ISANG umaga habang naghahanda si Mat sa kanyang pagpasok sa paaralan, naabutan niyang nagsasagutan ang kanyang mga magulang sa may living area.
"Sumosobra kana Hilda, hindi mo man lang ba naiisip ang mararamdaman ko? Si Mat paano anak mo, hindi kaba naaawa sa anak mo?"
"Kaya ko nga ginagawa ito diba, para sa kanya? Bakit hindi mo iyon maintindihan?"
"Sarili mo lang ang iniisip mo Hilda, sawang- sawa na ako sa pag-uugali mo Hilda, ayaw ko na!"
"At anong ibig mong sabihin, nakikipaghiwalay ka sa akin? Go Ramon hindi ako natatakot sayo!"
"Talaga dahil sawang-sawa na ako! Kukunin ko si Mat at sa akin siya titira hindi sayo!"
"No! You can't do that Ramon, wala kang kakayahan para buhayin ang anak ko! At anong ipapalamon mo sa kanya ang kakapiranggot mong kita sa pagbabarko? Huh! Wala ka sa kalingkingan ko Ramon, lahat nasa akin I have everything in this world!"
"Oo maliit nga ang kita ko, pero naiibigay ko ang lahat ng gusto ni Mat, malakas lang ang loob mo dahil mayaman kayo. Kasalanan ko ba na naging mahirap ako? Sorry ha, dahil isang mahirap lang ang napangasawa mo!"
Sabay silang lumingon ng mapansin nilang nakatayo si Mat sa may gilid ng hagdanan.
"Anak kanina kapa diyan?" tanong ng kanyang Daddy, hindi naman siya umimik bagkus ay naglakad ito patungong pintuan.
"Anak!" tawag pa ng kanyang Daddy pero hindi na siya lumingon pa. Nagdirediretso naman ito sa kotse para sumakay. Masama ang loob niya dahil nag-aaway na naman ang kanyang mga magulang.
Halos araw-araw na lang kung mag-away ang mga ito.
"Manong alis na po tayo male-late na po ako!" nagmamadali namang tumalima ang kanyang driver. Nakalabas na sila ng gate ng matanaw niyang nakatayo mula sa harapan ng bahay nila si Yumie. Kaagad namang gumuhit ang masayang ngiti sa kanyang mukha ng makita niya ang babaeng crush niya.
"Manong itigil mo muna!" binuksan niya ang bintana ng sasakyan at tinawag si Yumie.
"Yumie!" napalingon naman sa kanya si Yumie at kumaway naman ito sa kanya.
"Sabay kana sa akin." alok pa nito kay Yumie, ngumiti naman ito sa kanya saka umiling ito.
"Hindi na kuya, ihahatid naman ako ni Papa." napapakamot na lang siya sa ulo sa dahil kuya na naman ang tawag nito sa kanya.
"Kita na lang tayo sa school kung ganoon. See you!" sabay flying kiss pa niya dito.
"Umiibig na ang binata namin ah!" natatawa naman ang driver dahil sa inaasta ni Mat.
"Ang ganda talaga ni Yumie, alam mo Manong pakakasalan ko yan pagdating ng araw!" napabunghalit naman sa tawa ang kanyang driver.
"Umiibig kana nga Mat, pero payo lang ah tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Saka na yang pag-ibig na yan!"
"I know Manong, magtatapos talaga ako para kay Yumie." taas noong sabi pa nito.
SAMANTALA patuloy parin ang bangayan ng kanyang mga magulang, nakapagdesisyon na si Ramon na iwanan na si Hilda.
"At saan ka pupunta, talagang iiwan mo kami ng anak mo? Ipagpapalit mo kami ng anak mo sa bababe mo?" nakita niya itong nag-iimpake ng kanyang mga gamit.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong babae! Marami kang pera diba, bakit hindi ka mag- hire ng investigator para malaman mong wala akong babae. All my life ikaw lang ang minahal ko alam mo yan, pero dahil sa ginagawa mo baka nga totohanin ko na ang mambabae!" hindi naman nakaimik si Hilda sa tinuran ni Ramon, gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
"Nasasakal na ako sayo Hilda, hindi lahat ng oras ikaw na lang palagi ang masusunod, asawa mo ako pero hindi asawa ang turing mo sa akin. Para akong aso na sunud-sunuran sa lahat ng gusto mo!"
"Sige umalis ka kung gusto mo, pero hindi mo makukuha ang anak ko! Sa akin si Mat at ikaw huwag kang babalik dito kapag naghirap ka!"
"Huwag kang mag-alala kahit magdildil pa ako sa asin hinding-hindi ako hihingi ng tulong sayo!" pagkatapos nitong mag- impake ay nagmamadali na itong lumabas. Sinundan pa siya ni Hilda pero buo na ang kanyang desisyon.
"Umalis ka kung gusto mo, hindi ka kawalan sa akin Ramon. Pinulot kita sa basurahan kaya babalik ka rin basurahan!" nanggagalaiti na ito sa galit dahil kahit anong gawin niyang pananakot hindi na niya mapipigilan ang asawa sa kanyang pag-alis.
"Huwag kang mag-alala Hilda, sanay ako sa kahirapan.At siya nga pala ito ang susi ng bahay na binigay mo sa mga magulang ko, ibinabalik ko na sayo. Hindi nila kailangan ng malaking bahay dahil kahit sa maliit lang sila nakatira masaya sila, malaya sila hindi kagaya sa bahay na ito. Wala kaming kalayaan dahil para kaming mga robot na de susi na sumusunod sayo!" sumakay na ito ng kanyang kotse at saka kaagad itong pinasibad.
"Urggg.. Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko!" sumisigaw pa nitong sabi habang tanaw ang sasakyan ng asawa palayo.
"Yumie!" nasa school canteen si Yumie ng marinig niyang tinatawag siya ng kanyang mga kaibigan na sina Rafa at Camille.
"Yumie tapos kana ba? Ahm, kasi gustong maki join sa atin ni kuya ok lang ba sayo Yumie?" tumango naman ito kay Camille.
"Hi Yumie, can I sit here?" turo pa ni Liam sa katabi nitong upuan.
"Sige kuya Liam upo ka!"
"Ahm, huwag mo na akong tawaging kuya Yumie pwede ba?" hindi naman umiimik si Yumie, at ngumiti lang ito ng tipid. Papasok na ng school canteen si Mat ng matanaw niyang may ibang kasama si Yumie at nakaupo pa ito sa tabi niya mismo.
"f**k! Anong ginagawa ng Liam na iyon dito? Bakit sila magkasama ni Yumie?"
Walang imik niyang nilapitan si Yumie
at hinawakan ito sa kanyang braso, at pilit niya itong pinapatayo. Nagulat naman si Yumie ng makita niya si Mat sa kanyang tabi.
"Kuya Mat!" sabi pa nito habang titig na titig ito sa seryosong mukha ni Mat.
"Yumie I have something to tell you, pwede ba kitang makausap?" tumango naman si Yumie, tumingin pa siya sa kanyang mga kaibigan bago ito tumayo.
"Excuse us for a while!" tumayo na ito at naglakad palabas ng canteen kasama si Mat. Dinala siya nito sa kanilang school gym.
"Ano palang sasabihin mo kuya Mat?" muling tanong niya dito.
"Yumie I want you promise me one thing."
"Sige ano ba iyon?"
"Ahm, nakausap ko si Daddy kanina lang gusto daw akong dalhin ni Mommy sa States. Magkakalayo na tayo Yumie, ayaw ko sanang sumama kay Mommy dahil mas gusto ko kay Daddy pero wala akong magawa." seryoso namang nakikinig si Yumie habang nagsasalita si Mat.
"Promise me that you'll gonna wait for me, babalik ako Yumie, babalikan kita pagdating ng araw. Tutuparin ko ang pangako ko sayo na pakakasalan kita. Sana mahintay mo ako Yumie, may aasahan ba ako?" sabay halik nito sa kanyang pisngi, napahawak naman si Yumie sa pisngi nitong hinagkan ni Mat.
"A-alis kana, iiwan mo na ako? Wala na aking kalaro?" tumango naman si Mat.
"Kung ganoon good luck sayo!"
"Iyon lang ba ang sasabihin mo Yumie, hindi mo ba ako mamimiss?" tanong nito habang hawak niya ang mga kamay nito.
"Ah- eh mamimiss, pero hindi naman kita pwedeng pigilan hindi ba?"
"Mamimiss din kita Yumie, sana dumating yung araw na magkita ulit tayo. Mahal kita Yumie ko, alam mo yan." hindi naman nakaimik si Yumie sa tinuran ni Mat.
"Hihintayin mo naman ako diba? Yumie mula ngayon tayo na, at hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba lalo na sa Liam na iyon."
"Anong ibig mong sabihin na tayo na?" napaka- inosente pa nito sa mga bagay -bagay lalo na pagdating sa pag-ibig.
"Take this ring as a sign of my love, alam kong hindi pa ito kasya sayo pero pagbalik ko alam kong kakasya na ito sayo. At kapag dumating yung araw na iyon, ako mismo ang maglalagay ng singsing na ito sayong daliri. Please Yumie, say that you'll wait for me!"
Hindi naman malaman ni Yumie ang kanyang isasagot, nakatingin siya sa kawalan tahimik at tila maiiyak na dahil sa mga luhang nangilid sa kanyang mga mata.
"Yumie are you listening?" pukaw nito kay Yumie.
"Ang daya mo naman kasi kuya Mat eh, ngayong lang tayo nagkakilala tapos aalis ka kaagad?" medyo naluluhang sabi nito.
"Hindi ako mawawala Yumie, aalis man ako pero babaunin ko ang puso mo. Tumupad ka sana sa usapan Yumie, hihintayin mo ako!" tumango naman si Yumie, wala siyang kamuang- muang sa mga nangyayari, pero isa lang ang alam niya maghihintay siya sa pagbabalik ni Mat.
"Kailan ang alis mo?"
"Sa Saturday na, aayusin lang siguro yung papers ko dito sa school. Yumie mag-iingat dito ah para sa akin. Promise babalik ako."
"Maghihintay ako kuya Mat, heto ang panyo ko may pangalan ako diyan. Pasensya kana kasi wala naman akong ibang pwedeng ibigay sayo."
Kaagad namang kinuha ni Mat ang panyo ni Yumie at inilagay ito sa kanyang bulsa.
Pagkatapos nilang mag-usap bumalik na sila sa kanilang classroom, inihatid pa siya Mat hanggang makapasok siya sa loob ng klase.
Hapon na at uwian na biglang dumating ang Daddy ni Mat.
"Mat sumama ka sa akin, gusto kang makita ng mga Lolo at Lola mo bago ka umalis."
"Dad talaga bang hindi ka sasama sa amin ni Mommy papuntang States?"
"Hindi na anak, ang Mommy mo ang may kagustuhan sa lahat, hirap na akong pakisamahan ang Mommy mo patawarin mo ako anak." hindi naman makaimik si Mat sa tinuran ng kanyang Ama, malaki na siya kaya naiintindihan na niya ang mga nangyayari.
Pagsapit ng gabi nanggagalaiti sa galit si Hilda dahil gabi na at wala parin ang kanyang anak. Katakut-takot na sermon ang inabot ng driver nito ng umuwi ito at sinabing hindi niya nakita si Mat sa paaralan.
"Pack up all your things and get out from this house." galit na galit na wika nito
"Madam huwag niyo naman po akong tanggalin dahil marami po akong anak na umaasa sa akin."
"Everyone listen, aalis na kami ni Mat papuntang States so ibig sabihin hindi ko na kailangan ang mga serbisyo ninyo. Heto ang huling sahod niyo, huwag kayong mag- akala dahil kumpleto yan pati ang mga benefits niyo." hindi naman makaimik ang driver at mga kasambahay.
"Itong bahay si Papa na ang bahala dito, kung gusto niyo kausapin niyo si Papa kung gusto niyong manatili dito!"
EKSAKTONG kadarating lang ni Mat ng kanilang bahay ng maabutan niyang nagkukumpulan ang kanilang mga kasambahay at mga driver.
"Yaya bakit ka po umiiyak? Anong nangyayari dito?" palipat lipat siya ng tingin sa mga ito.
"Mat mamimiss kita, huwag mo kaming kakalimutan ah mag-iingat ka doon!"
Ngayon naiintindihan na niya kung bakit sila malungkot, lumapit naman siya sa kanila at yinakap ang kanyang Yaya.
"Mamimiss ko din po kayo, Yaya babalik po ako huwag ka ng umiyak."
"Kapag nakabalik kana hanapin mo kami anak ah!" tumango naman siya sa kanila.
Nakapasok na ito ng kanyang kwarto nang bigla itong bumukas at iniluwa nito ang galit na galit nitong Mommy.
"And where did you came from?"
"Sumama po ako kay Daddy, nagpaalam lang po ako kina Lola at Lolo."
"From now kalimutan mo na ang Daddy mo dahil iniwan na niya tayo! Mas pinili niya ang babae niya kaysa sa atin. At gusto ko simula ngayon hindi mo na gagamitin ang apeliydo ng Ama mo, isa ka nang Madrigal tandaan mo hindi kana Rodriguez kundi Madrigal."
"But Mom!"
"No but's, that's an order hindi kana makikipagkita sa ama mo naiintindihan mo?"
"You're so unfair Mom, ilalayo mo na nga ako Daddy tatanggalan mo pa siya ng karapatan na maging ama ko! I hate you Mom!" umiiyak nitong sabi, naningkit ang mata ni Hilda na hinawakan ang baba ng anak.
"What did you say?" she yelled at him
"Ako ang Mommy mo at ako lang ang nakakaalam ng makakabuti para sayo, ang Daddy mo he's a looser he's nothing compared to me!" matatalim ang mga mata nito na nakatingin sa anak.
"I won't leave, I want Daddy!"
"No! You're going with me and forget that damn father of yours! Wala siyang kakayahan para buhayin ka, ako nasa akin ang lahat Mat kayang kaya kitang buhayin at kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo!"
"Ganyan naman kayo eh, hindi niyo man lang iniisip ang kapakanan ko. Hindi lang ikaw ang kailangan ko Mommy, I also need Daddy, I need a complete family."
"Wala na Mat, hindi na tayo magiging kumpleto dahil sa magaling mong ama!"
Hindi na siya nakaimik pa, gustuhin man niyang magsalita pa pero wala rin siyang mapapala.
"Ano bang klase ng buhay ito, walang akong kalayaan puro na lang si Mommy ang nasusunod!"
Humiga na siya at nagtalukbong ng kanyang kumot habang patuloy ito sa pag-iyak.