Nang mapansin ni Cael ang paa ni Kakay na dumudugo agad niya ito Pina upo sa kama upang tignan ang sugat nito. " Arayy.. dahan-dahan naman" Pakiusap ni Kakay nang subukan hawakan ni Cael ang paa niya at lingid sa kanilang alam na lihim na nakikinig si Chairman Lucy sa likod ng pintuan ng silid ni Cael. Inisip ni Chairman Lucy na may kung ano ginagawa ang dalawa at natutuwa ito sa mga maling iniisip niya sa dalawa. " Aray?? Naku mukhang berhin pa yata si Kakay ang galing mo talaga Cael." Natutuwang sabi ni Chairman Lucy at nakita siya ng ama ni Cael. " Mama ano po ginagawa niyo diyan?" Tanong ng ama ni Cael at pinalapit ito ni Chairman Lucy. " Tara dito. Mukhang Naglalambingan ang dalawa magkakaroon na tayo ng apo" Masayang pagkakasabi ni Chairman Lucy. " H'wag ka nga malikot lalo lan

