis si Heaven at tumungo sa supermarket. Napapangiti na lang si Heaven habang pinagmamasdan si Ernesto na nagluluto dahil mukhang humahanga na siya dito, bukod sa masipag at mapagkakatiwalan sa trabaho ay mukhang masarap pa itong magluto. Ngayon lang din kasi siya nakakilala ng lalaking marunong magluto. "Hmm... Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon," saad ni Heaven habang nag pe-prepare si Ernesto ng kanilang pagkain sa mesa. Tanging ngiti lang ang tinugon ni Ernesto kay Heaven. "Kailan ka pa natutong magluto?" tanong ni Heaven habang sumusubo ng kanin. "Mula noong nag umpisa akong magtrabaho dito sa Manila, siguro mga 17 years old ako nun," tugon ni Ernesto. Napatigil sa pagkain si Heaven at tumingin kay Ernesto,"What do you mean? Hindi ka nakapag aral at nagtrabaho ka na lang?" "Oo, ako kasi ang panganay kaya ako ang magsasakrispisyo. Noong una nagsisi ako na high school lang natapos ko, at ito kaya isang hamak lang na contrustion worker. Pero naisip ko, masaya pa rin ako na ganito lang narating ko kasi kahit papano nakakatulong ako sa gastusin at pagpapaaral ng mga kapatid ko. Pagsasaka ang trabaho ni tatay, at ang nanay ko naman nagtitinda sa gilid ng simbahan ng mga kung ano-anong pagkain," saad ni Ernesto. "Napakabuti mo pa lang anak, at saka huwag mong nilalang lang ang trabaho mo, kasi kung tutuusin mas marami ka pang alam kesa sa akin," saad ni Heaven. "Ikaw, anong trabaho ng parents mo?" Hindi naman nakatugon agad si Heaven at napainom lang ng tubig sa tanong ni Ernesto. "Ang sarap nitong sinigang, the best talaga at mapaparami talaga ang makakain ko nito." Napangiti si Heaven. "Lagi ka naman maganang kumain, at laging may extra rice ha." Napatawa pa si Ernesto. "Ikaw ha, pinapanood mo talaga ang kain ko tuwing breaktime sa canteen alam na alam mo eh. By the way, ok lang ba na medyo gabihin ka na ng uwi? Baka may magalit sa iyo sige ka." Pag iiba ng usapan ni Heaven dahil nahihiya siya kay Ernesto kung paano siya kumain ng maraming kanin. "Sinong magagalit sa akin? Eh, wala naman akong pamilya pa at kahit girlfriend man lang." Napangiti si Ernesto. Hindi alam ni Heaven kung bakit may saya siyang nararamdaman sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya masayang masaya ang puso niya sa sinabi ni Ernesto na wala pa itong asawa kahit girlfriend man lang. "Eh, ikaw Heaven wala ka pa ba talagang boyfriend?" tanong ni Ernesto at napatitig pa ito sa kanyang dalawang mata. "Ahmm.. Wala," tugon ni Heaven na may kasama pang pag iling-iling. "Manliligaw?" muling tanong ni Ernesto. "Wala, eh kahit nga kaibigang lalake wala ako kaya hindi ko alam iyang ligaw ligaw na 'yan. Nakakahiya man sabihin, pero hindi ko talaga alam kung anong experience ng pagiging teenagers na nagkaroon ng manliligaw at kung ano-ano pa. Kaya salamat dahil sa unang pagkakataon mukhang may magiging kaibigan din akong lalake," tugon ni Heaven. "Kaibigan lang?" Ngumisi si Ernesto. "What do you mean?" tanong ni Heaven. "Wala, wala. Alam mo ngayon lang din ako nakakilala ng babaeng katulad mo eh, sa ganda mong iyan wala ka talagang kahit manliligaw man lang imposible." Muling napangiti si Ernesto. "Oo, ikaw ba naman pag aaral lang inaatupag. Aral bahay, aral bahay. Sige nga, ma e-experience ko pa ba ang pagiging kabataan." Napatawa si Heaven. "Gusto mo bang ma experience ang maligawan?" doon naman sumeryuso ng tanong si Ernesto. At sa pagkakataong iyon nabulunan si Heaven dahil sa tanong ni Ernesto. "Grabi ka naman, hindi na tayo teenagers para balikan iyan. Ikaw talaga," saad ni Heaven pagkatapos nitong uminom ng tubig. "Seryuso ako, paano kung sabihin ko sa iyo ngayon na gusto kitang ligawan papayag ka ba?" tanong muli ni Ernesto kay Heaven. At sa pagkakataong iyon, hindi man nabulunan si Heaven pero pakiramdaman niya may namuo sa kanyang lalamunan kaya hindi siya makapag salita, samo't samo ang emosyon ang kanyang nararadaman at hindi niya alam kung anong isasagot kay Ernesto, pakiramdaman niya para siyang lumulutang sa alapaap at iyon ang unang beses niyang maramdaman ang ganoong pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD