EPISODE -6 ( Flashed back -3 The Accident )

2114 Words
TULUYAN nang umalis ng bansa ang mag-inang Hilda at Mat. Imbes na Sabado pa ang alis nila ginawa na ni Hilda na mas maaga para hindi magkita pa ang kanyang mag-ama. Kanina pa doorbell ng doorbell si Ramon sa gate ng kanilang bahay pero walang lumalabas para magbukas ng gate. Napansin naman siya ni Divina na noon ay nagdidilig ng kanilang mga halaman. "Ramon, wala nang tao diyan! Diba umalis na sila papuntang US?" napakunot naman ang noo ni Ramon sa tinuran ng kapitbahay nilang si Divina. "Ahm, sa Sabado pa alis nila Mat. Gusto ko kasing makausap ang anak ko!" "Ramon kasi kahapon pa sila umalis diyan, wala ng tao diyan Ramon pati mga kasambahay niyo wala narin. Ang balita ko nga ang biyenan mo na daw ang bahala sa bahay niyo." biglang napahilamos sa mukha si Ramon. Kung ganoon hindi na niya makikita pa ang anak niya. "Damn it Hilda!" galit na sabi nito. "Ramon pasensya kana ha, hindi sa nakikialam ako kasi noong isang araw nandito si Mat umiiyak at ayaw niyang sumama sa Mommy niya. Eh mukhang apektado ang bata dahil naghiwalay na daw kayo ni Hilda?" "Ok lang Divina, pasensya kana rin kasi parang mas malapit pa ang loob ni Mat sa inyo kaysa sa Ina niya, salamat ah kasi alam kong sa inyo siya pumupunta kapag problemado siya sa bahay." "Naku wala iyon, mabait kasi ang anak mo at nagkakasundo sila ng anak ko." Bagsak ang balikat ni Ramon na umalis ng kanilang bahay, sinubukan niyang tawagan si Mat pero hindi na ito makontak. "Damn you Hilda! Ang sama mo!" napapalo pa niya ang manibela ng sasakyan dahil sa sobrang galit at sa sobrang inis niya sa asawa. "Patawarin mo ako Mat kung hindi man lang tayo nagkita!" MABILIS lumipas ang mga araw at buwan, unti-unti nang nakaka- adjust si Yumie sa pag-alis ni Mat, halos gabi-gabi rin niya itong iniiyakan dahil talagang namimiss niya ang kalaro niya. Isang araw bumangon itong mugto ang kanyang mga mata, napansin naman iyon ng kanyang Mama at Papa. "Yumie may problema kaba anak, bakit parang napapansin ko palaging mugto yang mga mata mo?" "Wala po ito Mama." "Anak kilala kita, anak kita kaya alam ko kung may mali sayo!" "Papa kasi si Mat po, umalis na po sila." "Asus sinasabi ko nga ba eh, tama ang hinala ko kaya ka nagkakaganyan. Anak wala na tayong magagawa, siguro panahon nalang ang makakapagsabi kung kailan kayo ulit magkikita ni Mat." "Bakit umiibig naba ang prinsesa ko?" tanong naman ng kanyang Papa. "Bakit hindi mo siya tawagan? May social media na ngayon anak, hanapin mo siya online!" "Ginawa ko na po Ma, wala pong lumalabas eh." "Balita ko si Don Lauro na daw ang bago nating kapitbahay." "Ay oo, nagkausap nga kami noong isang araw. Alam mo honey willing siyang mag-invest sa negosyo natin." masayang wika naman ng kanyang Papa . "Talaga? Naku mabuti naman kung ganoon, mabait naman kasi si Don Lauro ewan ko ba kung kanino nagmana ng kamalditahan yung si Hilda, dahil kabaliktaran ang ugali nito sa ama!" muling sambit ni Divina. Natatawa na lang sila, lumipas ang ilang taon tuluyan ng nagdalaga si Yumie wala narin siyang naging balita pa kay Mat. Isang araw nagulat siya ng madatnan niyang nakaimpake ang mga gamit ng kanyang Mama Divina. "Mama ano pong nangyayari dito? Bakit po yang mga bag niyo saan po kayo pupunta?" naguguluhang tanong niya sa Ina. "Anak hindi ko na kaya, sorry anak pero lulong na sa sugal ang Papa mo. Wala na tayong kabuhayan anak ipinatalo lahat ng papa mo sa sugal pati ang kaisa-isang negosyo na natitira wala na!" umiiyak na sabi ni Divina sa anak. Wala siyang kaalam-alam na nalulugi na pala ang kanilang mga kabuhayan. Paano na lang sila ngayon, paano na ang pag-aaral niya? "Mama huwag ka naman pong umalis oh!" pakiusap pa niya sa Ina pero buo na ang desisyon niya, naipaliwanag naman niya ang lahat kay Yumie, pupunta muna ito ng Baguio para mag isip- isip. "Sana matauhan ang Papa mo, huwag kang mag-alala anak babalik din ako. Magpapalamig lang naman ako anak!" wala ng nagawa habang tanaw nito ang inang palabas na kanilang bahay. Naguguluhan din siya sa mga nangyayari, pagakaalis ng kanyang Ina ay lumabas naman siya para maghanap ng trabaho. Tutal bakasyon naman at talagang kailangan niyang tumulong ngayon sa mga gastusin nila sa bahay lalo na sa mga gastusin niya sa kanyang pag-aaral. Nasa isang mall siya para mag-apply bilang isang saleslady, swerte naman at nakuha siya kaagad. Gabi na ng makauwi siya ng bahay, nadatnan niyang lasing ang kanyang Papa. "Wala na Mama mo Yumie, iniwan na niya tayo?" "Papa ano po ba talagang problema ninyo ni Mama, bakit po siya naglayas?" "Anak I'm sorry kasalanan ko anak, patawarin mo ako. Nawala na ang mga kabuhayan natin, wala na ang mga negosyo natin. Nalulong ako sa casino anak, kasalanan ko ang lahat." biglang nakaramdam si Yumie ng awa sa kanyang Ama. Napapaisip siya kung anong pwede niyang gawin para makatulong sa kanyang mga magulang. "Huwag po kayong mag-alala Papa gagawa po ako ng paraan para makatulong po sa inyo." umiling naman ang kanyang Ama. "Hindi anak, hindi mo kami responsibilidad. Ako ang padre de pamilya kaya dapat ako ang gumawa ng paraan." KINABUKASAN maagang gumising si Yumie para sa gaganaping exhibits contest sa isang mall. Isa siya sa mga naimbitihan kaya laking pasasalamat niya na kasali ang ilan niyang mga kuha. Sobrang proud niya sa kanyang sarili dahil maraming tao ang tumitingin sa kanyang mga kuha. Nasa loob na siya naglalakad lakad ng mapansin niya ang isang matanda na nakatingin sa kanyang obra. "Excuse me po Lolo, nagustuhan niyo po ba?" nakangiting tanong niya sa matanda. "Oh well maganda!" prenteng sagot ng matanda. Isang larawan iyon ng Bulkang Taal na kung saan makikita ang napakaganda nitong tanawin. Ang isa naman ay kuha niya mula sa Baguio na puro mga bulaklak. "I liked the way she captured it! Maganda ang isang ito, actually gusto ko itong bilhin." kunot-noong tiningnan niya ang matanda. "Ibig niyo po bang sabihin kilala niyo po kung sino po ang may kuha ng mga iyan?" muling tanong niya sa matanda. "Sigurado ako babae ang may kuha ng mga ito, mahilig sa mga bulaklak ang mga babae kaya nakakatiyak akong babae ang may obra ng mga ito." Lihim namang napapangiti si Yumie sa matanda, atleast ngayon alam niyang may nakaka- appreciate sa mga gawa niya. "Sigurado po ako Lolo yung may kuha ng mga iyan isang babaeng maliit, may mahabang buhok, sexy at may matangos na ilong!" magiliw na sabi nito, at tumawa naman ng pagak ang matanda. "Hahahah.. You're so funny iha. Nandito karin ba para mamili?" "Ay hindi po, nandito po ako para makita ko ang mga gawa ko po!" "What do mean little girl?" "Ahm ako po kasi ang may-ari ng mga pictures na iyan!" nahihiya niyang sambit sa matanda. "You're making me laugh young lady! Palabiro ka pala?" tumawa pa ito. "Naku hindi po, ako po talaga ang may kuha ng mga iyan!" "O siya sige naniniwala na ako sayo!" nagdududang tiningnan siya ng matanda . "Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Hindi ba ako mukhang kapani- paniwala?" sigaw ng isip niya "Naniniwala naman ako sayo iha, nang makita kita alam ko na kaagad na ikaw ang may-ari ng mga larawan na iyan. Salamat sa pagbabahagi mo ng talento mo iha!" Sobrang nakakaproud na marinig niya ang mga papuring iyon mula sa ibang tao. "Alam niyo kasi Lo, mahilig na po ako sa photography. Bata pa lang po ito na ang first love ko, kaya naman po mas pinapabuti ko pa yung talent ko." "That's a great profession iha, you should be proud of yourself, ang galing mo kaya!" napangiti naman siya, nakakataba sa puso ang mga ganoong papuri. "Thank you po Lolo kung nagustuhan niyo po!" sobrang overwhelmed siya sa papuri ng matanda. "Tawagin mo na lang akong Lolo Lauro, alam mo bang may apo rin ako nag-iisa nga lang, namimiss ko na ito!" biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha ng matanda. "Po nasaan po ang apo niyo Lolo?" muli niyang tanong sa matanda. "Nasa US siya ngayon, ewan ko ba sa batang iyon ang sabi niya uuwi siya pero hanggang ngayon wala parin, alam mo mabait yun tiyak magkakasundo kayo kapag nagkakilala kayo!" "Talaga po? Naku sige po isang karangalan po na makilala ko siya, babae po ba ang apo niyo?" "Naku iha lalake siya." napalunok naman sa sariling laway si Yumie. "Ah, hahah.. Lolo malabo po ata ang gusto niyong mangyari hindi po ako basta- basta nakikipag- kaibigan lalo na po sa mga lalake." "Alam mo iha gusto kita, mukhang mabait kang bata at napalaki ka ng maayos ng mga magulang mo, ano pala pangalan mo iha?" "Ahm Yumie po, Yumie Reign Balbuena po Lolo." Napahawak naman sa baba ang matanda, at para itong may iniisip. "Balbuena? Hmm, kaanu- ano mo sina Wilson at Divina Balbuena?" "Mama at Papa ko po!" "Sabi ko na nga ba eh, bakit ngayon lang kita nakilala iha? Actually kasosyo ko sa negosyo ang papa mo sayang nga lang at hindi niya naalagaan ng mabuti ang business niya." nagulat naman si Yumie dahil sa tinuran ng matanda, nagtataka naman niyang pinakatitigan ng mabuti ang matanda. "Kayo po ba yung nagmamay-ari ng malaking bahay sa tabi po namin." nakangiti namang tumango ang matanda. "Nice meeting you po Lolo Lauro." nang biglang tumunog ang cellphone nito at nagpaalam saglit na sasagutin niya ito. Pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone binalikan niya ang matanda. "Lolo maiwan ko na po kayo dito tumawag na po kasi sa akin yung event coordinator po namin kailangan na po ako doon sa event." "May trabaho kapa iha bukod dito?" "Ay opo, photographer po ako sa mga events saka saleslady din po ako Lo." "Ang sipag na bata, hala siya humayo kana iha, mag- iingat ka." ngumiti naman siya saka siya nagmamadaling umalis. Sumakay na siya ng MRT ng mapansin niya ang dalawang magkasintihan na naglalampungan sa loob ng MRT. Bumilog ang kanyang mga mata ng makita niyang sinusundot ng lalake ang puwetan ng babae. Napakapit siya ng mahigpit sa handrill ng MRT at napapalunok sa sariling laway lalo noong makita niyang pumasok ang kamay ng lalake sa loob ng palda ng babae. "s**t! Ano ba ito, nakakainggit naman sila, ano kayang feeling ng may humihimas sayo?" Naiinggit siya dahil no boyfriend since birth siya, gusto din niyang maranasan kung paano magkaroon ng boyfriend kaso wala eh, lahat ng nanliligaw sa kanya basted kaagad. Ipinilig niya ang kanyang ulo ng maalala niya si Mat. "Kailan kaya kita makikita ulit kuya Mat? Sana naaalala mo parin ako dahil umaasa parin ako sa pangako mo." Hanggang ngayon umaasa parin siyang babalik ito para tuparin ang pangako nito noon na babalik siya para pakasalan siya. Bumalik siya sa huwisyo ng tumunog muli ang kanyang cellphone. "Diyos ko Yumie nasaan kana ba?" "Malapit na ako mother, sige na at bababa na ako." bumaba na siya ng MRT at saka nag taxi papunta sa event center. Isang birthday party ang kanyang pinuntahan. Halos takbuhin na niya papasok ang Hotel at kaagad na sinalubong siya ng kanyang mga kasama. "Thanks God Yumie you're here!" nakapameywang na sabi ng kanyang boss. "Pasensya na po mother heto na po start na po tayo." inilabas na niya ang kanyang mga gagamitin sa pagkuha ng mga larawan. ISANG nakakapagod na gabi para kay Yumie, pero sulit naman ang lahat dahil kumita siya kahit papaano. ALA una na ng madaling araw siya nakauwi sa kanilang bahay. Nasa pintuan pa lang siya ng marinig niyang nagbabangayan na naman ang kanyang mga magulang, ibig sabihin nakauwi narin ang kanyang Mama. Hindi na lang niya ito pinansin dahil sa sobrang pagod niya sa trabaho. Nagising siya kinabukasan dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Lumabas siya ng pintuan at nakita niyang nag-aaway na naman ang kanyang mga magulang. "Mama, Papa hindi naba kayo titigil sa pag-aaway niyo? Pa naman eh, tama na po!" napatigil naman ang dalawa nang makita nila si Yumie, nakabihis na ang mga ito at nagpaalam silang may aasikasuhin silang importante sa labas. ILANG minuto nang nakaalis ang kanyang mga magulang ng tumunog ang kanyang cellphone, hindi niya kilala ang tumatawag pero sinagot parin niya. "Kayo po ba ang kamag-anak ng mag-asawang Balbuena? Sa police station po ito, huwag po sana kayong mabibigla ma'am!" biglang rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib. "Ma'am, kasi naaksidente po silang mag-asawa, sorry to say po pero dead on arrival po sila!" parang binuhusan ng malamig na tubig si Yumie, hindi siya makapagsalita hindi siya makakilos. Hawak niya ang kanyang dibdib at napaupo na lang sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD