Xyra's POV "Bakit ayaw n'yang sagutin?" taka kong sabi sa sarili. Nandito ako mag-isa sa office dahil lunch break ngayon. Busog pa naman ako kaya hindi muna ako kakain. Ilang ulit ko ng tinatawagan si Rifle, pero niisang sagot ay hindi n'ya ginawa. Nakakapagtaka ang lalaki na iyun dahil walang ingay na nagmumula sa kan'ya. Sobrang nakakapanibago. Napatayo ako sa kinuupuan ko ng may biglang pumasok sa isip ko. "Hindi kaya..." napailing ako sa naiisip ko, baka kaya binalikan s'ya ng mga kasama ng lalaki na humahabol sa amin nung isang gabi. Muli kong tinawagan si Rifle, pero nakapatay na ang phone n'ya. Kainis naman na lalaking iyun, kinakabahan tuloy ako sa kan'ya na baka ano na ang nangyari sa kan'ya. Bumalik ako sa pagkakaupo para tapusin ang lahat ng trabaho. Hindi ako mapakali dah

