Chap. 4 " Angkas "

1841 Words
Hindi alam ni Heaven kung anong meron sa kanyang puso, at buong kalamnan dahil sa sinabi Ernesto ay tila ba kinukuryente ang kanyang puso at buong katawan. "Joke lang... Seryuso mo kasi. Pero ang ito totoo ang ganda mo lalo, lalo na kapag namumula iyang mga pisngi mo. Paano ma'am, i mean Heaven alis na ako para naman makapahinga ka na," saad ni Ernesto at tumayo itong nakangiti. Napatawa si Heaven dahil sa sinabi ni Ernesto, hindi niya alam kung mapipikon ba siya o, maiinis dahil ang akala niya seryoso ito sa pagsasabing liligawan siya eh nagbibiro lang pala,"Ikaw talaga mapagbiro ka. Oo, sige pwede ka ng umalis. Ahmm.. Salamat talaga sa tulong mo ha, yaan mo next time babawi ako sa treat kita kain tayo sa labas." "Wow... Sabi mo 'yan ha. Sige alis na ako," saad muli ni Ernesto at bahagya na itong humakbang patungo sa pinto. "Oo naman promise. Friends na tayo diba?" Ngumiti si Heaven kay Ernesto. Nag thumb up lang si Ernesto habang nakangiti at tuluyan na itong lumabas ng apartment. Dahil sa pagod ng katawan ni Heaven, agad naman siyang nakatulog sa kanyang unang gabi sa apartment ng mag isa. Ito ang unang pagkakataon na wala siyang kasama na kahit sino kaya isang malaking hamon ito para sa kanya na pinag dadasal niya na sana ay makayanan niya. ********** "Good morning miss beautiful coffee?" alok ni Ernesto kay Heaven sabay abot nito ng isang basong kape. "Uy... Salamat. Sakto hindi pa talaga ako nag co-coffee." Ngumiti si Heaven kay Ernesto at agad ininom ang kape. "Dahan dahan mainit pa 'yan, mukhang tinanghali ka ha," saad ni Ernesto. "Oo nga eh, kaya ito late na akong nakapasok at hindi nakapag breakfast kahit kape man lang. Kaya salamat talaga dito ha," saad ni Heaven sabay inom ng kape. Ang mga trabahador naman sa kanilang paligid ay hindi maipagkakaila na naguguluhan sa biglaang pagkakasundo nilang dalawa dahil parang kailan lang, para silang aso't pusa at katulad nga ng nakaraan halos magsigawan dahil sa hindi pagkakaunawaan. "Hayy.... Parang nanakit ata ang katawan ko dahil sa ginawa natin kagabi," saad ni Heaven na iniinat inat pa nito ang kanyang dalawang baso. "Aray ko po! Sorry ma'am, sorry forman." Agad naman dinampot ng isang trabahor ang kanyang martilyo na dala-dala na nahulog ito sa harap ng dalawa habang nagsasalita si Heaven. "Mag ingat kuya ha," saad ni Heaven. Habang si Ernesto naman ay napakunot ang noo dahil mukhang tila alam niya kung bakit ganoon ang reaksyon ng trabahador. Napansin din nito ang ilang mga matang sumusulyap sulyap sa kanila at may kunting ngiti sa labi. Kaya noong bumalik sa kanyang maliit na opisina si Heaven ay kanya kaniyang lapitan ang mga trabahador kay Ernesto upang maki isyuso. "Forman, mukhang nagbago ang ihip ng hangin ha. Bakit parang ang bait bait na ni ma'am Heaven sa iyo? Hmmm...." Pang aasar ng isang trabahador kay Ernesto. "Kayo kung ano-anong inisip n'yo doon sa tao. Mabait naman talaga si Heaven, i mean si ma'am Heaven," tugon ni Ernesto. "Heaven daw oh..." Sabay sabay na sambit ng tatlong trabahador sa di kalayuan. "Uyyy... Pukos sa trabaho, dami n'yong alam ha," tugon ni Ernesto habang napapangiti. "Bakit sumakit ang katawan ni ma'am Heaven kagabi daw? Anong ginawa mo doon ha forman Erne!?" may diin ang pagkakasabi ng isang may edad na trabahador. "Manong talaga," Napakamot si Ernesto sa kanyang ulo," Lumipat po kasi si ma'am Heaven ng apartment at nagkataon malapit sa aking tinutuluyang apartment kaya ayon tinulungan ko. Ako pa nga nakahanap noong apartment eh, kaya tigil tigilan ninyo na 'yang malisyoso ninyong isip ha. Hindi ganoon ang pagkatao ni ma'am Heaven." "Wow... Kilala na niya, Sir gaano ka close?" Pang aasar naman ng isang trabahador na malapit sa kanya. "Hindi naman, syempre habang nag aayos kami sa kanyang bagong tinutuluyan may kunting kwentuhan kaya ayon medyo nakikilala ko na ang tao." Ngumiti si Ernesto. "Mukhang kilala ko 'yang ngiti na 'yan ah. Mukhang ngayon ko lang ulit nakita sa iyo 'yan," saad ng isang lalaking medyo may ka edaran. "Tito naman pati ba naman ikaw mang aasar din. Tigilan na natin ang topik tungkol kay ma'am Heaven, dahil mamaya kumakain iyon sa canteen mabulunan pa. Basta, ang masasabi ko lang, iyong pagiging suplada ni ma'am front lang pala niya iyon dahil kung makakasama at makaka kwentuhan natin eh bagay na bagay sa kaniyang pangalan na Heaven dahil magaan sa pakiramdam dahil sobrang bait noong tao, wala akong masabi," paliwanag ni Ernesto. Hindi naman nagsalita pa ni isa sa mga trabahador at bumalik na ito sa kani kanilang trabaho. Matapos umikot ikot si Ernesto upang ma-monitor ang trabaho ay tumungo ito sa Canteen, at tama siya naroroon nga si Heaven kumakain. "Pang ilang rice mo na 'yan?" bulong ni Ernesto kay Heaven at tumabi ito sa pagkakaupo ng bahagya. "Uyy.. Panggalawang cup ko pa lang ito ha. Ikaw kumain ka na ba? Masarap itong Minudo na niluto ni ate," tugon ni Heaven habang tuloy tuloy itong kumakain. "Sige salamat, pero tapos na akong kumain." Napapatitig si Ernesto sa mukha ni Heaven habang nakangiti. "Ano ba 'yang ngiti na 'yan. Nakakailang ha, siguro pinagtatawanan mo ako diyan sa isip mo at maraming sinasabi dahil sa lakas kong kumain lalo ng rice," saad ni Heaven. "Hindi ah. Masaya lang ako, makita lang kasi kitang busog. Pakiramdam ko busog na busog na rin ako." Lalong lumapad ang ngiti ni Ernesto. Napatawa naman si Heaven sa banat ni Ernesto. "Ehemm.... Tubig nga... Ehemm.. Nabubulunan ako," saad naman ng tindira sa canteen na naroroon pala at tahimik lang na nakikinig. "Si ate ohh..." Natawa si Ernesto sa reaksyon ng tindira. Baliwala naman kay Heaven ang pang aasar ni Ernesto kaya nagpatuloy siya sa pagkain. At nang matapos kumain si Heaven, may mga ilang bagay na tinanong si Ernesto ukol sa project kaya dala dala niya ang plano at inaalam kung anong dapat gawin. Naging magaan ang araw na iyon sa pagtatrabaho nilang dalawa dahil nasa mood kaya walang naging problema. "Ma'am Heaven, sabay na po kayo sa akin." Alok ni Ernesto kay Heaven ng makita niya itong palabas ng site. "Huhhh... Paano ako sasabay?" tanong ni Heaven at napatingin ito sa motor ni Ernesto. "Angkas po kayo. Tutal magkatabi lang naman tayo ng apartment na tinutuluyan." Alok muli ni Ernesto at saglit na pinarada ang motor at kinuha ang isang helmet at inabot ni Ernesto. "Ok lang sa iyo?" Ngumiti si Heaven at tinanggap ang helmet. Pinagmasdan mabuti ni Heaven ang helmet dahil sa totoo lang ngayon lang siya nakahawak ng helmet at hindi alam paano gagamitin iyon. At nang napansin naman ni Ernesto ang reaksyon ni Heaven, muli niya itong kinuha at si Ernesto na mismo ang nagsuot ng helmet kay Heaven. Napatingin si Heaven sa mata ni Ernesto, dahil ilang dangkal lang ang layo nito sa kanya at nang magtama ang mata nila, biglang nakaramdam si Heaven ng kakaibang pakiramdam na tila ba umiinit ang kanyang pisngi at may kung anong kiliti na gumagapang sa kaniyang tiyan patungo sa kanyang puso at iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya iyon. "Sakay na po kayo." Pinaandar ni Ernesto ang motor. Hindi naman alam ni Heaven kung paano siya sasakay sa motor ni Ernesto, at mabuti na lang may dumaan sa gilid nila na nakamotor at may angkas itong babae kaya ginaya na lang ni Heaven at sumaklang na siya sa motor. Mabuti na lang naka jeans si Heaven kaya kahit sumaklang siya ok lang. At nang Nag umpisang paandarin ni Ernesto ang motor napahawak si Heaven sa tiyan ni Ernesto dahil medyo bumilis ito. Muling nakaramdam si Heaven ng kakaibang pakiramdam ng mahawakan niya ang matigas na tiyan ni Ernesto, at alam niyang mamutok mutok na abs iyon. Iyon ang unang beses na nakasakay si Heaven ng motor dahil mula pagkabata tanging di aircon na kotse siya sumasakay. Napapangiti si Heaven, dahil doon lang niya naramdaman na masaya pala ang sumakay sa motor lalo na medyo mabilis ito at humahampas sa kanya ang mukha at katawan ang hangin. Hindi kalayuan ang kanilang apartment kaya agad silang nakarating. Nanghihinayang naman si Heaven dahil nag e-enjoy pa naman siya sa pagsakay ng motor pero nakarating agad siya sa kanilang tinutuluyang apartment. "Okey.. Dito na tayo ma'am." Pinatay ni Ernesto ang makina ng motor at pinarada ng maayos. "Salamat," saad ni Heaven ng makababa sa motor. Bumababa naman si Ernesto dahil nakita niyang nahihirapan magtanggal ng helmet si Heaven. "Salamat? May bayad kaya iyon." Ngumiti si Ernesto. "Ha, magkano?" Agad namang binuksan ni Heaven ang kanyang sling bag. "Joke lang." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Ernesto. "Ehemm.. Ehemm.." Nag kukunwaring umuubo pa si Susana dahil mukhang hindi siya napapansin ng dalawa na kanina pa siya doon sa harap ng pinto ng apartment ni Heaven. "Susana, andiyan ka pala." Binati ni Heaven ang kaibigan. "Kanina pa girl," tugon ni Susana. Ngumiti naman si Ernesto kay Susana at tinanggal na rin niya ang kanyang helmet. "Ahmm... Susana si Ernesto, kasama ko sa work siya ang general forman ng project. Ernesto, si Susana bestfriend ko." Pagpapakilala ni Heaven sa isa't isa. Agad namang nakipag kamay si Ernesto kay Susana, habang nakangiti. "Sige po ma'am alis na po ako, may bisita pa po kayo. See you tomorrow po." Paalam ni Ernesto kay Heaven. Hindi na pinaandar ni Ernesto ang motor niya at hinawakan na lang niya hanggang sa makarating sa kanyang apartment. "Hoyyy girl sino 'yon?" Hinampas ni Susana si Heaven ng hawak nitong bag nang makapasok sila sa silid ng apartment. "Sino 'yon? Diba pinakilala na kita. Si Ernesto, forman sa trabaho namin," tugon ni Heaven. "Gaga.. Ang ibig kong sabihin ano mo siya? Manliligaw? Ang hot ha ngiti pa lang nakakatunaw na," saad ni Susana habang kinikilig. "Manliligaw? Hindi ah. Nagkataon lang na magkalapit ang apartment namin kaya sinasabay na niya ako pauwi, kakatuwa nga eh dahil nakakatipid dahil ang mahal pala ng pamasahe sa taxi," tugon ni Heaven. "Hmm.. Pero kakaibang ngiti ang nakikita ko sa iyo habang kausap mo siya kanina." Hinawak hawakan pa ni Susana ang pisngi ni Heaven. "Anong ngiti? Hayyy... Pero alam mo, kanina nang nagtama ang mata namin nakaramdam ako ng init sa pisngi, tapos pakiramdam ko parang may kiliti akong nararamdaman mula dito sa tiyan ko patungo sa puso ko-" Hindi pa tapos sa pagkukwento si Heaven napahiyaw na si Susana at hawak hawak sa makabilang braso si Heaven habang inuuyog ito," Inlove na ang bessy ko.. My gosh!!!" "Ganoon ba ang inlove? Hindi ko pa naman siya gusto ah." Napakunot ang noo ni Heaven. "Sa ngayon hindi pa. Pero, hmmm... Sa mga susunod na araw makikita mo na lang ang sarili mo na gusto mo siyang makita at makasama minu-minuto.." Hindi pa rin tumitigil si Susana sa pag uyog ng balikat ni Heaven. Natawa naman si Heaven sa sinasabi ng kaibigan. E-kuwento pa sana ni Heaven ang unang pagkakataon na nahawakan niya ang tiyan ni Ernesto, at mas matinding init ang kanyang naramdaman. Inilihim na lang ni Heaven dahil natatawa siya sa reakyon ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD