bc

The Day You Said Goodnight

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
contract marriage
HE
second chance
friends to lovers
heir/heiress
sweet
lighthearted
office/work place
lies
like
intro-logo
Blurb

Hindi kailanman naisip ni Avi na isang pirma lang ang magbabago sa buong buhay niya-at gagawin siyang asawa ng kanyang boss, si Martin.Tahimik, seryoso, at tila laging malayo ang loob nito sa lahat.Dahil sa isang kasal na hindi nila pareho inaasahan, napilitan silang mamuhay sa ilalim ng iisang bubong bilang mag-asawa. Ngunit habang unti-unti nilang nakikilala ang isa't isa, mabubuksan kaya nila ang kanilang mga puso?O mananatili silang dalawang taong pinagtagpo lang ng pagkakataon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1: "HIJA?" Napalingon si Avi sa boses ni Dorthy mula sa may pintuan ng kanyang silid. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. May banayad na ngiti sa labi ng matanda. "We'll go ahead. Hindi ka na muling bumaba. I asked Martin and he told me that you're not feeling well. You both should rest." Bahagyang tumango si Avi kahit alam niyang hindi iyon totoo. Wala siyang sakit. Pagkagaling nila sa city hall kung saan ginanap ang civil wedding nila ni Martin, nagkulong na lamang siya sa kanyang silid. Ilang na ilang ang kanyang pakiramdam na makasalimuha ang buong pamilya ni Martin. Mababait silang lahat ngunit hindi siya makasabay sa kanilang mga pinag-uusapan. Napansin niya rin kanina pa ang pananahimik ni Martin magmula pa sa cityhall kaya mas minabuti niyang umiwas na lamang sa binata. "Sorry po, Ma'am. Akala ko po-" "Mommy, Avi," malumanay na putol ni Dorthy. "Call me Mommy. You and my son are now married. Masanay ka nang tawagin akong Mommy." Bahagyang tumango si Avi. Hindi niya maiwasang mailang. Sa loob ng maraming taon, si Dorthy ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya ma-imagine ang sariling tatawagin itong Mommy. "S-sige po... Mommy." Lalong lumawak ang ngiti ni Dorthy. "Get some rest. Napagod ka marahil sa trabaho at sa wedding ninyo." "Hindi naman po. Sanay naman po ako sa trabaho." "But you must rest, too, hija." "Thank you po." Iyon na lamang ang naisagot niya. Kahit mabait at maayos ang pakikitungo ni Dorthy sa kanya, hindi pa rin niya magawang maging komportable. Pakiramdam niya ay hindi pa rin siya nababagay sa pamilyang ito. Ngumiti muli si Dorthy bago tuluyang lumabas ng silid. Ilang sandali pa lamang ang lumipas nang muling bumukas ang pinto. Napalingon siya. Si Martin. Naka-tuck out na ang longsleeves nito at bahagyang nakaluwag ang kuwelyo. Mukha itong mas relax na kumpara kanina, ngunit hindi pa rin nabawasan ang presensyang awtomatikong nagpapakaba sa kanya. Marahil dahil may pagkasuplado ang dating ni Martin. Medyo tahimik kasi siya. "I'll just get some clothes," sabi nito. "I'll sleep in the other room." Awtomatikong napayuko si Avi sa hiya. Iyon ang room ng binata ngunit ito pa ang aalis. Hindi siya makapaniwalang nangyari ang lahat ng ito sa kanya. Kinasal siya sa anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Sino bang hindi mahihiya? "Ako na lang po ang lilipat ng silid, Sir," mahina niyang sabi habang nilalaro ang kanyang daliri. "No." Mabilis ang sagot ni Martin. "This will be your room." Napatingin si Avi sa paligid. Malaki ang room. Marami ang gamit ng binata. Mula sa mga librong nakahilera sa estante hanggang sa mga gamit na maayos na nakalagay sa bawat sulok. Sa totoo lang, mas lalo siyang hindi makakakilos kung mananatili siya roon. Iniisip pa lang niya na doon nakahiga sa malaking kama si Martin tapos magiginh kama niya rin ay mas lalo lamang siyang hindi naging kumportable. "Ako na lang po," muli niyang giit. "Mas marami kang ililipat na gamit kapag ikaw pa ang lilipat. Ako naman, konti lang ang dala ko." Tahimik siyang pinagmasdan ni Martin. Ngumiti siya ng bahagya, re-assuring him na tama ang kanyang suggestion. Hindi naman nagtagal ang pagtitig sa kanya ng binata. Pero sapat na upang maramdaman niyang parang may kung anong kumabog sa kanyang dibdib. Agad niyang iniwas ang tingin at kinuha ang duffel bag na dala niya kahapon. Nakasiksik pa iyon sa dulong cabinet kaya hindi napansin kanina ni Dorthy. "Saan po ba ang magiging room ko?" Nakangiti niyang tanong. Ilang segundo muna siyang tinitigan muli ni Martin bago ito bahagyang tumango. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa binata nang lumabas ito ng silid. Hindi niya maitago ang bahagyang paghinga nang maluwag nang pumayag si Martin na sa ibang kuwarto na lamang siya manatili. Huminto sila sa katabing silid. Binuksan ni Martin ang pinto at bahagyang umatras. "This will be your room." Dahan-dahang pumasok si Avi at inikot ang tingin sa paligid. Maaliwalas ang silid. May malaking bintanang natatakpan ng manipis na kurtina, isang queen-sized bed, at mga muwebles na simple ngunit elegante. Halatang matagal nang inaalagaan ang kuwarto kahit hindi gaanong ginagamit. Ibinalik niya ang tingin kay Martin na nanatiling nakatayo sa may pintuan. "Thank you, Sir." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. "You should stop calling me 'Sir,' Avi." Napakurap siya. "Call me Martin. We're married now." Hindi niya alam kung bakit tila mas mahirap gawin iyon kaysa sa inaakala niya. Sa trabaho, palagi niya itong tinatawag na "Sir Martin." Ngayon ay kailangan na niyang alisin ang nakasanayang tawag. Bahagya siyang tumango. "O-okay... Martin." Saglit na nanatili ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi iyon nakakailang para kay Martin, ngunit para kay Avi, parang lalo lamang bumigat ang hangin sa paligid. Hindi siya makatingin ng diretso sa binata. "Magpahinga na tayo, Si-" Napahinto siya nang maalala ang bilin nito. Bahagyang napapikit si Martin. "Martin," mabilis na pagtama ni Avi sa sarili. May kung anong tila sumilay sa mga mata ng binata bago ito tumango. "Good night, Avi." "Good night... Martin." Matapos maisara ni Martin ang pinto, saka lamang siya tuluyang nakahinga nang maluwag. Napasandal siya sa likod ng pinto at napatingala sa kisame. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa loob lamang ng isang araw, nagbago nang tuluyan ang takbo ng kanyang buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
749.4K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
982.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
361.7K
bc

Not just, the Beta

read
349.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook