Sandaling napatingin si Cael sa maaliwalas na mukha ni Kakay at hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siya nakaramdam ng kaba. " H'wag mo na nga muna ipakita sa akin yang mukha mo, nakaka ireta Kasi" Naiinis na sabi ni Cael at ginuromos ang mukha ni Kakay. " Ano ba ginagawa mo? Naiinis ka sa mukha ko o baka naiinlove kana sa akin?" Pang aasar pa ni Kakay at naging mapungay ang mga mata nito. " Tumahimik ka nga hinding- hindi ako maiinlove sa katulad mong tulo laway" Pagmamatigas ni Cael at nagulat siya nang bigla siyang kilitiin ni Kakay. " Asus kunwari kapa, alam mo okay lang naman kahit mainlove ka sa akin pero hindi rin kasi kita type, ayuko sa mga malilibog na tulad mo" Walang pakundangan na sabi ni Kakay. " A-ano ako malibog? Paano mo naman nasabi na malibog ako? Seryosong

