"Pssst.." Nagpalinga linga si Yumie dahil kanina pa may sumusutsot sa kanya. Nasa garden siya ng kanilang bahay naglalaro habang hinihintay niyang matapos ang kanyang Mama sa pagluluto.
Muli siyang naglakad para sundan ang kung saan nanggagaling ang sutsot na iyon.
"Waaahh." nagulat naman si Yumie ng makita niyang si Mat pala na kapitbahay nila ang tumatawag sa kanya.
"Nakakagulat ka naman kuya Mat! " kaagad na sambit ni Yumie.
"Kuya na naman, hayssttt.. Sabi ko sayo Mat na lang diba?"
"Panganay ka kaya sa akin, kaya dapat lang na kuya ang itawag ko sayo!"
"Yumie naman! Magiging asawa kita in the future tapos kuya lang ang itatawag mo sa akin, hindi pwede!"
"Asawa? Ang babata pa natin tapos asawa agad ang sinasabi mo diyan!" hindi niya miawasang mapaismid dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Mat.
"Diba sabi ko sayo dati mahal kita? Crush kita Yumie matagal na, kaya sana tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng kuya!"
"Ano yung naririnig kong crush diyan ah?" biglang sumulpot ang Mama ni Yumie, napakamot naman sa ulo si Mat.
Pinandilatan naman niya ito, habang pigil ang sarili na huwag matawa.
"Mat ah, masyado pa kayong bata para sa mga bagay na iyan! Alam niyo kung anong pwede niyong gawin, mag-aral kayo ng mabuti at paglaki niyo saka niyo isipin ang mga ganyang bagay."
"Tita masama po ba na mahalin ko si Yumie kahit mga bata pa lang kami?"
"Hindi naman Mat, kaso huwag lang seryosohin ang lahat. Kung talagang kayo ni Yumie hanggang sa paglaki niyo, gagawa at gagawa ang kapalaran para magkatuluyan kayo."
Matiyaga naman itong nakikinig sa sinasabi ni Divina.
"Huwag niyo lang po sana akong pagbawalan na lumapit kay Yumie Tita, alam niyo naman po na wala akong ibang kasama sa bahay, wala po akong kapatid at si Yumie lang po ang nakakasama ko araw-araw."
Lumapit naman sa kanya ang ginang at ginulo ang buhok nito.
"Walang problema sa akin Mat, pero yung Mommy mo sigurado maghahasik iyon ng lagim kapag makita ka niyang pumupunta dito sa bahay." sabay pa silang nagtawan dahil sa sinabi ng Mama ni Yumie. Aminado naman si Mat na ubod ng sungit ang kanyang Mommy, walang araw na hindi ito nagsusungit at palagi itong nagagalit kapag pumupunta siya sa bahay ng mga Balbuena.
"Wala ka bang kasama diyan ngayon, gusto mo dito kana kumain? Masarap ang ulam namin sinigang na hipon." masayang alok sa kanya ni Divina, kaagad naman itong tumango dahil paborito nito ang sinigang na hipon.
Halos araw-araw nagpupunta at nakikikain si Mat sa bahay nina Yumie, lalo na kapag wala itong pasok sa school at kapag wala ang Mommy at Daddy niya.
"Hmmm.. Ang sarap po talaga nito Tita, ang galing niyo pong magluto, sa bahay po kasi namin hindi masarap ang pagkain lalo na at wala po akong kasabay kumain, yung mga maid's po namin natatakot sila kay Mommy kapag niyayaya ko silang sumabay sa akin sa pagkain." mapait na ngumiti si Mat.
"Bakit ba ang sungit ng Mommy mo? Ang ganda-ganda ni Hilda pero palaging galit."
"Ganoon na po si Mommy, lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Pati po si Daddy nagiging sunud-sunuran narin sa kanya." malungkot na sabi ni Mat.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng may biglang sumisigaw mula sa labas ng gate. Lumabas naman si Divina para tingnan kung sino iyon.
"Ma'am Divina nandiyan po ba si Mat? Naku, nagagalit na po kasi si Madam, hinahanap po niya ang alaga ko." nanginginig namang saad ng Yaya ni Mat.
"Kumakain pa siya, teka hindi kaba papasok?" tanong naman ni Divina dito.
"Naku ma'am hindi na po." hanggang sa lumabas narin si Mat at nagpupunas pa ito ng kanyang bibig.
"Yaya bakit po?" tanong niya ng makita niyang nasa gate ang kanyang Yaya.
"Naku Mat lagot, nandiyan na ang Mommy mo, hinahanap kana niya!"
Nagmamadali silang nagpaalam at umalis kaagad sa bahay nina Yumie.
Dumaan sila sa likod ng bahay para hindi sila makita ng kanyang Mommy.
Sa likod nga sila dumaan, papasok na sila ng kusina at laking gulat nila ng nakatayo sa harapan nila ang kanyang Mommy Hilda.
"And where did you came from you little brat?" galit na naman ito dahil nakataas na naman ang kilay nito.
"Ah, eh diyan lang po sa likod Mommy, naglalaro po ako doon sa tree house sa likod!" hinawakan naman nito ang kanyang baba na tila hindi kumbinsido sa sinasabi ng anak.
"Is it true Yaya?" tumango naman ang kanyang Yaya."Opo madam, may ginawa po kami ni Mat sa likod."
"Akala ko nagpunta kana naman sa bahay ng mga hampas lupang iyon! Huwag na huwag kong makikitang lumalapit ka sa kanila Mat, hindi natin sila kauri kumbaga langit ka lupa sila!"
napakamot na lang sa ulo si Mat.
Nagtataka siya kung bakit sobrang galit ng Mommy niya sa pamilya ni Yumie, mabait naman sila at wala naman silang ginagawang masama sa kanya.
"Sige na Yaya ayusin mo yang alaga mo dahil mamaya pupunta dito ang mga amiga ko, anak behave ka mamaya dahil makikilala mo ang anak ng business partner namin. Sigurado ako magugustuhan mo siya, maganda iyon Mat at nag-iisang anak din siya katulad mo!" napangiwi naman si Mat sa sinabi ng kanyang Ina, wala siyang ibang gustong kalaro at wala siyang ibang gustong makasama kundi Yumie lang.
"Mat labas kana diyan, nandiyan na ang mga bisita ni Madam. Bilisan mo dahil ipapakilala ka ni Madam sa kanila."
Hindi naman kumikilos si Mat, lalo pa siyang nagsumiksik sa loob ng kanyang kumot.
"Mat! Bangon na diyan at lumabas kana, huwag mo ng hintayin ang Mommy mo na lumapit pa sayo bilis!" kasabay nito ang paglihis ng kanyang Yaya sa kanyang kumot.
"Ayaw ko Ya, si Yumie lang ang gusto kong kaibigan, ayaw ko sa iba!"
"Pero magagalit ang Mommy mo kapag hindi ka lumabas, Sige na kahit saglit lang. Malay mo naman magustuhan mo yung bata, sige na!" walang kabuhay-buhay itong tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
"Mat come here!" masayang tawag sa kanya ng kanyang Ina.
"Anak this Angela Hernandez, anak siya nina Tita Luisa at Tito Jake mo say hi to them anak!" ngumiti naman ito ng tipid sabay nagwave sa mga ito.
"Hello Mat, wanna play with me? Come on, let me see your treehouse Tita told me that you have your treehouse eh!" maarteng sabi naman ni Angela, nakakunot naman ang noo ni Mat na sinundan ng tingin ang batang babae na lumabas ng kanilang bahay.
"Where do you think you're going? Hindi diyan ang daanan papunta sa treehouse ko!" ngumiti naman ito at ikinawit nito ang kamay nito sa braso ni Mat habang naglalakad.
"Wow ang ganda naman dito Mat! Dapat ako lang ang dadalhin mo dito ah?" nakasimangot naman si Mat, at palihim niyang ginagaya ang sinasabi ni Angela.
"Alam mo ba na pinakaayaw ko sa lahat yung dinidiktahan ako? Dadalhin ko dito ang kahit na sinong gusto kong dalhin dito!"
"Ouch! You're so harshed Mat. But anyway thank you kasi nakilala kita, from now on I want you to be my friend!"
"Asa kapang babae ka!" halos pabulong nitong sabi.
"May sinasabi kaba Mat?" tanong nitong muli sa kanya.
"Ah, nothing!" tumalikod na ito para pumasok sa loob ng kanilang bahay.
"Hey, where are you going? We didn't play yet, come on Mat!" pagmamaktol naman ni Angela, hanggang sa makarating sila sa living room kung nasaan nag-uusap ang parents nila.
"Tita si Mat po, he didn't want to play with me!" nakasimangot pa nitong sabi.
"Mom, please inaantok po ako wala po ako sa mood maglaro." nagmamadali itong naglakad patungo sa hagdan para bumalik sa kanyang silid.
"Uurgg.. That crazy kid!"
"May problema ba Mat? Bakit ang bilis mo namang bumalik?" tanong naman ng kanyang Yaya.
"Ayaw ko sa kanya Ya, ang arte- arte akala mo naman maganda!"
natawa naman ang kanyang Yaya.
"At bakit sino ba ang maganda para sayo aber?" ngumiti naman siya ng maalala niya si Yumie, wala ng mas gaganda pa sa Yumie niya.
"Yaya tinatanong paba iyan?" nakangiti nitong sabi.
"Ahm! Teka, si Yumie? Ang galing naman ng alaga ko ah, proud naman ako sayo Mat marunong ka talagang pumili."
nag high-five pa ang dalawa.
"Pero ingat ka sa Mommy mo, terror iyon. Naku kawawa si Yumie kapag nalaman niyang nakikipagmabutihan ka sa pamilyang iyon!"
"Ewan ko ba kay Mommy Ya, galit na galit siya kina Yumie. Yaya bawal bang makipagkaibigan ako sa mga kagaya nila Yumie? Bakit po palaging sinasabi ni Mommy na hampas lupa, ano pong ibig sabihin ni Mommy Ya?" walang kamuang muang si Mat sa mga pinagsasabi ng kanyang Ina.
"Mat, kahit anong mangyari huwag na huwag mong pakikinggan ang Mommy mo. Hindi masamang makipagkaibigan sa katulad naming mga mahihirap. Tandaan mo yan, mahirap man kami pero wala kaming inaapakan na kapwa tao namin."
"Sorry po Yaya, hindi ko po alam!" humiga na ito, at lumabas narin ang kanyang Yaya.
Nagtalukbong siya ng kumot at pilit na pumikit. Nakatulog naman siya, naalimpungatan pa siya ng makapa niyang may nakahiga sa tabi niya.
Nagulat pa siya ng makita niyang nakahiga sa tabi niya si Angela, nakangiti ito habang nakatitig ito sa kanya.
"What are you doing here?" kunot-noong tanong niya.
"Wala, I just want to be with you!"
"You're crazy! Get out!" sabay turo nito sa kanyang pintuan, pero hindi naman kumilos ang bata.
"I said get out! You're not allowed to enter my room,get out!" sabay hila nito sa braso ni Angela, hila-hila niya ito palabas ng kanyang silid. Nang mapansin sila ng kanyang Mommy ay biglang umiyak si Angela.
"Tita look oh, Mat is hurting me!" habang patuloy itong umiiyak.
"I wasn't doing anything Mom, she suddenly entered my room!"
"Mat say sorry to Angela, come on!" napailing naman siya dahil sa sinabi ng kanyang Ina.
"No! I won't do that, wala akong ginagawa sa kanya Mom, so why would I?" matalim ang mga titig na ipinupukol sa kanya ng kanyang Ina.
Kaagad namang nakuha ni Mat ang gustong ipahiwatig ng kanyang Ina.
Lumapit siya kay Angela at humingi siya ng paumanhin dito.
"Apology accepted, yehey where friends now Mat?" nakangiti na ang bata na kanina akala mo kinakawa dahil todo acting pa ito sa pag-iyak.
Hindi na siya umimik pa at nagpatuloy siyang naglakad pabalik ng kanyang kwarto.
Doon bumuhos ang kanyang sama ng loob, ibinato niya ang kahit na anong mahawakan niya, naiinis siya sa Mommy niya dahil lahat ng gusto nito palaging nasusunod. Wala siyang kalayaan sa kanilang bahay, lahat ng galaw niya bantay sarado ng kanyang Ina.
"Kailan ako magkakaroon ng kalayaan? Bakit ganyan ka Mommy? Bakit?" umiiyak niyang sambit sa sarili, pumasok naman ang isa nilang kasambahay para maglinis ng makita nitong maraming nagkalat sa sahig.
Umiling naman ito dahil kilala niya si Mat, alam na alam na nila kapag nagkakaganito ang bata.
"Tsk.tsk. Kawawang bata, halika nga!" lumapit naman sa kanya si Mat.
"Ang Mommy mo na naman ano? Mat sundin mo nalang ang Mommy mo, Ina rin ako kaya alam ko kung anong mas makakabuti sa anak ko."
"Kahit alam niyo pong hindi ako masaya? Gusto niyo pong sundin ko si Mommy kahit labag po sa kalooban ko Manang?"
"Ganoon talaga anak, Mommy mo siya eh! Kaya ikaw intindihin mo nalang siya, hindi gagawa ng masama ang magulang kung alam nilang ikapapahamak naman ng kanilang mga anak, iniisip lang ng Mommy mo ang kapakanan mo." nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok naman ang kanyang Yaya.
"A-anong nangyayari dito? Ikaw Veron ano na namang kalokohan ang itinuturo mo sa alaga ko?" tanong naman ng kanyang Yaya Melda.
"Wala noh, kinausap ko lang paano kasi nagwawala na naman dahil kay Madam!"
"Mat, umalis na ang mga bisita ng Mommy mo. Veron lumabas kana dahil baka abutan tayo ni Madam dito dali!" nagmamadali namang pinulot ni Veron ang lahat ng kalat ni Mat. Kaagad namang inayos ng Yaya nito ang kanyang higaan at pagkatapos ay nagpaalam na itong lumabas.
"Labas na ako Mat, mahirap na baka abutan pa ako ng Mommy mo dito, naku magbubuga na naman ng apoy iyon sigurado!"