Rifle's POV "Akala mo ba nakikipagbiruan kami?" tinignan ko ang lalaking nasa kanan nung may bigote. Long hair ito. "Dayo ka lang dito!" sigaw ng isa pang lalaki. Napahawak ako sa tenga ko dahil sa tili ng lalaking iyun. "So?" walang gana kong tanong. Bigla silang nagtawanan kaya isang pekeng ngiti ang ginawa ko. "Ang angas mo ah! sino ka ba?!" tinignan ko ang lalaking may bigote ng seryoso. Baho naman n'ya kahit medyo malayo ako sa kan'ya ay naamoy ko ito. "Rifle Winchester is my name," madiin kong sagot sa kan'ya. Napatigil ako ng may napasin akong tumayong lalaki sa peripheral vision ko. Agad kong nilingon iyun at mukhang nagulat ito. Nanlaki ang mata n'ya bago ito tumakbo palayo. "franco!" sigaw ko. Tatakbo na sana ko para habulin iyun, kaso napadapa ako ng may isang malakas na

