CHAPTER FOUR

1071 Words
Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa silid ni Cael kaya naman agad siyang napabalikwas sa kanyang pagkaka tulog. " A-ano nanyari sa atin? bakit wala na akong saplot? nawala na ang iniingatan ko dahil sayo" Napapa iyak na sabi ni Kakay nang mahimasmasan na siya at pinag hahampas niya si Cael ng unan. " Tumigil ka nga diyan akala mo naman berhin ka" Naiinis na sabi ni Cael at napansin niya na may bahid ng dugo sa kumot at sapin ng kama. " Hoy.. excuse me mistisong hapon para sabihin ko sayo talagang berhin ako tapos ikaw lang makaka una sa akin" Inis na inis na reaksyon ni Kakay at ilan sandali pa biglang dumating si Charman Lucy at mukhang natutuwa talaga ito sa nangyari. " Oh mukhang hindi na kayo nakatiis pa, magagawa niyo naman yan sa pagkatapos ng kasal niyo" Natutuwang sabi ni Chairman Lucy. " Lola naman kumatok naman po kayo" Saad ni Cael at napatalakbo na lang ng kumot si Kakay dahil sa subrang kahihiyaan. " Mukhang mapapa aga ang kasal niyo, goodluck sainyo" Saad ulit ni Chairman Lucy at umalis na ito sa silid ng kanyang apo. " H'wag kana mag alala dahil dadagdagan ko naman ang bayad ko sayo" Seryosong pagkakasabi ni Cael at biglang lumabas ang ulo ni Kakay sa kumot na nag kukubli sa kanyang katawan. " Talaga? magkano naman? nakuha mo na lang din naman ang pagkakababae ko kaya dapat lang bayaran mo ako at dapat malaki ang ibayad mo sa akin" Mataas ang tono ng pananalita ni Kakay kaya tumatalsik ang laway niya sa mukha ni Cael. " Pwede ba itikom mo yang bibig mo, tumatalsik ang laway mo kaderi ka. tsaka mukha ka talagang pera ano?" Naiireta nang sabi ni Cael at sinuot niya na ang kanyang damit " Kailangan ko talaga ng pera tsaka nga pala pag kinasal na tayo at hinawakan mo ang alin man sa parte ng katawan ko asahan mo magbabayad ka talaga ng pera" Darityahang pagkakasabi ni Kakay at tatayo na sana siya ng pigilan siya ni Cael. " Talaga ba? sige nga paano kung halikan kita magkano naman ibabayad ko sayo" Nakangising tanong ni Cael at nilapit nito ang mukha niya kay Kakay. " Ahhm- kapag sa halik mahal na yun syempre, mga nasa fifty thousand na yun" Seryosong pagkakasabi ni Kakay at natawa na lang si Cael. " Hahaha... sige nga paano kung mas higit sa halik ang gagawin ko sayo" Pilyong tanong ni Cael at mas nilapit niya pa ang mukha niya kay Kakay kaya napa atras ito palayo sa kanya hanggang sa mahulog ito sa kama. " Arayy.. ikaw siraulo ka talaga" Sambit ni Kakay habang naka hawaak sa kanyang ulo dahil sa pagkaka laglag niya sa kama. " Mukha ka talagang pera, asa ka naman halikan kita" Inis na sambit ni Cael at iniwan niya na si Kakay sa kanyang silid. Pagkatapos nga mag bihis ni Kakay bumaba na siya upang magpa alam sa pamilyang Monteverdedahil kailangan niya na malaman ang kalagayan ng kanyang ama. " Anong nangyari sayo bakit ganyan ka maglakad?" Tanong ni Mabel kay Kakay at hindi tuloy ito masagot ng dalaga. " Ito kasi si Cael pinagod ang kasintahan niya, hija sumabay ka muna sa amin kumain" Nakangiting sabi ni Chairman Lucy. " Kailanagn niya na po umalis Lola dahil may importanti siyang lakad, ihahatid ko po muna siya" Saad naman ni Cael at inakay niya na si Kakay palabas. " H'wag mo na ako ihatid sa ospital sasakay na lang ako ng taxi" Nahihiya pang sabi ni Kakay at tumalikod na siya kay Cael ngunit hinarangan siya nito. " Sumakay kana sa kotse ko at ihahatid na kita doon" Pagpupumilit ni Cael at binuksan niya na ang pinto ng kotse niya at pumasok na lamang si Kakay sa loob. Yung nangyari kanina?" Sambit ni Kakay at tila nahihiya pa ito. " Walang may gusto sa nangyari kaya kalimutan mo na lang" Tila naiinis pang sabi ni Cael. " Anong kalimutan? Excuse me birhin kaya ako, tapos ikaw lang makaka una sa akin" Nakasimangot Naman na Sabi ni Kakay. " Ano berhin ka? Sino niloko mo?" Sarkastikong pagkakasabi ni Cael at natatawa pa ito. " Berhin talaga ako ni Isang kiss nga Wala pa, actually Ikaw din ang first kiss ko" Naiinis na depensa ni Kakay at biglang nilapit ni Cael ang mukha nito sa kanya. " So ako ang first kiss mo?" Natatawa pang sabi ni Cael. " Pwede ba mag maneho kana" Utos ni Kakay upang maka iwas sa tanong ni Cael sa kanya. Hinatid na ni Cael si Kakay sa ospital at pagkatapos bumalik na siya sa tahanan nila. Mabilis na nag tungo si Cael sa kanyang kwarto at paglapit nga niya sa kanyang kama Nakita niya na may bahid ng dugo sapin at kumot niya. " Ibig sabihin berhin talaga siya? Kaya pala" Nakangiti pang sabi ni Cael at tinawagan niya si Kakay. " Hello, sino to?" Aniya ni Kakay ng sagutin niya ang tawag sa kanyang phone. " Ako ito si Cael, pumunta ka Dito ng maaga" Darityahang utos ni Cael at napangiwi na lamang si Kakay. " Hindi ako pwede dahil.." Hindi na natapos ni Kakay Ang kanyang sasabihin dahil binabaan na siya ng phone ni Cael. " Ate maayos na daw po ang lagay ni tatay" Magandang balita ng kanyang Kapatid at tila na bunutan ng malaking tinik sa lalamunan si Kakay. " Thanks god, mabuti naman kung sa ganoon" Masayang pagkaka sambit ni Kakay. Samantala si Cael ay nagtungo na muna sa sala dahil nais siyang kausapin ng kanyang Lola. " Na ihatid mo na ba ang girlfriend mo?" Bungad na tanong ni Chairman Lucy. " Na ihatid ko na siya kanina pa, may pag uusapan po ba tayo Lola?" Tanong naman ni Cael. " Papuntahin mo dito si Kakay bukas dahil tuturuan ko siya ng spesyal Kong mga lutuin para naman pag kasal na kayo ay makipag luto ka niya" Pabatid ni Chairman Lucy at tila sabik na ito sa mga mangyayari pa. " Gusto niyo po ba siya?" Seryosong tanong naman ni Cael. " Oo naman, mukhang mabait Naman siyang tao kaya h'wag mo na siya pakawalan" Natutuwang sagot ni Chairman Lucy. " Mukhang nakuha ng babae na Yun ang loob ni Lola?" Pabulong na pagkakasabi ni Cael. " May sinasabi kaba?" Aniya ni Chairman Lucy nang tila marinig niya na may sinasabi si Cael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD