Malumanay na nag usap si Kakay at Cael dahil mas Lalo silang nahihirapan sa kanilang pagpapanggap dahil ultimo sa ama ni Kakay kailangan na rin nilang magpanggap. " Bakit mo kasi sinabi na boyfriend kita? Tignan mo mas lumalama ang sitwasyon natin dalawa" Naiinis na sabi ni Kakay. " Malay ko ba na ganyan ang ama mo nakaka takot siya. Ganyan ba talaga siya?" Nangangamba nang sabi ni Cael at tila ba hindi ito mapakali. " Sinabihan na kita diba na mayayari talaga ako sa kanya kaso pinagpatuloy mo parin kaya bahala ka" Saad ni Kakay at Ilan sandali pa muling humarap sa kanila si Mang Tomas. " May nangyari na ba sainyo?"Deriktang tanong ni Mang Tomas habang hawak ang itak niya kaya muling nanginig ang katawan ni Cael. " Papa naman pwede ba h'wag niyo na po takutin ang boyfriend ko" Sambit

