Bumuntong-hininga muna si Heaven bago nag bukas ng pinto dahil nakita niyang naka abang na si Ernesto sa labas ng pinto sakay ng kanyang motorsiklo.
"Hi good morning," bati ni Ernesto kay Heaven habang nakangiti.
"Hi.. Good morning," tugon ni Heaven na halos hindi makatingin sa mata ni Ernesto.
"Sakay na po kayo ma'am." Bumababa ng motorsiklo si Ernesto at muling sinuutan ng helmet si Heaven.
Hindi tumutugon o, nagsasalita si Heaven dahil muli niyang inaalala ang kanyang nagawa noong gabi at paulit ulit na pinagdadasal na sana hindi nakita ni Ernesto ang kanyang aksidenteng pag like sa ilang buwan na nakalipas na aploaded sa f*******: na picture na tanging boxer lang ang suot ni Ernesto at kitang kita ang magandang pangangatawan nito.
"Tahimik mo naman." Hinaplos ni Ernesto ang pisngi ni Heaven habang tinatanggal nito ang helmet matapos ang byahe nila papasok sa trabaho.
"Huhhh? Hindi ah. Medyo, nag hang lang siguro ako alam mo na maraming iniisip na work," saad ni Heaven.
"Ah ok, akala ko kasi masama pakiramdam mo? Kaya ang tahimik mo. At saka inisip ko rin iyong kagabi, kaya ka biglang tumahimik mula pa kanina," saad ni Ernesto at kinuha pa nito ang bitbit na bag ni Heaven habang patungo sila sa maliit na opisina ni Heaven.
"Ok lang ako, wala akong sakit. Ahmm.. Anong mayroon kagabi?" Medyo pinawisan ng malamig na tubig si Heaven.
"Kasi nag paalam na ako sa iyo matulog, pag goodnight ko kasi kahit seen hindi mo na nagawa. Sorry ha, nakatulog na agad ako," tugon ni Ernesto.
"Ahhh ganoon? So, hindi mo pala nakita?" Umaliwalas ang mukha ni Heaven.
"Anong hindi ko nakita?" Napakunot ang noo ni Ernesto.
"Ahm.. Wala, wala. Sige, dito na ako salamat sa patuloy na pagsasabay sa akin ha. Yaan mo sa sahod ko ililibre kita ng lunch doon sa isang paborito kong restaurant." Ngumiti si Heaven kay Ernesto.
Ngumiti rin si Ernesto at nag thumb up bilang tugon kay Heaven bago ito umalis.
Napangiti muli si Heaven noong napa upo na siya sa kaniyang mesa dahil sa pasasalamat na hindi siya napahiya kay Ernesto, dahil wala itong nakita sa kan'yang pag e-stalk.
Mabilis lumipas ang isang linggo, masyadong busy ang buong trabahante nang lumipas ang mga araw dahil nalalapit ang ilang araw na walang pasok dahil sa holiday season. Nag anounce naman ang company, pwede naman daw pumasok kahit holiday at walang problema kung hindi papasok mas okey upang makapagpahinga. Pero, mas pinili ng lahat ng huwag na pumasok kaya paspasan na trabaho ang ginawa ng lahat.
"Paano ma'am, paalam po uuwi po muna kami sa probinsya, sayang po ang halos apat na araw na walang pasok, pero masaya dahil makakapagbigay kami ng mahabang oras sa aming pamilya. Uuwi po ba kayo sa probinsya n'yo?" tanong ng isang trabahador kay Heaven.
"Wala naman akong probinsya, kaya hindi ako uuwi. Ingat kayo ha," tugon ni Heaven.
Pakiramdam ni Heaven nalulungkot siya dahil ilang araw din niyang hindi makikita si Ernesto dahil uuwi raw ito ng probinsya.
"Ohh bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Ernesto matapos niyang ihatid si Heaven sa kanyang apartment.
"Wala, mukha kasing malulungkot ako ng ilang araw dahil wala ka. Uuwi ka ba talaga sa probinsya n'yo?" paninigurado ni Heaven.
"Oo, nakasanayan na kasi ng pamilya namin na magkakakasama kami araw ng undas. Galing nga noh, webes bukas tapos nov. 1 tapos sa beyernes 2 tapos sabado at linggo na. Long weekends kaya mahahaba haba ang pahinga ng katawan," tugon ni Ernesto.
"Nakakainggit naman. Samantalang ako, andito lang sa apartment hindi ako uuwi sa amin, dito na lang ako." Ngumiti si Heaven at bakas na bakas sa mukha ang kalungkutan.
"Pwede ka naman sumama sa akin para hindi ka malungkot mag isa dito," mungkahe ni Ernesto.
"Pwede?" Nabuhayan ng dugo si Heaven dahil sa paanyaya ni Ernesto.
"Oo naman. Para makilala ka na rin ng pamilya ko, ang kaso naka motor lang ako pauwi ha hanggang sa amin sa Lucban Quezon," saad ni Ernesto.
"Ok lang. Gusto ko rin naman ma-experience iyong long rides, pwede ba talaga ako sumama?" paninigurado ni Heaven.
"Oo nga. Doon tayo dadaanan sa Antipolo, laguna pa Lucban para medyo malapit at hindi trapik para makarating tayo ng mas maagap sa Lucban. Game?" Hinawakan ni Ernesto si Heaven sa pisngi.
Ngumiti si Heaven at bumakas sa mukha niya ang excitement hahang tumatango-tango
Agad nag impake si Heaven ng kanyang ilang mga gamit sa ilang araw na pananatili niya sa lugar ni Ernesto.
Hindi naman makapaniwala ang ina ni Ernesto na may kasama ito sa pag uwi niya lalo na't isang babae ito kaya ang akala ng lahat nagbibiro ito nang tumawag sa cellphone si Ernesto bago sila nag umpisang bumyahe. Pasado alas dose na ng hating gabi ng makarating sila sa kanilang tahanan, napatulala ang ina at ama ni Ernesto maging ang kanyang mga kapatid dahil totoo ngang may kasama si Ernesto.
"Hi po good evening," tanging pagbati ni Heaven sa pamilya ni Ernesto.
"Hi, welcome po, " saad naman ng isang kapatid na babae ni Ernesto, at napangiti ito.
"Ang ganda naman ng girlfriend n'yo kuya," saad naman ng bunsong lalaki ni Ernesto.
"Bunso, hindi ko pa siya girlfriend ha. Ma.. Pa.. Siya si Heaven, ang aming engineer sa trabaho. Wala kasi siyang kasama sa apartment niya ito sumama sa akin, gusto niya kasing marating ang lugar natin." Pagpapakilala ni Ernesto kay Heaven.
"Bagay na bagay ang pangalan mong Heaven sa iyo iha. Ang ganda ganda mo kasi," saad ng ina ni Ernesto at napayakap at napahalik pa ito sa pisngi ni Heaven.
Nagulat si Heaven sa reaskyon ng ina ni Ernesto dahil first time niyang maganoon dahil ni minsan naman hindi ganoon ang kanyang ina kapag uuwi siya ng kanilang bahay.
"Ayy hindi naman po." Napangiti si Heaven at nakaramdam ng saya dahil pinaramdam ng pamilya ni Ernesto na welcome na welcome siya sa tahanan ng mga ito.
Dahil kumain na si Ernesto at Heaven sa isang stop over, hindi na pinag abala ni Ernesto ang kanyang ina na maghain ng pagkain bagkos sinabi na lang ni Ernesto na ipaghanda na ang kwartong tutuluyan ni Heaven.
Isang simple at maliit na kwarto ang inihanda ng pamilya, kwarto pa ito ng dalagang kapatid ni Ernesto. Nanibago naman si Heaven dahil hindi ganoon kalambot ang kama, tapus wala pang aircon. Iyon ang unang pagkakataon na matutulog siya na walang aircon, dahil kahit maliit lang ang apartment na kinuha ni Heaven nagpakabit talaga siya ng aircon para maging comportable ang kanyang pagtulog sa gabi.
"Ok ka lang ate?" tanong ng kapatid ni Ernesto, ng napapansin nitong mukhang naninibago sa paligid.
"Oo naman. Kung dito ako matutulog? Paano ka?" tanong ni Heaven dito habang umupo sa kama.
"Dito sa baba. Maglalatag na lang ako ng banig," tugon ni kapatid ni Ernesto.
"Banig? Ahmm.. Are you sure na ok ka lang?" paninigurado ni Heaven.
"Oo naman po. Sige po matulog na kayo, tiyak alam ko pagod kayo sa byahe. Good night ate," saad muli ng kapatid ni Ernesto.
Ngumiti si Heaven," Good night."
Tulad ng inaasahan ni Heaven hindi agad siya nakatulog dahil hindi siya sanay matulog ng tanging electripan lang nasa paligid para lumamig, at dahil sa pagod ng byahe doon lang nakaramdam ng antok si Heaven kaya siya nakatulog.
**********
Kinabukasan, dahil sa matagal nakatulog si Heaven tanghali na tulog na tulog pa rin ito kaya nakapag prepare pa ng masarap na almusal si Ernesto para kay Heaven.
"Kuya, richkid ba iyong ma'am mo?" tanong ng kapatid ni Ernesto sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko hindi naman ganoon. Bakit mo nasabi pala 'yan?" tanong ni Ernesto.
"Eh kasi kagabi pinapakiramdaman ko siya, ang tagal niyang nakatulog parang hindi sanay matulog sa kama ko at lalong hindi sanay matulog ng walang aircon. Ganyan na ganyan iyong kaibigan kong richkid eh," tugon ng kapatid ni Ernesto.
"Baka namamahay lang. Ohhh ayan gising na, good morning ma'am." bati ni Ernesto kay Heaven.
"Good morning. Grabi siya ohhh ma'am talaga?" Napatawa si Heaven.
"Syempre. Maupo ka na ma'am, at nakahanda na ang inyong almusal." Hinila pa ni Ernesto ang isang upuan para makaupo ng maayos si Heaven.
"Good morning ate, sana mag e-enjoy ka sa pagsama mo kay kuya dito sa probinsya namin. Ito ohh longganisang Lucban masarap iyan, " saad ng kapatid na babae ni Ernesto.
Ngumiti si Heaven at tiningnan ang pagkain na inilagay ng kapatid ni Ernesto sa kanyang plato.
Hindi sanay magbreakfast si Heaven ng friedrice at meat sa umaga dahil ang tanging gusto niya lang fresh milk at toasted bread sa umaga, pero hindi pinahalata ni Heaven na ayaw niya ng almusal na inihanda sa kanya lalo na nakikituloy lang siya.
"Masarap ano? Si kuya Ernesto ang nagluto niyan. Siyangapala ate, malapit lang dito ang kamay ni hesus, gusto mo bang puntahan natin iyon mamaya?" tanong naman ng kapatid na bunsong lalaki ni Ernesto.
"Oo naman. Alam n'yo, hindi pa ako nakakapunta doon," tugon ni Heaven.
"Wow... Alam n'yo po ba, kapag first time raw na pupunta sa kamay ni hesus pwede ka mag wish at siguradong matutupad iyon, kaya ngayon pa lang ate mag isip ka na ng wish mo para pagnasa tutok na tayo ng kamay ni hesus mag wi-wish ka na lang," muling saad ng kapatid ni Ernesto na bunsong lalaki.
"Talaga?" Napangiti si Heaven.
Si Ernesto naman napapangiti na lang sa kakulitan ng kanyang kapatid, at natutuwa siya dahil mukhang at home na at home si Heaven at nagiging kasundo nito ang kanyang mga kapatid.
Totoong hindi pa nararating ni Heaven ang sikat na kamay ni hesus sa Lucban Quezon, pero nakakarating na siya sa Lucban at tanging tanaw tanaw lang ni Heaven ito sa tuwing napapadaan sila dito, matagal na niyang gustong tumungo at gayahin ang mga taong nakikitang umaakyat sa mataas na hagdan, pero ni minsan hindi sila pinayagaan ng kanilang ama dahil nga sa maraming taong pwedeng makasalamuha raw at iyon ang ayaw ng ama ni Heaven kaya ngayon sobra siyang excited dahil magagawa na niya ang gusto niya na hindi hinahadlangan ng kanyang ama dahil malaya na siya sa poder ng magulang.