Maagang nag tungo si Kakay sa tahanan ng Monteverde at bago pa man siya humarap kay Chairman Lucy nag usap na muna sila ni Cael sa harden.
" Ano ba sasabihin mo tsaka ano na naman ba gagawin ko?" Deriktang tanong ni Kakay.
" Hindi ko alam kung ano pa ang mga Plano ni Lola kaya lagi Kang mag iingat sa mga sasabihin mo" Bilin ni Cael kay kakay.
" H'wag ka mag alala magaling ako basta ayusin mo lang ang ibabayad mo sa akin tsaka nga pala magkano ba ibabayad mo sa akin? Kasi mayroon hindi dapat mangyari sa atin kahapon" Tanong ni Kakay at Nadismaya si Cael.
" Mukha ka talagang Pera. h'wag ka mag alala magbabayad ako sayo ng tama basta galangin mo sa pag arte mo" Seryosong pagkakasabi ni Cael at ngumiti ng malaki si Kakay.
" Dapat lang kasi kinuha mo ang pagka berhin ko" Saad ni Kakay at biglang tumingin ng seryoso sa kanya si Cael.
" Magkano naman kaya ang sisingilin mo sa akin kapag inulit natin Yun?" Sarkastikong tanong ni Cael at tila naiilang na si Kakay sa mga tingin niya.
" A-ano? Nababaliw kana ba? hindi mangyayari yun dahil kapag sinubukan mo pa na galawin ako dadaan ka muna sa bangkay ko" Pagbabanta pa ni Kakay at hinawakan ni Cael ang braso niya.
" Sino tinakot mo huh? Asa ka naman na mangyayari pa Yun dahil hindi kita type tumingin ka nga sa salamin" Pang iinsulto pa ni Cael at pinitik niya sa noo si Kakay.
" Bakit maganda naman ako? sexy at higit sa lahat" Pagmamalaking sabi ni Kakay at tumingin siya sa kanyang dibdib at hindi niya na natuloy ang sasabihin.
" At higit sa lahat maitim ang u***g mo" Natatawang pang aasar ni Cael at nainsulto na si Kakay.
" Hoy Sumusubra kana at tsaka hindi naman maitim ang u***g ko" Depensa ni Kakay sa kanyang sarili.
" Talaga ba? Patingin nga ulit" Pang hahamon pa ni Cael at talagang inaasar niya pa si Kakay.
" Huh? Ano tingin mo sa akin tanga? hinding-hindi mo na makikita ang katawan ko" Galit na sabi ni Kakay at iniwan na nito si Cael.
" Akala ko makaka Isa ako" Natutuwa pang sabi ni Cael at nagtungo na rin ito sa may sala.
" Kamusta kana hija? pinapunta kita dito dahil ituturo ko sayo ang aking special recipe sa pagluluto" Masayang bungad ni Chairman Lucy kay Kakay.
" Talaga po Lola naku mahilig po ako mag luto at panigurado mag eenjoy po ako Kasama kayo, diba beb?" Nakangiting sabi ni Kakay at napapa bilib na lang sa kanya si Cael.
Sinimulan nang mag luto ni Chairman Lucy at Kakay para sa kakainin nilang panang halian.
Habang nagluluto sila naka tulog na si Cael sa kwarto nito dahil naiinip na siya sa paghihintay.
" Nasaan na ba si Cael? Tapos na tayo mag luto kaya dapat matikman niya ang una mong niluto para sa kanya" Aniya ni Chairman Lucy habang hinahanap ang kanyang apo.
" Nasa silid niya po si señiorito Cael" Pabatid ng kasambahay at nagkatinginan si Chairman Lucy at Kakay.
" Nakatulog na siya? Kakay mabuti pa gisingin mo na si Cael" Utos pa ni Chairman Lucy at agad naman itong sinunod ni Kakay.
Nagtungo si Kakay sa silid ni Cael upang gisingin na ito.
" Ang ganda naman talaga ng silid niya kailan kaya ako magkakaroon ako ng gantong kalaking kwarto" Namamanghang sabi ni Kakay at nilibot niya ang kanyang mga mata sa malawak na silid ni Cael.
Habang nilalakbay ni Kakay ang kanyang mga mata sa silid ni Cael hindi niya napansin ang flower vase na nasa table at nasagi niya ito.
Nagulat ang mga mata ni Cael ng marinig niya ang isang tunog na tila may nabasag na isang bagay.
Mabilis na bumangon si Cael sa kanyang pagkaka higa at tinunga niya ang lobby ng kanyang silid.
" Ano ginagawa mo?" Seryosong tanong ni Cael nang makita niya na pinupulot ni Kakay ang mga basag na parte ng vase.
" P-pasyensya kana kasi may nabasag ako" Natatarantang sabi ni Kakay at lumapit sa kanya si Cael.
" Alam mo ba na galing pa Yan ng Singapore at nagkaka halaga yan ng five hundred thousand dollar" Tila galit na tono na pananalita ni Cael.
" A-ano five hundred thousand dollar na ito?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Kakay.
" Oo at dahil nabasag mo Yan kailangan mo Yan bayaran sa akin" Nakangisi pang sabi ni Cael.
" pero hindi ko naman sinasadya Yun tsaka saan ako kukuha ng ganoon kalaking Pera?" Kinakabahan na sabi ni Kakay.
" Alam ko naman na hindi ka makakabayad sa akin kaya ang dapat mong gawin mag trabaho sa akin ng walang bayad" Sambit ni Cael at natatawa ng kilay si Kakay.
" Hindi naman yata pwede Yun, kailangan ko ng pera kaya nga nagpanggap akong girlfriend mo diba? Kung gusto mo ganto na lang ibawas mo na lang sa ibabayad mo sa akin kahit paunti- unti lang" Pagmamakaawa pa ni Kakay kay Cael
" Okay sige ganoon na lang pero gagawa tayo kontrata" Saad ni Cael at napaisip si Kakay kung ano naman kontrata iyon.
" Kontrata? Para saan naman?" Napapa isip na tanong ni Kakay at tila kinakabahan siya.
" Magpapakasal ka sa akin at magsasama tayo sa loob ng isang taon at kailangan may physical contact tayo dahil kailangan yun para mas mapaniwala natin ang Lola ko." Paglalahad ni Cael at natulala si Kakay sa mga narinig niya mula Kay Cael.
" May physical contact? teka nga bakit parang dehado na yata ako" Galit na sabi ni Kakay.
" Okay sige bayarin mo ng cash ang five hundred thousand dollar" Nakangiti pang sabi ni Cael at talagang sinusubukan nito si Kakay.
" Ahmm- Sige Pumapayag na ako pero hanggang kiss lang dapat at kapag lumagpas ka sa limitasyon mo mabubura na lahat ng babayaran ko" Pangungundisyon pa ni Kakay at lumapit sa kanya si Cael.
" Paano kaya kung lagpasan ko ngayon ang limitasyon ko?" Saad ni Cael at tila ba tinatakot nito si Kakay.
" Gusto mo sapakin kita" Galit na sabi ni Kakay at hindi niya sinasadya na maapakan ang mga basag na bahaginng vase kaya naman tumusok ito sa kanyang paa.
" Sige sapakin mo ko ngayon para malaman mo ang kaya Kong gawin Sayo" Pang hahamon pa ni Cael at napansin niya na dumudugo na ang paa ni Kakay.