Maagap nagising si Heaven, maganda ang mood niya dahil sa pangyayari noong gabi kaya napapangiti pa siya habang inaalala ito.
"Good morning," bati ni Ernesto kay Heaven ng lumabas ito sa pinto ng kanyang apartment.
"Hi.. Good morning." Nagulat ng bahagya si Heaven dahil paglabas niya bumungad agad sa kanya ang mukha ni Ernesto na nakasakay sa motor habang naghihintay sa kanya.
Napatitig si Heaven sa mukha ni Ernesto, may pagbabago kasi dito dahil nawala ang manipis nitong balbas at bigote, nagpagupit din ito ng buhok kaya nagmukhang bata at fresh na fresh.
"Grabi ka naman. Umaga pa lang, pero parang tunaw na tunaw na ako sa init ng titig mo." Napatawa ng bahagya si Ernesto.
"Ha.. Hindi ah, medyo nanibago lang ako sa awra mo. Actually, nakakapanibago 'yang bagong look mo pero bagay na bagay sa iyo, you look young and fresh." Ngumiti si Heaven.
"Hmmm.. Salamat. Pero, mas ipagpapasalamat ko kung sasabay ka muli sa akin patungo sa trabaho. Ano angkas na?" Simpleng ngiti ang ginawa ni Ernesto na may matang nangungusap kay Heaven na pumayag ito sa kanyang alok.
"Libre ba? Kung libre, bakit hindi. Less pamasahe sa taxi," tugon ni Heaven.
"Oo naman." Ipinarada ng maayos ni Ernesto ang kanyang motor at bumababa at isinuot kay Heaven muli ang helmet.
Muling nagtama ang mata ni Heaven at Ernesto, at napa iwas ng tingin si Heaven dahil muli na naman niyang naramdaman ang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag at mukhang mas lalong lumalala ito. Pakiramdam niya, kinukuryente ang kanyang buong pagkatao.
"Sakay na." Pinagpagan pa ni Ernesto ang upuan sa kanyang likuran.
Kaya agad sumakay si Heaven at dahan dahan hinahawakan ni Heaven ang tiyan ni Ernesto. Ngunit si Ernesto, hinawakan niya ang kamay ni Heaven at pinayakap ito sa kanya kaya naman nagdikit ang katawan ni Heaven at Ernesto na siyang kinagulat ni Heaven dahil parang may mas malakas na kuryente siyang nararamdaman na nag uugnay sa kanilang dalawa.
"Naramdaman niya kaya iyon? Grabi parang kuryente. Ang bango ni Ernesto, ang sarap amoy amoyin," bulong ni Heaven sa kan'yang sarili habang mas lalong dinikit niya ang kanyang katawan kay Ernesto.
Pagkarating naman nila sa trabaho ay naging tampulan sila ng tukso dahil nga magka angkas sila sa motor.
"Ehemmm... Mukhang may bagong couples na mabubuo dito sa site ah. Ma'am Heaven, plus foreman Erne equals ErneVen. Bagay," saad ng isang trabahador.
"ErneVen.. Pwede pwede," saad naman ng isang trabahador.
Habang ang iba naman ay nagtawanan na may kasamang palakpakan.
"Tigilan n'yo nga 'yan. Baka mamaya mapikon si ma'am Heaven, sa biro n'yo mapatalsik pa tayo lahat lahat dito." Saway ni Ernesto sa mga trabahador.
"Ano ka ba ok lang. Basta pag oras ng trabaho, trabaho ha at hindi na kasama ang personal na asaran." Ngumiti si Heaven sa mga trabahador.
Kaya si Ernesto napangiti na rin dahil sa pinakitang kabaitan ni Heaven.
"Ayon ohhh..." Nagpalakpakan naman ang mga trabahador dahil nakagaanan na nila ng loob ang kanilang engineer.
Nag umpisa ang pagtatrabaho. Kung dati madalang ang pag iikot ikot ni Heaven sa buong site upang maka monitor sa trabaho, ngayon madalas na hindi dahil gusto niyang naka tutok siya sa pag momonitor ng mga trabahador ngayon kasama na ang ninanais niya na palaging makausap si Ernesto at makita ito.
"Breaktime na ma'am. Saan po kayo kakain? Sabay na po tayo," saad ni Ernesto kay Heaven nang bumatingting na ang timekeeper para sa oras ng pananghalian.
"Malayo fastfood dito eh. Kaya sa canteen na lang, masarap naman magluto si ate iyong nagluluto sa canteen kaya doon na lang." Ngumiti si Heaven kay Ernesto at sabay silang tumungo sa Canteen.
Omorder ng tatlong kanin si Heaven at isang order ng menudo.
"Bakit?" nakangiting tanong ni Heaven kay Ernesto dahil tumitingin ito sa kanya habang napapatawa.
"Wala, natutuwa lang ako. Katulad ng mga naunang nasabi ko, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng ang lakas kumain ng kanin. At kahit anong lakas kumain ng kanin, sexy pa rin," tugon ni Ernesto.
"Naku!! Ikaw talaga. Kumain ka na nga diyan," saad ni Heaven.
"Hindi lang sexy, super ganda pa," at sa huling pagkakasabi ni Ernesto medyo pabulong na ito.
"Bolero," tugon ni Heaven.
"Hindi ah, totoo kaya 'yon. Ma'am, may sasabihin sana ako sa iyo sana huwag kang magalit ha," saad ni Ernesto at napainom pa ito ng tubig.
"Ohhh ano 'yun?" tanong ni Heaven.
"Ahmm... Ano, pwede ko ba makuha ang cellphone number mo?" medyo mahina ang pagkakasabi ni Ernesto, pero alam niyang maririnig iyon ni Heaven.
"Huhhh number ko? Bakit?" Ito ang unang pagkakataon na may kumuha ng cellphone number ni Heaven kaya hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
"Ano.." Napakamot ng kanyang ulo si Ernesto," Ano gusto kitang tawagan o e-text kung sakali man na may itatanong ako tungkol sa project dito sa trabaho."
"Ah 'yon ba. Sige, akina cellphone mo at ako na mag sa-save ng number ko," saad ni Heaven.
Laking tuwa naman ni Ernesto ng ibinigay ni Heaven ang personal na number nito sa kanya. Kaya agad itong tinawagan, at ng ma-comfirm na number nga ito ni Heaven sinabi nito na e-save ang kanyang number.
Nag overtime ng tatlong oras si Ernesto, dahil may kailangan silang tapusin. Pwede ng umuwi sana si Heaven, pero mas pinili n'yang mag overtime rin dahil gusto niyang sumabay kay Ernesto sa pag uwi nito. Kaya ng nakita niyang paalis na si Ernesto, dali dali siyang lumabas upang makita siya at makasabay.
"Ma'am, andito pa pala kayo?" tanong ni Ernesto ng mapansin niya si Heaven.
"Oo eh. May ano, may kailangan pa kasi akong tapusin. Kaya ito sumabay na sa overtime, pauwi ka na?" tugon ni Heaven. Pero ang totoo wala naman talaga siyang ginawa gusto lang niya makasabay si Ernesto pag uwi, at hindi alam ni Heaven kung bakit niya iyon ginagawa.
"Opo, sabay ka na po." Agad namang inabot ni Ernesto ang isang helmet.
At tulad ng dati si Ernesto ang nagkabit ng lock ng helmet ni Heaven at paraan iyon gustong gusto na ni Heaven iyon palaging gawin ni Ernesto sa kanya.
"Ang bango, kahit pinagpawisan maghapon," bulong ni Heaven sa kanyang isipan habang lalo siyang napapayakap kay Ernesto.
Pagkarating nila ng apartment, nang makapasok na siya sa silid ng bahay agad namang nagpaalam si Ernesto.
At nang makaalis na si Ernesto, napapangiti si Heaven dahil pakiramdam niya ang saya saya ng kanyang puso dahil sa maghapong nakasama niya si Ernesto, nakasabay pa niya pag uwi at nakakayakap pa siya dito. Kaya hanggang sa pagtulog ni Heaven nakangiti siya, mas lalong lumapad ang ngiti ni Heaven at napahiyaw pa ng bahagya ng mag top up sa kanyang cellphone ang pangalan ni Ernesto at may text ito sa kanya.
"Hi, gising ka pa?" text ni Ernesto kay Heaven.
"Opo, patulog pa lang. Ikaw?" tugon ni Heaven.
Nawala ang antok ni Heaven dahil sa mga palitan nila ng mga mensahe sa isa't isa sa text messages. Hindi namalayan nang dalawa na halos dalawang oras na silang mag ka text, natatawa na lang si Heaven lahat na lang ata naging topic nila at maging kanya-kanyang Favorate color, food, at ano-ano pa natanong na sa isa't isa. Hanggang sa tinanong na ni Ernesto ang f*******: account ni Heaven, natigilan ng bahagya si Heaven dahil kung ibibigay niya ang kanyang account malalaman ni Ernesto na siya ay anak mayaman ayaw naman niya sabihin kay Ernesto at baka mailang ito lalo na kapag nalaman nito na tinakwil siya ng kanyang daddy. Mabuti na lang at naalala niya, may isang f*******: account nga pala siya na kakagawa lang dahil ayaw niyang makuntak siya ng kanyang pamilya at iyon ang ibinigay ni Heaven na may kaibigan lang na apat at tanging pamilya pa ni Susana ang kanyang best friend.
"Wow... Ang cute niya dito, ito pala mommy niya at daddy ang cool ng pamilya niya ha." Agad inistalk ni Heaven ang f*******: account ni Ernesto ng nag friend request ito sa kanya.
"Hmm.. Wow... Sabi na nga ba puro abs iyon, kaya pala ang tigas tigas sarap hawakan." Nagpapangiti pa si Heaven habang sino-zoom ang isang picture ni Ernesto na naka boxer short at nakatayo ito sa gilid ng pool, na halatang naligo sa picture na 'yon.
Ilang buwan na ang picture na iyon at dahil sa kaka zoom ni Heaven bigla niyang napindot ang like reaksyon," Ohhh may gosh.."
Nahagis tuloy ni Heaven ang kanyang cellphone, dahil alam niyang makikita iyon ni Ernesto dahil kita niyang naka online ito. Napasapo siya sa kanyang ulo dahil baka isipin ni Ernesto, na sa dami dami ng picture n'ya na naroroon tanging iyong ilang buwan ng pictures ang na like niya at iyong pang naka boxer at kitang kita ang magandang pangangatawan ni Ernesto.
"Stalk pa Heaven, baka isipin niya manyakis ako dahil tanging naka boxer lang na na like ko... Naku..." Pinatay ni Heaven ang kanyang internet, at pinapanalangin na huwag makita ni Ernesto ang nagawa niya.
May chat message si Ernesto, hindi na iyon binasa ni Heaven dahil nilamon na siya ng hiya at nagtalukbong na lang ng kumot at natulog.