NAPAHIMAS AKO SA suot-suot kong napakalambot, napakadulas, at napakagandang backless dress na kulay gold na may halong itim at may design na rose sa pagkakatahi sa bandang gilid ng baywang ko. Saktong-sakto sa akin ang dress at tila isang manika ang naging itsura ng katawan ko. Para akong sophistikadang babae na galing sa mayamang pamilya. Napatingin ako sa stelletong suot ko na itim ang kulay habang may mga diamond pa sa takong. Napakaganda at alam kong napakamahal ng halaga nito. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang mukha ko na tila ibang tao na ang nasa harap ko. Naka-messy bun ang buhok habang may tikas ng kaunti sa harap at sa bandang tainga ko, habang ang makeup ko ay light lang at mas naging pinkish ang pisngi ko dahil sa blush on na pinahid sa akin. Ganito kasi ang nangyari kun

